4

4.3K 63 1
                                        

Two months later...

PINAGMASDAN ni Queenie ang sarili sa full-length mirror sa kanyang harapan habang suot ang isang mamahaling trahe de boda. Sa halip na kasiyahan ang maramdaman para sa kasal kinabukasan ay labis na kalungkutan ang kanyang nadarama. Kahit kailan ay hindi niya nakikita ang sariling liligaya sa piling ni Taylor pagka't hindi niya naman ito mahal at kahit kailan ay parang hindi niya matututunang mahalin. Napakapossessive nito at kahit hindi pa man sila naikakasal ay parang pag-aari na siya kung ituring nito. Gusto niyang pagsisihan na sumang-ayon siya sa kasal na hinihingi nito subalit nakapangako na siya sa ama. Parehong mahalaga para sa kanila ang mansion at ang rancho. Hindi niya makakayang basta-basta na lamang iyong kukunin sa kanila ng mga Jacobs.

Sa gulat niya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Taylor. "Aba, ready na pala ang magiging misis ko, eh." ang wika nito nang masilayan siya.

"Ay, sir!" ang nagulat na naibulalas nang baklang bodistang kasa-kasama niya sa loob ng fitting room. "Bawal pong makita ng groom ang bride na suot ang kanyang wedding gown!"

"Wala akong pakialam!" angil ni Taylor saka itinulak ito nang tangkaing humarang. "Lumayas ka nga diyan!"

"Gemma!" ang naisigaw niya nang makitang natumba ito. Itinayo niya ito at saka salubong ang mga kilay na binalingan si Taylor. "Taylor, ano ba? Bakit mo naman itinulak yung tao?!"

"Nakikialam kasi, eh. May bawal-bawal pang nalalaman. Sa gusto na nga kitang makita, eh."

Napabuntong-hininga siya. Kahit kailan ay napakabarumbado at wala sa katwiran talaga nito. Binalingan niyang muli si Gemma.

"Gemma, sige na, lumabas ka na muna." Walang kibong sumunod naman ito sa kanya. Inis na binalingan niya ulit ang lalaki pagkatapos. "Taylor naman! Ano bang klaseng katwiran iyan? Paano kung napilayan yung tao?!"

"Sus!" napaismid ito saka napangisi. "Pera lang naman ang katapat nang baklang iyon at mananahimik na iyon, eh."

Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. She's definitely not going to fall in love with this ill-mannered man. Ang tingin nito ay kaya nitong bilhin nang pera ang lahat nang tao sa mundo.

"Halika nga dito!" Nagulat pa siya nang bigla na lamang siyang haltakin nito sa isang braso. "Wow, bagay na bagay sa'yo, ah."

Binistahan siya nito mula ulo hanggang paa. Kulang nalang ay lumabas sa mga mata nito ang hubad niyang imahe. Nang tangkain siyang halikan nito sa labi ay itinulak niya ito.

"Taylor, ano ba?! Ikakasal na tayo bukas! Bakit hindi ka pa makapaghintay?" aniyang nagpupuyos ang loob sa sobrang galit.

"Sorry, sabik na sabik na kasi ako sa'yo, Queenie. Kung maari lang ay lundagin ko na ang bukas para masolo na kita ay gagawin ko. Hindi na talaga ako makapaghintay."

Inirapan niya ito. Pervert. Ang nasa isip niya. Halatang ang gusto lang nito ay maikama siya.

"Pwede bang ihatid mo na ako sa bahay, Taylor." tinalikuran niya ito at kinuha ang mga damit. "Pagod na ko at gusto ko nang magpahinga."

"Oh, de, sige." mukhang nahalata yata nito ang pagkawala niya sa mood. "Hihintayin nalang kita sa labas."

Napabuntong-hininga siya nang malalim nang iwan na siya nito. Jusko, hanggang kailan niya ba ito matitiis. Iiling-iling na hinubad na niya ang suot na trahe de boda at nagbihis. Nang lumabas siya ay naabutan niya ito sa harap ng BMW nito at hihintay siya. Walang kibong sumakay siya. Hanggang sa makarating sila nang mansion ay hindi niya ito kinikibo.

"Papasok na ko sa loob." walang ganang anunsiyo niya nang makababa mula sa BMW nito. Tatalikuran na sana niya ito ngunit mabilis siyang nahawakan nito sa isa niyang braso. Mahigpit ang hawak nito at nanunuot ang mga daliri nito sa kanyang balat. "Ano ba, Taylor?!"

"Bakit ba ang cold mo sa akin, Queenie? Kanina ka pa sa boutique, eh. Tapos ngayon ni hindi mo man lang ako aanyayahang pumasok."

"Kung gusto mong pumasok, edi, pumasok ka! Pero pwede bang bitiwan mo ako. Nasasaktan na ako, eh!"

Pumiksi siya pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Pagkuwa'y napangisi ito habang nakatingin sa kanya. Kinilabutan siya nang matindi dahil doon.

"Pasensya na pero hindi na talaga ako makapaghintay. Pagbigyan mo na ako kahit isang kiss lang. Tutal naman ay mapapa sa akin ka na rin naman bukas, eh."

Nanghilakbot siyang lalo nang unti-unti nitong ilapit ang mukha sa kanyang mukha. Pumiksi siyang lalo pero wala talaga siyang laban sa maskulado nitong mga braso. Napapikit na lamang siya nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga. Subalit naputol ang masamang balak nito nang umalingawngaw ang tinig ng kanyang ama. Tinatawag siya. Lukot ang mukhang dali-dali itong humiwalay sa kanya.

"Kahit kailan ay wrong timing talaga ang papa mo." inis na wika nito. "Hindi bale at bukas ko nalang kukunin ang premyo ko."

Sumakay na ito ng BMW at pinaharurot iyon palayo. Samantala, napabuntong-hininga naman siya sa labis na relief. Nang lumingon siya ay nakita niya ang ama. Malungkot na nakatunghay sa kanya. Sa palagay niya ay nasaksihan nito ang ginawa ni Taylor. Nangingilid ang luha na lumapit siya rito at yumakap rito.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon