Chapter 22 - Pain

52 2 0
                                        

Chapter 22: Pain

Naalimpungatan ako nang pagkalakas-lakas na tumunog ang alarm ko. It's 5:30 am in the morning and I'm still sleepy. Argh! Isang oras pa lang ang tulog ko. I tapped the stop button and threw the phone somewhere. Tumagilid ako ng higa at napansin kong tulog na tulog pa din ang mga kaibigan ko, kaloka! Puyat pa.

Hindi ko namalayang naka-idlip na naman pala ako. Pagkagising ko ay agad akong bumangon at tinapik si Nathalie.

"Nathalie...." patuloy kong tinapik ang kaniyang paa.

"Nathalie..." I slapped my forehead. 6:41 am na, ghad!

"Nathalie!" sumigaw na ako dahil tulog-mantika ang babaita.

"Hmmm?" bahagya siyang napaigtad at binuksan ng kaunti ang kaniyang mga mata.

"Hindi na tayo nakapag-jogging!" ngumiwi ako at bumangon.

"Hala!" dali-dali niyang tinanggal ang kumot mula sa pagkakatalukbong sa kaniya. "Oo nga, nakalimutan ko." sumimangot siya at kinusot ang mata.

Naalimpungatan na din sila Reigne at sunod-sunod na tumingin sa amin ni Nathalie. Reigne is sleeping on the comforter under the bed. Si Suzette, Angeline at Nathalie naman ang katabi ko sa kama.

"Bakit diyan ka natulog?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Hindi tayo kasya diyan, sis!" she laughed. Napanguso na lang ako at naupo sa kama.

Maya-maya'y bumangon siya at lumabas. Magluluto daw muna siya sa baba kaya lumipat ako ng puwesto doon sa kaninang hinihigaan niya.

Minutes have passed, natapos nang magluto si Reigne at tinawag niya na kami. Sabay-sabay na kaming kumain sa baba at naglaro pa kami ng UNO cards habang nagb-breakfast.

"Makayla, nagpapatulong sa poem 'yong labidabs mo." biglang sambit ni Reigne. Napanganga na lang ako habang hinihintay ang paliwanag niya.

"Labidabs?" nagtatakang tanong ko.

"Duke." simpleng sagot niya. Napabilog na lang ang bibig ko kasunod ng pagtango.

"Kaya mo na 'yan." I smirked. "Tito, uuwi na po ako." paalam ko dahil nagmessage na si kuya. Pinapauwi na daw ako ni mommy.

"Ok, sige. Ingat." kumaway pa si tito. Kanina pang nakauwi sila Angeline. Ngayon pa lang ako uuwi dahil nanood pa kami ng Crawl nila Reigne.

"Salamat po!" nakangiting kumaway ako habang sumasakay sa tricycle.

Nang makababa ako sa tric ay tahimik akong tumakbo papasok sa bahay. Mapapagalitan ako kapag nakitang late na akong umuwi. I checked my wristwatch, it's already past 12 in the afternoon. Shoot! I'm dead.

"Kararating mo lang?"

Kaagad akong napatigil sa pagtingkayad at mabilisang umayos ng tayo. Lumingon ako sa nagsalita at nakita kong nakatayo si kuya sa may pintuan habang nakahalukipkip.

"Ah... eh," I held the back of my neck and bit my lower lips. "...opo." kinakabahang tumawa ako nang marahan at saka siya nilampasan.

Dumiretso ako sa kuwarto at inilapag ang bag na bitbit ko. Natulog muna ako dahil sa sobrang antok. Nang magising ako ay saka ko lamang napagtantong gabi na.

"Hala, hindi pa ako nakakaligo!" dali-dali akong tumayo at humablot ng tuwalya. Tumakbo ako patungo sa banyo at mabilisang naligo.

"I feel fresh." I crossed my arms on my chest and tiptoed with my eyes closed. Hinayaan ko lang na saluhin ng katawan ko ang bawat patak ng tubig mula sa shower.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon