22

3.5K 58 1
                                    

NAPALUNOK si Queenie nang masalubong ang nakakatunaw na titig ni Lyndon. Halatang nasorpresa ito sa kanyang ihinanda pero parang mas nasorpresa yata ito sa halik na iginawad niya rito. Kung bakit ba naman kasi hindi niya napigilan ang sarili nang makita niya ito. Humakbang siya paatras at dali-daling idinistansya ang sarili rito. Nag-alis naman ito nang bara sa lalamunan na animo'y noon lamang nagawang makahuma.

"T-Thank you," ang ipinahayag nito makalipas ang ilang sandali. "Ahm... paano mo... paano mo nalaman?"

Sa pagkakataong iyon lamang niya ulit nagawang salubungin ang paningin nito. Naalala niya bigla ang pagtawag nang mama nito nang umalis ito kaninang umaga. Siya naman ang nag-alis ng bara sa lalamunan.

"S-Sa mama mo," ang kanyang pag-amin. "Tumawag siya kanina rito nang umalis ka para batiin ka." gumuhit ang hinanakit sa kanyang mga mata. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Sorry, nawala din kasi sa isip ko." ang sabi nito sa kanya. Nabaling ang paningin nito cake na hawak niya. Nakakunot ang noong muli siya nitong sinulyapan. "S-Saan mo pala nakuha itong cake?"

She smiled at him at pakiramdam ng binata ay muling lumukso ang kanyang puso. "Nagpatulong ako sa kapitbahay natin," she told him. "Ang sabi mo, kung may kailangan ako ay tumawag lang ako sa kanya. She's a good pastry chef and she guide me sa pagagawa nito." nahihiyang napakamot siya nang ulo. "Sana magustuhan mo,"

"I did, I like it very much, Joy!" ang sinserong sabi nito sa kanya. Pigil-hiningang pinagmasdan siya nito pagkatapos. Parang hindi pa rin ito makapaniwalang ipinagbake pa niya ito ng cake. "Oh, God, I don't know what to say." ang mayamaya ay ipinahayag nito. Natetensyong ngumiti ito. Parang hindi nito alam ang gagawin sa kanya. "Ang mabuti pa, let's have dinner. I bought some foods from a local restaurant downtown. Pagkatapos tikman na natin itong cake na ginawa mo. Okay ba iyon?"

Nakangiti pa ring tumango siya rito. Hindi niya masabing higit pa iyon sa okay. Kung alam lang nito kung gaano niya ito namiss sa loob nang buong maghapon. A dinner with him will be her reward after all the heartaches she gain habang hinihintay na dumating ito. God, ang saya-saya niya.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon