Chapter 27: Cure
Halos lahat ng tao ay busy dahil sa Lunes na ang TAPRISA. Paniguradong dudumugin na naman ang campus namin nang maraming students mula sa iba't ibang campus. Obviously , dito sa campus namin ginaganap ang laban ng volleyball.
"Excited na ako, Taprisa na sa Lunes!" galak na galak na sambit ni Janella. Napangisi na lamang ako at sinakbit ang bag ko.
"Uuwi na ako." paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila, sa halip ay naglakad na ako palayo.
"Ingat! Baka madapa ka, ah? Huwag bonakid." rinig kong pahabol ni Gab. Napangisi na lamang ako dahil sa kaniyang inusal. Inangat ko ang kanang kamay ko at nagpatuloy nang muli sa paglalakad.
Pagkauwi ko ay naramdaman ko na agad ang matinding pagod. Hinayaan ko na lamang na bumagsak ang katawan ko sa higaan bago ako huminga nang malalim.
"Sa wakas, Friday na!" hiyaw ko habang nakatakip ang magkabilang palad ko sa aking mukha. Friday na ngayon, so that means walang pasok bukas pati sa Linggo. Alright, makakapagpahinga na ako.
"Whooo!"
"Go, GFA!"
"N-C-B-EY!"
Halos marindi ako sa sunod-sunod na hiyawan ng mga estudyante. Napakabilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay Biyernes pa lamang, ngayon ay Lunes na at simula na ng laban.
"Sinong lamang?" tanong ni Janella habang sumisingit.
"Harris. Pero feeling ko babawi mamaya 'yang NCBA. Ganon din naman last time, eh." sagot ni Melfa habang nakatingin sa court.
"Aakyat na muna ako sa room. Saka na lang ako manonood kapag players na natin." sambit ko sa kanila. Saglit ko lang silang tinignan at naglakad na ako pabalik sa aming room.
Pagkarating ko sa room namin ay naabutan ko ang mga kaklase ko na naglalaro ng pingpong. Napangiwi na lang ako dahil sa kakulitan nila.
"Hooooy, Warren!"
"Naman, eh!"
"Anduga pot—!"
"Hoy, Raze!" saway ko. Natahimik naman agad ito at ngumuso sa akin. Nginisian ko na lang sya at umubob na ako sa desk ko.
Tuesday, second day na ng laban sa campus namin. Naglaro din kahapon ang players namin pero hindi ko na napanood 'yon dahil hindi ko namalayang nakatulog pala ako nong tumungo ako sa aking desk. Nagising na lang ako non at tapos na ang laban.
"Panalo tayo!" tuwang-tuwang sambit ni Janella.
"Hmmm." I moaned as I wake up.
"Sabi mo manonood ka kapag tayo na, Makayla?" tanong ni Reigne habang nakangisi.
"Nakatulog pala ako." my voice cracked. Namamaos na naman ako dahil sa tuyong-tuyo kong lalamunan.
"Sino nanalo sa panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Suzette. Binato ko sakaniya yong nakapa kong ballpen sa tabi ko.
"Ako." I smirked. Napairap na lang siya't naupo sa kaniyang upuan.
"Let's Go, Crusaders! Let's Go!" paghimig ni Janella sa chant ng campus namin.
"Paos ka na." natatawang sambit ko habang nagpupulbo.
"Kaka-cheer niya yan." tugon ni Aly.
"Deserve naman ng players natin, eh. Ok na din." Janella smiled.
Ilang schools na ang natalo ng Crusaders, hopefully manalo sila hanggang championship. Hindi ko lang sure kung kailan ang championship, pero sana manalo sila dahil nakita ko kung gaano silang nag-effort para sa laban na 'to.
BINABASA MO ANG
Until He Fell
De TodoIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...