Chapter 8 - Jealousy

76 3 0
                                        

Chapter 8: Jealousy

Nang matapos ang klase namin ay halos sumigaw ako sa tuwa. Ngunit 'di ko magawa dahil may practice pa nga pala kami ng sayaw. Argh!

"Sabay na tayo, Makayla." napatingin ako kay Reigne na nagpapalit ng sapatos.

"Tara, tara!" nang matapos na siya ay sabay na kaming umakyat para magpalit ng damit. Pagkababa namin ay halos wala ng tao sa mga hallway kasi kanina pang uwian.

Habang pababa kami ay naguusap kami ni Jayrus, sakto naman na may tumawag kay Reigne kaya napatingin din ako doon. It's him!

Nakalahad ang kamay niya na animo'y may hinihingi mula kay Reigne kaya't biglang bumaling sa akin si Reigne at tumawa.

"Yung regalo niya daw." halos pabulong na sambit ni Reigne sa akin. Natawa na lang ako at muling bumaling kay Jayrus.

"Lagay muna natin 'yung bag natin sa baba." sambit ko sa kanilang dalawa.

"Wait, sa baba!" tugon ni Reigne sa pinsan niya na nasa loob ng classroom.

Bumaba na kami ni Reigne at mabilisan naming inilagay ang gamit namin sa patungan at naglakad na ulit kami pabalik sa room nila kuya Jace.

"Ikaw na ang mag-abot." nakangiting utos ni Reigne. Napanguso ako at umiling.

"Kaya mo na 'yan." sambit ko.

"Isa!" natawa ako at umiling ulit. Nahihiya ako at saka ayoko ng issue.

Pagkaakyat namin ay saktong nasa labas ng room si ate Kim saka si kuya Jio kaya napaatras ako ng bahagya. Classmates sila ni kuya Jace.

Nagpatuloy si Reigne sa pag-akyat habang ako naman ay nanatili lamang sa hagdan at nakatingin sa kanila.

"Tawag ka ni Jace, Makayla!" pang-aasar ni kuya Jio kaya napailing ako. Paasa hmp!

"Uy, tara dito! Tawag ka," kumumpas sa hangin si ate Kim na animo'y pinapalapit ako so lumapit na ako sakaniya. "Tawag kita." patuloy niya kaya natawa ako.

"Oh!" inabot ni Reigne 'yong jar kay kuya Jace.

"Sayo galing?" tanong ni kuya Jio sa akin. Binalingan ko siya ng tingin at sinagot.

"Siya nagbigay." tinuro ko si Reigne na ngayon ay nakatitig na sa pinsan niya.

"Ah!" tumango si kuya Jio. "Pero ikaw nga gumawa?" tanong niya pa ulit. Tumango na lang ako dahil wala ako sa mood para mambara.

"Ayieee!" kantsaw nila ni ate Kim na ginatungan pa ni Reigne. Naloloka na ako. Sandali akong sumilip kay kuya Jace at napangiti ako ng bahagya no'ng nakita ko na nakangiti siya habang binubuksan 'yong jar. He held the chocolates right after he opened the jar.

"Thank you." sambit niya kay Reigne. Tumawa lang si Reigne tapos nag-'thank you' ulit si kuya Jace.

"Bakit ba sakin?" natatawang tanong ni Reigne.

"Thank you, Makayla." rinig kong bulong ni kuya Jace. Biglang tumili si Reigne at hinatak ako pababa.

"Thank you daw!" sigaw pa nila. Habang pababa kami ay tuwang-tuwa si Reigne tapos ako naman ay natatawa na lang habang umiiling. He can effortlessly make me go crazy as damn.

"WELCOME!" sigaw ko nang malapit na kami sa baba ni Reigne.

"Grabe! Nakangiti siya kanina tapos sabi niya 'thank you, Makayla!'." nakangiting pagk-kuwento pa ni Reigne.

Napatingin na ako sakaniya at ngumiti.

"Nakangiti?" takang tanong ko.

"Oo, gagi! Bakit ka kasi nakatago? Jusko! Nong nag-thank you siya sa'yo nang pabulong, nakangiti siya!" kinikilig niyang sambit at nagtatalon-talon pa. Inulet. Kaloka!

"Tara na, baka magalit na sila captain." natatawang hinatak ko na siya patungo sa gym dahil naghihintay na sa amin sila Ate Johann.

Buong oras ng training namin ay inip na inip ako sa 'di ko mawaring dahilan. Saktong 5:30 ay natapos kami sa pagt-training kaya't dumiretso na ako pauwi.

Kinabukasan ay pumasok ako sa campus na parang wala lang. Nakatungo lang ako at nasa bulsa ng pants ang kamay ko. May outreach program kasi kami mamaya kaya hindi kami naka-uniform. Instead, naka-club shirt lang kami at pants. Maya-maya'y nag-angat ako ng tingin at sumakto ito sa gawi ni Nathalie. She's looking at me with those sad eyes. Umiwas na lang ako ng tingin at binalewala ang titig ni Nathalie sa akin. Sakto naman na naka-angat ang mga braso ni Janella na animo'y humihingi ng yakap.

"Makayla, pa-hug!" lumapit ako sakaniya habang tumatawa. Agad niya naman akong hinapit upang mayakap nang mahigpit.

Same stories—ayon na naman ang narinig ko from her. Gusto nya daw i-keep sa sarili niya si miss Chan. Ang dami niya pang sinabi pero umiling na lang ako at pinakinggan ang paulit-ulit niyang kwento.

"Tapos ka na?" natatawang tanong ko. Bigla siyang napatitig sa akin na para bang may mali sa tanong ko. Mayroon naman talaga. Mas natawa ako at nauna nang maglakad.

"Papilahin niyo na lahat ng students." utos ko sa mga marshals na kasama ko. Tumango na lang silang lahat at nagsimula na sa pagpapapila.

Habang inaayos namin ang pila ng grades 7 and 8 na hawak namin ay lumapit sa akin si ate Zhaira. Shāyra ang pronunciation ng pangalan niya. Ang ganda— parang siya.

"Ano, Makayla, kuhanin niyo 'yung list ng mga junior high school teachers na nakarating na kay guard." tumango na lang ako sakaniya at umalis na ako.

Habang naglalakad kami ni Janella ay 'di ko naalala na umulan nga pala kanina kaya't muntikan na akong nadulas doon sa gilid ng mga grade 10 students. Saktong nakatingin pala sa akin ang mga kaklase ng kuya ni Janella pati na din ang kuya niya kaya't natawa na lang ako sa hiya. Basa kasi 'yung gilid nila dahil sa ulan kanina kaya madulas.

"Makayla!" nahihiyang tawag ni Janella. Natawa na lang din ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa guard's house ay hiningi ko na agad kay guard 'yong list na agad niya namang isinulat.

"Buti 'di nakita ni kuya Jace." natatawang sambit ko.

"Wala pa siya." nakangising sagot ni Janella. Ah, weh?!

Sakto naman na pagtingin ko sa gate ay pumasok ang tao na binanggit ko. Kuya Jace!

"Goodmorning." mahinang sambit ko nang dumaan siya sa may gilid ko. Hindi niya na siguro narinig pero tumingin siya sa amin ni Janella saglit.

Nagulat ako dahil akala ko'y didiretso siya nang lakad ngunit tumigil siya sa may tabi ko—pero may space. Ah! Late kasi siya.

He's not smiling, pero ang lakas pa din ng dating niya. Gosh! Hanggang sa napansin ko na dumating na din 'yong magandang classmate niya. Si ate Myles. Mika Yles talaga ang name niya, pero karamihan sa tumatawag sa kaniya ay 'Myles' ang ginagamit.

Matangkad 'yan at 'yong buhok niyang bagsak na bagsak ay mas nakakadagdag sa karisma niya. No'ng pumasok siya ay seryoso lang ang itsura niya, hanggang sa napansin niya si kuya Jace na nakatayo lang sa may tabi ko. Nagulat ako nang biglang ngumiti si ate Myles at lumingon naman si kuya Jace. Saglit silang nagkatinginan hanggang sa unang nag-iwas ng tingin si kuya Jace. Ok, what's going on?

Bakit ako nakaramdam ng selos?

****

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon