Chapter 20 - Surprise

54 3 0
                                    

Chapter 20: Surprise

Antok. Isang salita na may limang letra pero 'yan ang dahilan kung bakit ang daming mga bata ang napapagalitan palagi ng mga magulang.

"Makayla, gumising ka na! Alas-onse na." rinig kong sigaw ni daddy mula sa labas ng kuwarto.

Huminga na lang ako nang malalim at nagtalukbong ng kumot. I'm still sleepy as sh*t!

"Makayla!" sigaw niya ulit.

Alright, alright! Nahimigan kong naiirita na si daddy kaya't kahit wala pa sa aking plano na bumangon ay wala na din akong nagawa kundi itabi ang kumot. Frustratedly, hinilamos ko sa aking mukha ang palad ko. Tumalon ako patayo at kaagad na tumakbo palabas.

"Goodmorning!" I gritted my teeth and smiled.

Dumampot ako ng tinapay sa oven at isinubo 'yon agad. Saglit akong tumingin kay daddy bago ko hinila ang isang upuan na nasa gilid ni kuya. I lifted my right foot and placed it on the chair while scrolling the screen of my phone.

"Hmm." dali-dali akong umayos ng upo nang mabuksan ko ang gc ng squad.

-Squad-

Reina: Pajama saka shirt lang dadalhin ko.

Ulan: Ipagpaalam niyo ako. Angeline, asan ka?

Reina: Nasa bahay.

Mushroom: Hala, hindi ako makakapunta.

Ako: Hoy, bakit?!

Ulan: Yown, etlog.

Ako: Di nga kasi ako itlog. :((

Mushroom: Hindi ako pinayagan.

Ako: Kwento mo sa pagong, Janella!

Napasapo na lang ako sa aking noo at kaagad na lumabas mula sa chat room ng squad. I tapped the exit button and search for Janella's name. Nang mahanap ko na 'yon ay nagsend agad ako sakaniya ng private message.

Ako:
Paano 'yong kuwento mo?

Janella:
Chat na lang. Hindi kasi ako puwede sumama. :((

Ako:
Ipagpapaalam kita?

Janella:
Huy, hindi talaga papayag sila mommy.

Ako:
Ano ba 'yan? Sayang, hoy!

Napasimangot na lang ako at akmang magl-log out na nang magreply agad si Janella.

Janella:
Joke lang! HAHAHA. Mamaya magk-kuwento ako.

Napatayo agad ako at halos mapunit na ang mga labi ko sa kangingiti. Tumakbo ako palapit kay daddy at tumalon sa kaniyang likuran.

"Daddy, nagpaalam na ako kay mommy noong isang araw." I smiled sweetly at him.

"Saan na naman?" kunot-noong tanong niya.

"May sleepover po kami ngayon. Bukas na po ang uwi ko after lunch." tugon ko.

"Anong oras ang alis mo?" tanong niya.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon