Chapter 16 - Call

70 3 2
                                    

Chapter 16: Call

It's already Saturday in the afternoon at wala pa din akong ganang kumilos. Pailing-iling na inayos ko na lamang ang aking laptop pati ang mga chichirya sa aking gilid. Nasa kalagitnaan na ang movie na pinapanood ko nang mag-vibrate bigla ang phone ko.

Ate Lou:
Happy Birthday! Nagdadalaga na talaga, hmp!

Nanlaki kaagad ang mga mata ko at halos mapatili ako dahil sa nabasa ko. Ate Lou just sent me a message!

Ako:
OMG! Ate, I missed you naaa sobra!

Natatawang sinend ko iyon sakaniya, hindi ko na pinansin ang laptop ko na napaka-ingay dahil sa movie at itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko sa aking kachat.

Ate Lou:
Pupuntahan kita kapag hindi ako busy. College life, you know!

I just chuckled and chat with her the whole time. Sobrang dami pa naming napagusapan about life. I even knew that she's hanging out with a guy from her school already. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang magpaalam sakaniya dahil kailangan niya na daw magpahinga.

Ate Lou:
Sorry, by. Kailangan ko nang magpahinga. Babawiin ko 'yung tulog ko, haist!

Ako:
It's fine, ate. See you soon. :))

Ate Lou:
Yeah, sure! Basta kapag kailangan mo akong kausapin, gora na agad. Love you! <3

Napahagikhik na lamang ako at lumabas na sa conversation naming dalawa. Sunod kong binuksan ay ang group chat namin ng mga kaibigan ko.

-Squad-

Ako:
Hey, guys! So tuloy na tayo bukas?

Excited na ako para bukas. Halos mapunit na ang mga labi ko sa kakangiti habang naghihintay ng reply mula sa kanila.

Ulan:
Where?

Zet:
Saan?

Ngumuso na lamang ako at natatawang nagtipa ng irereply sakanila.

Ako:
Swimming ba or padeliver na lang tayo kela Ulan?

Reina:
Hala, sorry! Hindi ako makakasama bukas. Bawi na lang ako after exam. Doon natin i-celebrate 'yung birthday mo.

Animo'y pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa itsura ko ngayon. Nanghina ako at napakagat na lamang sa aking pang-ibabang labi. I even tried to compose myself for a second before tapping the keys in my phone.

Ako:
Ah, sige sige. Ok lang! HAHA.

Message lang naman 'yon kaya't madaling ibahin ang nararamdaman. That's the best part of messaging. Sa message, you can fake everything, but in personal? Oh, damn! Only stupids won't notice.

Reina:
Sorry talaga! Celebrate na lang natin after exam.

Mapaklang napatawa na lamang ako at saka tumango nang ilang beses. Ok lang naman 'yon. Kahit nga 'wag na naming i-celebrate, ok lang, eh.

Ako:
Ok lang talaga! HAHAHAHA.

Para saan pa kung ic-celebrate namin 'yon after exam? I mean, anong essence no'n? Pero naiintindihan ko sila. Their parents won't allow them tomorrow dahil malapit na ang exam namin. Well, it's really fine. I just shrugged my shoulders and activated the 'Mute' selection in my phone. Naka-activate na din ang 'do not disturb' mode dito dahil may mga gagawin pa ako.

I stood up and went to my closet area. Pumili ako ng susuotin ko bukas kapag nagsimba kami. Pagkatapos kong mamili ay bumaba muna ako at nagtimpla ng gatas. I brought it in my room and placed it on my side cabinet.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon