Chapter 4 - Picture

86 2 1
                                    

Chapter 4: Picture

Buong isang linggo kaming naging abala sa paghahanda para sa darating na programa ng Buwan ng Wika. Ilang araw lang din naman ang lumipas nang matapos namin ang steps para sa aming sasayawin.

Hindi naging madali ang mga araw ng aming practices. May ilang beses na nagdaan na nagalit sila Jayrus dahil may mga pasaway, 'yong iba naghaharutan. But, glad to say, natapos namin nang maayos lahat.

Ngayong araw na ang Buwan ng Wika. Abala sila Jayrus sa pagge-General Practice habang ako naman ang nagaayos ng mga tela na gagamitin namin bilang kadagdagan sa aming kasuotan. Napag-planuhan din kasi namin na maglagay ng tela sa wrist as a props.

"Makayla, emcee pala si Jace!" biglang sulpot ni Janella sa tabi ko.

"Saan ka galing?" kunot noong tanong ko rito.

Pilit lang siyang tumawa. Ah!

"Kay miss D?" nang hindi siya sumagot ay napangisi na lang ako. Knew it!

"Uy, pero ayon na nga. Emcee din pala si kuya Jace. Sila ni kuya Jamiell." nakangiting pagbabalita niya sa akin na animo'y nanalo siya sa lotto. Napangiti na lang ako at umiling.

Nakailang pasada pa ulit kami ng practice hanggang sa naayos na namin nang todo ang sayaw. Tinawag na din kami ng adviser namin kaya't nagsibabaan na kami.

Nakatulala lang ako buong programa at iisa ang laman ng utak. Jace. Halos malaglag ang panga ko kanina no'ng nakita ko siya. He is wearing an exact-fit barong in his defined body. I must admit, mas gumwapo siya dahil sa suot niya ngayon. There are also times na nakikita ko siyang nakatingin sa may gawi ko—namin pero 'di ako naga-assume. Ang daming tao dito sa gym, malay ko ba kung sino ang tinitignan niya.

Hanggang sa tinawag na ang section namin. Inalala ko lahat nang na-practice naming steps habang nasa ground kami ng gym. Duh, alangan namang ibang steps ang isipin ko. Natapos na kami sa pagsasayaw at ang ingay pati hiyawan ng mga tao sa paligid ay sobrang lakas.

Nang makabalik kami sa upuan ay nag-pokus na ako ulit kay Jace. Ito lang naman ang kaya kong gawin—ang titigan siya. Ang taas niya masiyado.

Natapos ang programa at siyempre, panalo ang section namin. Nag-aya pa ang adviser namin na mag-class picture daw kami sa stage pang dagdag daw sa album niya. Natawa na lang kami dahil sa kakulitan ni sir.

"Sir Jeff, pa-pic daw po si Makayla kay kuya Jace." nagulat ako nang itinuro ako nila Nathalie sa adviser namin.

"Hala? Sir, hindi po!" pailing-iling kong pag-ayaw.

"Dali na, Makayla! Jusko naman." natatawang hinila ako nila Nathalie para daw 'di ako tumakbo. Aish!

"Kanino?" nakangiting tanong sa amin ni sir Jeff.

"Tay naman!" he's more likely a father to us. Sanay kaming tumawag sakaniya na 'daddy', 'tay' o 'dy'. Tinawanan lang ako ni sir kaya napabusangot ako.

"Kay sir Arellano." itinuro ni sir Jeff si sir Arellano na siyang may hawak ng camera.

"Ok po, sir. Salamat po!" tuwang-tuwa na sambit nila Nathalie sa kaniya.

"Sir, pa-picture daw po si Makayla at kuya Jace." ani nila Nicole kay sir Arellano nang makalapit kami.

"Kay ano?" nakangiting tanong ni sir habang hawak ang camera niya.

"Kay kuya Jace po." sagot nila Nicole. Napa-iling na lamang ako dahil sa kalokohan nila.

"Ah sige sige." tumango pa si sir. "Jace!" agad na nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw si sir para tawagin si Jace na nasa gilid ng stage.

Nang hindi siya narinig ay nilapitan siya ni sir para sunduin. Napansin kong parang may pinagusapan pa muna silang dalawa hanggang sa nakalapit na sa akin si kuya Jace. Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Yieeeee!"
"Jaceeee!"
"Ayooon!"
"Kyaaaaah!"
"Makayla!!!"
"We shiiip!"

Ang wild ng mga ka-batchmate ni Jace. Lahat sila ay naghihiyawan kaya't mas nahiya ako. Sila Nicole naman at Nathalie ay magkahawak-kamay na nakatingin sa akin. Tch! Kilig na kilig naman 'tong dalawang 'to, ah!

"Game na dali!" malawak na ngiti ang nakapaskil sa mukha ni sir Arellano at sir Jeff. Argh!

Ngumiti na lamang ako at dinama ang moment na ito. Aaminin ko, masaya ako. Sobra! Pero ayokong lumampas sa limitasyon. I mean, ayokong magmukhang malandi na tipong ako 'yong naghahabol sa lalaki. Ok na ako sa ganito.

"Thank you po, sir!" sambit ko na lang kela sir at saka nauna nang umalis doon. Nginitian ko na lang din pati si Jace bago ko sila tuluyang iniwan doon.

"Omg, Makayla!" kinikilig na hirit ni Nathalie.

"Grabe 'yong ngiti ni kuya Jace kanina, eh!" natatawang sambit ni Nicole. Nabaling ang tingin ko sakaniya at naghintay nang kasunod. "Oh?" she asked. Napa-iling na lang ako.

"Asa naman." natatawang pag-iling ko.

"Nakangiti nga kasi!" tumawa din sila ni Nathalie.

Umakyat na kami sa room at sunod-sunod na 'congrats' ang narinig ko.

"Congrats din!" nginitian ko ang mga kaklase ko.

Dumiretso kami nila Nicole sa HWB dahil naisipan naming kumain. Kasama namin si Nathalie at Reigne.

"Next tayo sa Tea Gumps" napatango na lang ako.

Habang busy silang tatlo sa paguusap-usap ay busy din naman ako sa pag-lantak ng pagkain ko.

"Omg!" napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang photos na sinend sa akin ni sir Arellano.

Me:
Hala, thank you po.

Sir Arellano:
Ikaw na lang din ang magsend niyan sa kaniya hehe.

Me:
Naku, 'wag na po. Sa atin na lang 'yan, sir.

Sir Arellano:
Ok, sige hehe.

Napangiti na lang ako. Pero agad din 'yong nawala nang may kasunod pang sabihin si sir.

Sir Arellano:
Naku, nai-send ko na pala.

Me:
Weh, sir? Halaaa po.

Sir Arellano:
Oo nga! Hehe.

Me:
Sir naman po!

Sir Arellano:
Bakit? Malay mo maging close na kayo niyan. Hehe.

Me:
Hay nako, sir. Sige na lang po.

Natawa na lang ako at napa-iling sa kakulitan ni sir. Jusko! I opened my twitter and set my picture with kuya Jace as my header. Done!

*****

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon