NAGMAMADALING bumaba ng sinasakyang kabayo si Queenie. Sinalubong siya ni Mang Celso na isa sa kanilang mga ranchero. Walang salitang ibinigay niya rito ang kabayo at nagmamadali nang nagtungo sa mansyon. Nagtataka naman na sinundan na lamang siya nito nang tingin. Bikig pa rin nang matinding kaba ang kanyang dibdib na hinanap niya ang ama. Wala ito sa veranda na siyang paboritong lugar nito. Natitiyak niyang nasa loob ito ng opisina nito. Dali-dali siyang nagtungo doon.
"Papa, pwede ba tayong mag-usap?" aniya pagkatapos itong maabutan sa opisina nito gaya nang inaasahan.
Nag-angat ito ng paningin mula sa binabasang agricultural book. "Tungkol saan, hija?" anitong itiniklop ang naturang libro.
"Sino si Taylor Jacobs, pa?" diretsahang tanong niya rito. "Totoo bang ipinagkasundo n'yo akong ikasal sa kanya?"
Natigilan ang ama sa narinig na tinuran niya. Wari'y naestatwa ito. Ilang sandaling napatitig lamang ito sa kanya.
"P-Papaanong?" ang hindi magkandatutong ipinahayag nito nang makabawi. "Sino ang may sabi sa'yo?"
"Pinuntahan niya ako kanina sa orchid garden." Nagbuga siya nang hangin nang muling maalala ang kahambugang ipinakita nito sa kanya.
"Pinuntahan ka niya?" Kumuyom ang mga palad nito. "A-Ano pang ibang bagay na sinabi niya sa'yo?"
"Wala na, papa! Kaya nga ako naririto ngayon at nagtatanong sa inyo! Gusto kong malaman ang totoo!" hindi na niya napigilan ang sariling magtaas nang boses sa ama dala nang labis na frustration na nararamdaman. "Ano bang nangyayari, papa? Bakit niya sinasabi na magpapakasal daw kami? Ano ang kinalaman nang rancho dito?!"
Nakita niyang napapikit ito nang mariin at napayuko nang mabanggit niya ang tungkol sa rancho. Parang may kung anong matalim na punyal ang bumaon sa kanyang dibdib. Ayaw niya sanang maniwala sa Taylor na iyon na may kung anong hindi magandang nangyayari sa rancho pero sa nakikita niyang reaksyon nito ay tila mukhang totoo nga ang sinasabi ng lalaki.
"Pa, sagutin n'yo ako!" ang kanyang giit. "Ano ba talagang nangyayari dito na hindi ko alam?!"
"I'm so sorry, hija. Hindi ko magawang sabihin sa'yo. Natatakot kasi ako na dumating ang araw na ito at magtalo tayo." Nangilid ang mga luha nito habang sinasabi iyon. "Ang rancho, kasama ang mansion, at lahat nang ari-arian natin, nakasangla silang lahat sa mga Jacobs."
"Ano po?!" Pakiramdam niya ay pinagbagkasakan siya nang langit at lupa sa narinig na sinabi nito. "P-Pero paanong nangyari iyon?"
"N-Nang dahil sa casino, anak. Inimbitahan ako ni Darwin sa casinong pagmamay-ari niya. Hindi ko siya nagawang tanggihan dahil ang pamilya nila ang isa sa mga sumuporta sa atin noong nagsisimula pa lamang ang rancho." parang hirap na hirap ang loob nitong alalahanin ang mga sandaling iyon. "Noong una ay gusto ko lang siyang pagbigyan kaya sinubukan ko. Pero sa tuwing nananalo ako ay mas matinding pagnanasa ang nararamdaman ko. Parang may gutom na halimaw sa loob ko na nag-uudyok sa akin na tumaya pa nang tumaya." Napailing ito dala nang labis na panlulumo. "Ang gabing iyon ay nasundan pa nang nasundan. Pinapaiskor lang pala ako nang gago dahil nang mga sumunod ay lagi na akong natatalo. Hindi ko maipaliwanag ang kung anong nangyari sa akin. Parang nawala ako sa aking sarili. Ang tanging gusto ko lang noon ay makabawi kaya pati ang rancho at itong mansion natin ay nagawa kong itaya. Sa huli ay naipatalo ko lang silang lahat."
Nanghihina na napasandal siya sa divider sa kanyang likuran pagkatapos marinig ang kwento nito. Nang sandaling iyon lamang niya naalala yung mga gabing nagmamadaling umalis ang kanyang ama at pagbalik ay sa mini bar kaagad ang tungo para uminom. Hindi niya naisip noon na sa casino pala ito nagpupunta para magsugal.
"Binigyan nila ako nang tatlong buwang palugit para ibigay sa kanila ang lahat ng kasulatan nitong mansion at nang rancho. Nang sabihin kong babayaran ko na lamang ang kapupunan ay hindi sila pumayag. Ang gusto talaga nila ay itong rancho at ang mansion." Napapailing na nasalo nito ang sariling noo. "Nagpunta si Darwin dito kasama ang kanyang anak na si Taylor para tingnan ang lugar ilang linggo na ang nakararaan. Doon ka unang nakita ni Taylor. Pagkakita palang sa'yo ay nagkakunsunada na agad siya. Hiniling niya sa kanyang ama na bawiin ang pustahan kapalit nang pagpapakasal mo sa kanya. Hindi ako pumayag pero itinuring na nila iyon bilang isang kasunduan."
"Papa, ano ba naman itong pinasok ninyo!" halos maiyak siya sa magkakahalong galit, panlulumo, at frustration. "Kailanman ay hindi ko gugustuhing magpakasal sa hambog na iyon!"
"Alam ko, anak, at kahit ako nama'y hindi ko rin gustong makasal ka sa kanya." ang ipinahayag nito. "Pero wala na akong maisip na ibang paraan para maisalba natin ang rancho at ang mansion."
"Diyos ko, papa!" Hindi niya malaman ang sasabihin. Gusto niya itong sumbatan ngunit hindi niya magawa. Ama pa rin niya ito at lubos niya itong ginagalang. Pagkuwa'y may kung anong pumasok na ideya sa kanyang isip. "B-Bakit kaya hindi natin isumbong sa pulisya ang casino nila? Sa pagkakalam ko'y illegal iyon. Nakakasiguro akong kapag na-raid iyon ay mapapawalang bisa na din ang tungkol sa inyong kasunduan."
"Hindi gano'n kadali ang sinasabi mo, anak. Maimpluwensiya ang mga Jacobs. Kung ilang libo ang inilabas nila para lang mapatahimik ang mga pulisya. Iyon ang dahilan kaya hanggang ngayon ay malayang nakakapag-operate ang kanilang casino dito sa Batangas."
Natahimik siya. Kahit siya ay hindi na rin alam ang gagawin. Gusto niyang isalba ang rancho at ang mansion pero hindi sa kaparaanang gusto nang mga ito. Ayaw niyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal.
"A-Anak, I'm sorry if I put you to this kind of situation." mayamaya ay puno nang pagsising wika ng kanyang ama. "Alam kong walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ako lang." Hindi na nito napigilan ang sariling hindi mapaluha. "I'm really really sorry."
"I-I don't know, papa." ang hinang-hinang ipinahayag niya. "Kailangan ko nang oras para makapag-isip." huminga siya nang malalim. "Please excuse me." Pagkasabi niyon ay malalaki ang hakbang na iniwan na niya ito.

BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomantikaNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...