Chapter 7 - Greet

76 3 2
                                        

Chapter 7: Greet

Ilang araw ang lumipas, Monday na ulit ngayon. It means today is already 23rd day of the month. Birthday na ng bebe ko—na di ako bebe. Tsk!

Pagpasok ko sa campus ay agad kong ipinakita kay Reigne 'yong gift ko for kuya Jace and believe me, tuwang-tuwa ang loka! Jusko.

Pati si Nika ay nakisilip at nakibasa. Ginulo na wali hmp!

"Uy, I'm so glad I found you." kinikilig nitong sambit. Ngunit mas napatili ito nang mabasa niya ang isa ko pa na message na nasa color blue na paper.

"Tara, take 2 sa marriage booth." nakangiting pagbasa niya sa sinulat ko. "MAKIKILALA KA NIYA DITO! HOOOY, OMG. KINIKILIG AKO!" ang daming sinabi, aba!

"Shhh! Ingay mo Pene!" madami kaming tawag diyan, minsan 'Pene', minsan 'Nika', madalas 'Patatas'. Natawa na lang ako sa aking isip at sinulyapan si Reigne na busyng-busy sa pagbabasa.

"Gusto ko 'yong mga nasa orange mo, Makayla." natatawang sambit ni Daryl.

"Jokes?" natatawang tugon ko. Tumawa lang ulit siya at saka tumango.

Maya-maya pa ay dumating na si sir Arellano at nag-lecture na. Siyempre nakinig ako kasi mabait ako at inspired ako ngayon.

"Sir, look!" sambit ko sakaniya habang nag-aayos siya ng gamit niya. Tapos na kasi ang klase namin at break time na. Ipinakita ko sa kaniya 'yong jar na ginawa ko. Sandali siyang napatitig do'n hanggang sa sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Uy! Para kanino 'yan?" nakangiting tanong niya.

"Kuya Jace." ngumiti din ako at lumapit sa kaniya.

"Ay, effort!" natatawang sambit niya.

"Birthday niya po kasi, sir. Gift ko po sakaniya 'to." taas-baba ang kilay ko habang nakataas pa din ang jar.

"Binati mo na ba?" tanong niya kaya umiling lang ako.

"Hindi pa po." tumango si sir at tinignan 'yong gawa ko.

"Ikaw ang mag-abot niyan." nakangiting sambit niya na agad na nagpa-iling sa akin.

"Si Yeng po, sir." itinuro ko agad si Reigne na nakangiti lang din habang nakatingin sa amin.

"Sir, hindi po! Hayaan niyo po si Makayla na mag-abot niyan sa pinsan ko." natatawang ani niya kaya napabanguso ako.

"Ih! Nakakahiya." tumawa lang si sir at sinabing ako daw ang magbigay.

Nang matapos ang aming mga klase ay nakaupo lang kami nila Reigne sa may hallway hanggang sa nakita niya ang pinsan niyang pababa sa hagdan.

"Makayla, batiin mo kaya!" nanlaki agad ang mata ko sa sinabi ni Reigne.

"Uy, 'wag na! May jar naman na." natatarantang sambit ko.

"Ako na nga mag-aabot no'ng jar, eh. Batiin mo na." sa huli'y wala akong nagawa kundi sumunod kaya naglakad na lang ako patungo sa gawi nila kuya Jace.

Saktong naglalakad ako ay nakasalubong ko naman siya so I grabbed the chance to greet him.

"Happy Birthday." simpleng pagbati ko at sandali ko siyang sinulyapan. I saw his lips curved upward a little.

"Thank you." mahinang tugon niya. Simple words from him pero ang lakas ng epekto sa akin. Ghad!

"Kyaaaah!" tili ni Nika nang makalampas na sa tabi namin si kuya Jace.

Maya-maya'y nag-online ako nang makauwi na ako at nakatanggap ako ng message from Reigne.

Ulan:
Excited na 'kong makita ang reaksyon niya mamaya. Ma-videohan nga. HAHA!

Ako:
Ay, bet! Send, aaaah. Salamat.

Ulan:
Oo. Sureee!

Bumaba na agad ako para kumain at saka nagtimpla ng gatas. After kong kumain ay naghilamos na agad ako at bumalik sa higaan.

Ulan:
Baka sa Sat na lang daw kami kumain. Ang lakas kasi ng ulan saka gabi na.

Ako:
Sabagay. Baka magkasakit pa kayo.

Tama naman siya, baka kasi magkasakit pati sila kung ngayon nila ipagpipilitan kumain sa labas eh ang lakas ng ulan.

Maya-maya'y may isinend siya na screenshot ng convo sa akin na agad ko namang binasa.

Aryan:
Sa Sat na lang tayo kumain.

Licia:
Sayang, may surprise pa naman si Yeng para kay @Jace.

Jace:
Dalhin niyo sa bahay ngayon.

Naks! Nagreply ang lolo mo, zer.

Licia:
Bukas na lang sa school. Kakain na kami nila Yeng.

Ayan lang naman 'yong laman ng photo na isinend ni Reigne sa akin.

Ulan:
Ay, Makayla! Nakangiti si mama, alam niya na.

Mushroom (Janella):
Ayieeee! @Makayla!

Hab (Gabriel):
Sana oil HAHAHA!

Mushroom:
Tanggap ka na pala ng mama ni kuya Jace, @Makayla!

Ulan:
Si mama kasi sinasabi ko. HAHAHA!

Mushroom:
Ay! Akala ko naman 'yong mama ni kuya Jace.

Reina (Angeline):
Same!

Saglit lang akong bumaba para kumuha ng tubig, pagbalik ko sobrang dami na pala nilang nasabi. Kaloka!

Ulan:
Tanggap din naman 'yan ni tita, debale na. HAHAHA.

Ako:
Daldal niyo. HAHAHA! Sanaaa!

Tumunog ulit ang phone ko kaya pinindot ko 'yong new message na dumating.

-DC-

Miss Chan:
Practice bukas hanggang 5:30. Don't forget to bring parent's consent.

May practice bukas?! Ugh!

Kinabukasan ay tamad na tamad akong pumasok ng school at halos magmukha akong zombie na naliligaw.

"Makayla, mukha mo?" natatawang tanong ni Janella. Napa-irap na lang ako at umiling.

Nang maka-akyat na kami sa aming room ay nakita ko si sir Arellano so kinausap ko siya. Nagkuwento ako sakaniya about sa pagbati ko kay kuya Jace kahapon hanggang doon sa message niya sa gc nila na ikinatuwa ko. Tumawa lang din si sir at sinuportahan ako.

Boring classes have started again at inenjoy ko na lang. Haist!

****

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon