Chapter 23 - Distance

69 3 0
                                    

Chapter 23: Distance

Who would have ever thought na sobrang bilis na ng panahon? Parang kailan lang noong nag-sleepover kami, at ngayon ay pasukan na ulit.

Itinukod ko ang isang siko ko sa lamesa at nagpatuloy sa pagsusulat sa papel. Pinagmasdan ko lamang ang paggalaw ng aking lapis sa ibabaw ng papel at ang pag-iiwan nito ng marka doon. Namamangha ako sa tuwing napagmamasdan ko ang pagkabuo ng mga bagay sa papel mula sa panulat.

For me, paper and pen symbolize life. Well, not literally the life in reality, but the life which is controlled by us. Our fate.

Kung ano ang lalabas sa papel bilang resulta nang paggalaw ng panulat na nasa ibabaw nito ay nakalaan sa humahawak ng panulat, ngunit ang desisyon mismo ay nagmumula sa sariling isipan ng may hawak. Just like our fate, we decide what we want, but the result doesn't rely on us.

"Makayla!" isang sigaw ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

"Ano?" gulantang kong tanong.

"We were calling you for the ninth time, mygosh!" napasapo pa sa noo si Angeline.

"Eh?" gulat kong tanong. Tumango lang sila Janella habang humihigop sa kanilang juice o 'di kaya'y sa kanilang cup noodles.

"Ok ka lang?" nagaalalang tanong ni Gab. I heaved a sigh and composed myself.

"Sorry. Ok lang ako." I nodded to assure them I'm fine. Nang mag-iwas na ulit sila ng tingin ay tumungo na ulit ako at humigop sa aking Milo.

"Reigne." rinig kong sambit ni Gab. He's not calling me so hindi na ako nag-abala pang lumingon.

"Oh?" tanong ni Reigne sa kaniya. Umiling na lang ako at nag-focus sa aking sinusulat.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi ngunit binalewala ko na lamang iyon. Ngunit, kalaunan ay hindi ko na natiis ang katahimikan ng aking paligid. Tanging bulungan lamang nila ang aking naririnig na animo'y mga bubuyog kaya't nagtaka ako.

"Para kayong mga e—" napatigil ako sa pagsasalita at sunod-sunod na napalunok. "K-kuya Jace..." gulat kong pagbati. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti nang bahagya.

"Hi, Makayla." lumitaw ang dimples niya dahil sa pag-ngiti.

Mabuti't nakalugay ang aking buhok kaya't nang sulyapan ko ang mga kaibigan ko na may pinaghalong kilig at saya ay paniguradong hindi niya napansin.

Days have passed, napansin ko na madalas nang sumasabay sa amin si kuya Jace tuwing recess time and lunch time. Isang beses ay may kaniya-kaniyang mundo ang mga kaibigan namin at si kuya Jace naman ay wala pa marahil ay may klase pa so I grabbed the chance to ask Reigne.

"Ulan..." napatingin agad siya sa akin at ibinaba ang hawak na libro. "..napapansin kong madalas nang sumasabay si kuya Jace sa atin, bakit kaya?" nagtatakang tanong ko.

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano, pero hindi ko 'yon maiwasan lalo na't napansin kong natigilan siya nang husto dahil sa tanong ko. She's hiding something from me— from us.

"Kasi..." akmang magsasalita na siya nang biglang dumating si kuya Jace.

Umayos na agad ako at tumayo. Lilipat na sana ako ng puwesto para makaupo si kuya Jace sa tabi ng pinsan niya pero pinigilan niya agad ako.

"Dito ka na lang, ako na lang ang lilipat." marahan kong sambit habang inaayos ang puwesto ng upuan.

"Hindi na, diyan ka na." ngumiti siya sa akin at nakita ko na naman ang dimples niya. Argh, damn! Ang guwapo niya talaga.

"Per—" kaagad kong naitikom ang aking bibig. Hindi dahil nakaupo na siya sa isang bakanteng upuan, kundi dahil sa sinabi niya.

"You'll sit there, or you'll sit here?" itinuro niya ang upuan na nasa harapan ko at saka ang kaniyang kandungan. Kaagad akong napalunok at wala sa oras na namula. "You choose, Makayla."

Naramdaman ko ang pag-init ng buong sistema ko paakyat sa aking mukha. Alam kong pulang-pula na ako sa mga oras na 'to pero mas namula pa ako nang mapansin ko ang pag-ngisi niya.

"Kamatis!" kantsaw bigla nila Janella. Akala ko ba busy ang mga 'to? Hiyang-hiya na ako pero mas nangibabaw sa akin ang inis. Naiinis ako dahil ayokong nahihiya sa harapan nila.

"Shut up!" umiwas ako ng tingin ngunit dala ng aking katangahan, kay kuya Jace ako saktong napatingin. He's chuckling while playing his lips with his fingers.

"Naman, eh!" padabog kong hinatak ang silya at naupo doon. I placed my both hands on my face to hide my redness.

"Mansanas o kamatis?" tawang-tawa pa din sila Suzette kaya't napanguso na lang ako habang pilit na umiiwas ng tingin.

Akmang magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ng lalaki na puno't-dulo nitong kahihiyan ko. Argh, thanks to him. I rolled my eyes and crossed my arms above my chest.

"Stop." napatigil ang mga kaibigan ko dahil kay kuya Jace. "Tigilan niyo na muna si Makayla. May ibang oras pa." I dropped my jaw for the countless time when I noticed his deep stares with a smirk flashed on his face.

Imbis na kiligin ako dahil sa inusal niya ay mas nainis pa ako. Is he making fun of me? Marahas kong sinipa ang upuan niya mula sa ilalim ng lamesa.

"Funny." I mimicked. I pulled out my tongue and made a face at him. Nilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng aking mukha at nagduling-dulingan. Ok, maasar ka. Hmp!

Lumipas ang halos isang minuto, ako na ang kusang tumigil sa sarili kong kalokohan. Napansin ko na imbis na mainis siya gaya ng gusto kong mangyari ay kasalungat pa ang naganap.

I was caught and trapped by his stares. He even leans forward at seryosong tumitig sa akin, his eyes were full of amazement. Did I amaze him? Should I congratulate myself? Oh, please! Napangisi na lang ako dahil sa huli ay talo pa din ako. I never take defeat nor lose in any game. Now, am I starting to hate the person I like?

Imposible...

"I'm loving what's in between us." napatakip ako sa aking bibig kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. I didn't expect that to come out of my mouth.

Malayo sa amin ang mga kaibigan ko dahil lahat sila ay bumibili na naman ng pagkain. Ako lang ang hindi pa kumakain dahil naisipan kong mag-tubig na lang.

Hindi ko na natiis ang katahimikan na bumalot sa amin ni kuya Jace kaya't naisipan kong maglakad na palayo. Iisang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang mapatigil ako dahil sa binitawan niyang mga kataga.

"I'm starting to love this distance between us." his voice were so husky. Pakiramdam ko ay napako ako sa aking kinaroroonan lalo na nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga malapit sa aking leeg.

"We're too close." puna ko. I closed my eyes. Sobrang lakas nang pagkabog ng aking dibdib, animo'y katatapos ko lamang makipagkarera.

I didn't hear anything else from him so I expected na malayo na siya mula sa akin. I can't even feel his warm breath anymore kaya't naisipan ko nang humarap sa kaniya. But, I guess that was my most stupid movement. Tila isang pulgada na lamang ang layo namin mula sa isa't isa. I stepped back and for the third time, I did a stupid mistake.

"Shoot!" my eyes widen ngunit agad ko din iyong naisara dahil sa kaba.

Akala ko ay tuluyan na akong matutumba, ngunit laking pasasalamat ko nang malambot na bagay ang naramdaman ko sa aking likuran. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata kasabay nang pag-ihip nang malakas na hangin. Natakpan ng buhok ang aking mukha ngunit hindi ko na iyon nagawa pang hawiin lalo na nang nagsalita si Jace.

"Closure is the distance I'm starting to love between us."

*******

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon