Chapter 18 - Deal

62 2 0
                                    

Chapter 18: Deal

"Hintayin niyo na lang muna ako dito, bibili lang ako ng gamot sandali." sambit ni mommy sa amin.

Tumango na lang ako sa kaniya at pinagmasdan siyang maglakad papasok sa loob ng Watsons. Mauuna na kasi si mommy pati ang mga bata sa paguwi, kami naman ni Nathalie ay mamaya pa.

"Gusto kong magpa-henna." bigla ko na lamang nasabi.

"Ako din." tugon ni Nathalie kaya't napangisi ako.

"Pagkauwi nila mommy, palagay tayo."

Pinanood ko na lang ang paghahabulan ng mga pamangkin ko habang hawak-hawak ko ang mga pinamili nila.

I was so busy scanning the mall when my mom already came back. May bitbit siyang maliit na plastic ng Watsons habang sinisilip ang loob noon.

"Uuwi na kami. Ingat kayo, 'wag magpapagabi." paalala niya sa amin.

"Alright, alright." I heaved a sigh and shook my head. Hinintay ko munang mawala na sila sa aking paningin bago kami dumiretso ni Nathalie sa escalator.

"Tara na." sabay na kaming naglakad ni Nathalie para hanapin 'yong tattoo shop ng mall.

"May baba pa pala ito? Akala ko ito na mismo 'yung ground floor." namamanghang sambit niya nang mapagtanto niyang may isa pang floor sa ilalim ng ground floor.

"Uh-huh. Basement floor." I smirked while staring at her amazed-look.

"Wait, nasaan 'yung para sa tattoo?" pagpuna niya. Luminga-linga ako sa paligid at hindi ko din iyon makita. Ngunit isang daan ang nakaagaw sa aking atensyon.

"I guess I knew where it is." sabay kaming naglakad patungo doon sa tinitignan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto kong ito na nga iyon.

"Fineline art tattoo and piercing." Nathalie dropped her jaw while staring at the shop. Ang ganda no'ng ambiance ng lugar. Pumasok na kami sa loob at muntikan na kaming mapatalon sa gulat dahil sa lalaking nakaupo sa may bukana ng silid. Kaloka! Naka-itim pa siya, ah?

"Halloween na?" inosenteng tanong ko rito. Kaagad namang napasimangot si kuyang nagbabantay. "Joke." I lifted up my two fingers to give him a peace sign.

"Magpapa-henna kami, kuya. Magkano po ba 'yon?" tanong ni Nathalie sa kaniya.

Inilahad no'ng lalaki sa amin ang mga clearbook na may dalawang kulay. Blue and Black, great! Obviously, mahilig siya sa dark colors. Kaloka, ah.

"Hindi na namin kailangan 'yan, kuya. May pictures po kami sa phone." I smiled at him and opened my phone. "Ito po 'yung sa akin."

"100 'yung ganiyang style." sambit niya habang tinitignan 'yong screen ng phone ko. Tumango na lang ako sa kaniya.

Habang naghahanap pa si Nathalie nang ipapalagay niya ay pumasok muna si kuyang nagbabantay-slash-nagt-tattoo sa isa pang silid. Nang lumabas ulit 'yung lalaki ay may hawak na siyang maliit na cup na naglalaman ng kulay itim na bagay. Ink siguro. Kinakanaw niya lang 'yon habang seryosong nakatingin doon.

"Game na. Sinong mauuna?" ilang minuto ang lumipas at nagtanong na siya. Tumingin muna ako sandali kay Nathalie, she's still busy finding a design.

"I'll do it first." tumayo na ako at sumunod sakaniya sa loob. "Sa ilalim po ng collarbone ko." inunahan ko na agad siya para 'di na siya magtanong. I showed him the design I want.

I opened the first button of my blouse and lean on my chair. Noong una'y mediyo nanlalamig pa ako dahil hindi ako sanay na may ibang tumitingin sa aking upper chest, pero nang tumagal ay nasanay na din ako. Ilang minuto lamang ang itinagal noon hanggang sa natapos na siya sa paglalagay ng aking henna.

"Ok na. 'Wag mo na lang muna takpan o galawin para hindi masira." tumango ako sa kaniya at lumipat na sa sofang inuupuan ni Nathalie. We changed places and now she's sitting on the chair where I sat awhile ago.

Binuksan ko ang pocket-mirror na dala ko at itinapat iyon sa aking dibdib. Ang ganda. There's two elegant arrows in each side of the moon in the middle. May mga dot na kumukumpleto doon sa half-moon na nasa gitna ng dalawang arrow. Pero ang mas nagpaganda doon ay ang design na nasa ibabaw noon. 'Jace'. Ang ganda nang pagkakasulat sa kaniyang pangalan sa aking dibdib.

Ilang minuto pa ang lumipas at pati si Nathalie ay natapos na din. Her henna is designed with the basic elements of space. May planet, sun, star and a simple asteroid on it. Maganda din 'yong sakaniya at simpleng-simple lamang. Binayaran na namin iyon at sabay na kaming lumabas.

Dumiretso kami sa World of Fun at naisipan naming gumawa ng deal. Tawa lang ako nang tawa habang pinagmamasdan ang bawat basketball stall doon.

"Kung sino ang talo sa lahat ng game na lalaruin natin, siya ang manlilibre. Game?" ang lakas pa ng loob ko na gumawa ng deal habang pangisi-ngisi.

"Game! Basketball muna." she went to the basketball stall and inserted a token. Ganoon din ang ginawa ko.

Tumingin ako sa scoreboard, shoot! Panalo siya. Sunod naming nilaro ay ang car racing. Nakakainis, panalo na naman siya. After that, dumiretso kami doon sa shooting hall. Zombies ang mga kalaban namin doon at kailangan lang namin magpataasan ng score. Natatawang hinatak ko lang nang paulit-ulit ang gatilyo ng baril na hawak ko. Noong una ay mas mataas ang score ni Nathalie sa akin, sunod ay mas lamang na ako, next round, she got it higher. Salitan lang ang nangyari. Kaya't sa huli ay parehas lang kami ng naging score.

"Whooo!" sabay kaming napahinga nang maluwag dahil sa pagod.

"That was fun!" I smirked and shook my head.

"Tara, Starbucks." I checked the time on my phone. It's already 3:30 pm.

"Kain muna tayo."

Noong una ay dumiretso muna kami sa Samgyup Masarap, ngunit walang bakante doon. Sa huli ay nauwi na lamang kami sa Buffalo Wings and Things. Good for three persons ang inorder namin.

"Wait. Nakailan ka na?" nakangangang tanong ko sakaniya habang nakatingin ako sa mga wings na natira.

"Apat? Oo, apat na." nagtatakang sagot niya. I gulped and slowly looked at her.

"Naubos natin 'yong 12 wings!" gulat kong sambit. Maging siya ay nanlaki ang mga mata at halos masuka na siya nang mapagtantong madami na din siyang nakain.

"Gosh!" sabay na lang kaming natawa at tumayo na.

Dumiretso na kami sa Starbucks at bilang kabayaran sa pagkatalo ko sa aming deal ay ako na ang nagbayad sa inorder niya.

"Isabay mo na ako. Green tea 'yong sa'kin. Ikaw na bahala sa size." inabot ko sa kaniya 'yong 500 na hawak ko at naupo na ako sa malapit na vacant seat.

Pinagmasdan ko na lang siya habang umo-order. I guess being with her today isn't that bad at all. After all, naging ok kami beacuse of this. I smiled and opened my phone to post a picture on my facebook story.

Day well spent.

****

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon