Chapter 12 - Rain

66 3 2
                                    

Chapter 12: Rain

Tumatawang napatayo na lamanag ako mula sa aking pagkakaupo. Tumingin ako sandali kay Angeline na pasimpleng umiirap habang pangisi-ngisi. Si Reigne naman ay nakatuon lamang ang buong atensyon sa librong kaniyang binabasa. 'Yong iba naman ay tumatawa lang din pero maayos. Hindi kagaya ng tawa ni Angeline, hindi mo mawari kung ok pa ba siya o ano.

"Hala! Umuulan." napahawak kaagad ako sa aking buhok at kaagad ko itong kinabig patungo sa likod ng aking tainga.

Bumaling ako sa bintana at napansin ko ang matiwasay na pagpatak ng bawat butil ng ulan mula sa labas nang malinaw na salamin ng aming bintana.

"Rain's falling." kaagad akong napaayos ng tayo at bumaling kay Reigne. Napatigil siya dahil sa narinig mula kay Zet kaya't kaagad na akong nagsalita bago pa 'man ma-misunderstood ni Reigne ang pahayag ni Zet.

"Rain's dropping calmly." nakangiting bumaling akong muli sa bintana at pinagmasdan ang pagpatak ng ulan.

Everyone loves a normal day, a good weather and a natural rise and set of sun. Pero, ako? I love seeing rain more than the sun. Hindi ko alam kung bakit, pero ayon ang totoo. A calm and peaceful rain.

Napapikit na lamang ako at pinakinggan ang mahihinang kalampag ng bawat butil ng ulan sa bintanang aking sinasandalan. I love rain, but I hate it when it roars. Tuwing naiisip ko ang mga tao, pamilya, homeless people na nasasalanta ng walang-awang ulan ay kaagad akong naaawa at napapahiling na lamang na sana ay muling nang sumikat ang araw.

"Tara, break na!" dahan-dahan kong inilayo ang aking sarili mula sa bintana at sumabay na ako sa mga kaibigan ko patungo sa canteen.

Pagkalabas namin ay kaagad kong naramdaman ang pagyakap sa akin ng hangin. It swirls right on my uniformed-body together with a small amount of rain. Ang sarap! Nang mapatingin ako sandali sa kalangitan ay kaagad na nawala ang aking ngiti dahil sa kulay ng langit. Hindi ito basta makulimlim lamang, mula sa mga ulap nito at sa ihip ng hangin ay naramdaman ko ang panibagong panahon na paparating.

"Typhoon." tanging ako lamang ang nakarinig sa aking sinabi kung kaya't napailing na lamang ako at sumunod sa paglalakad nila Zet.

"Magpapapila pa ba tayo?" umiling na lamang ako kay Angeline at lumabas na ako mula sa canteen. Sila lamang ang kumain kanina, tanging Milo lamang ang ininom ko para sa recess.

Mabagal ang naging paghakbang ko at dinama ko na lamang ang pagpatak ng mga ulan. From a calm drop of rain to a wild pouring of precipitation.

"Huwag niyo nang papilahin ang bawat sections." sambit ko kayla Paulo habang tinitignan ko ang mga stalls na nagaayos na. They are alert!

"Ha? Bakit?" I turned my gaze on Angeline and swiftly, tinanggal ko ang dahon na wari ko'y hindi niya namalayang pumatak sa kaniyang uniform kanina.

"Ilang minuto pa ay lalakas na ang ulan, hindi na dapat natin hintayin 'yon bago pa natin sila paakyatin patungo sa kani-kanilang classrooms." tumango na lamang sila at ginawa ang sinabi ko. Hinintay muna namin na maka-akyat na lahat ng students bago kami nagsi-akyatan sa aming silid.

"So next week, we'll continue the lessons we discussed today." ani sa amin ni Ms. Gomez. Tumango na lamang kaming lahat hanggang sa lumabas na si miss mula sa aming silid.

"Last subject, uwian na!" natawa na lamang ako sa inusal ng mga kaklase ko. Mga excited umuwi!

Napakabilis ng oras. Kanina lamang ay recess namin, at ngayon ay isang subject na lang ang natitira at magsisi-uwian na ulit kami.

"Makayla, anong plano mo next week? Birthday mo na." napaisip kaagad ako sa tanong ni Angeline. Oo nga, muntikan ko nang malimutan 'yon.

"Ewan." natatawang nagbikit-balikat na lamang ako. Nagplano silang lahat ng gagawin namin sa birthday ko habang ako naman ay nagpatuloy na lamang sa pagsusulat ng journal. Every Thursday kasi ay kailangan namin magpasa ng journal na naglalaman ng reflection tungkol sa mensahe na ipinapahayag sa amin kada-Miyerkules.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon