PANAY ang buntong-hininga ni Queenie habang dinidilig ang mga halaman sa harapan ng bahay ni Lyndon. Kapansin-pansin ang pagbabago sa naturang mga halaman magmula nang tabasan niya at alagaan sa tubig. Ang dating walang buhay na dahon niyon ay biglang yumabong at nagkaroon nang mga usbong. Parang ang damdamin niya para sa binata na unti-unting lumago nang hindi niya halos namamalayan. Nang dahil sa insidenteng nangyari noong isang gabi ay napatunayan niya sa sarili na ang damdaming nararamdaman niya para dito ay hindi na lamang pala isang atraksyon kung hindi mas malalim na doon. She discovered that she was already in love with him. It explains kung bakit gayon na lamang ang sayang nararamdaman niya kapag nasa tabi niya ito at gayon na lamang din ang lungkot niya kapag nawala ito sa kanyang paningin.
Naiinis siya sa sarili dahil imbes na ayusin ang gulong ginawa niya ay lalo pa niyang dinagdagan. She let herself fall for him kahit na alam niyang darating ang panahon na kailangan niyang lumayo rito. Isa pa'y hindi niya naman alam kung gano'n din ang nararamdaman para sa kanya ng lalaki. Paano kung mabait lang talaga ito sa kanya dahil sa inaakala nitong amnesia niya? Paano kung hindi nito kayang suklian ang pagmamahal niya dahil mahal pa rin nito ang namayapang kasintahan? Ang dami-daming tanong sa kanyang isipin na hindi niya alam kung paano bibigyan ng kasagutan. Nagpakawala siya muli nang isang marahas na hininga. Hindi pa nga niya alam kung ano nang kalagayan nang ama doon sa rancho ay nagdagdag na naman siya nang bagong iisipin niya. Damn, ano nang gagawin niya?
"Joy," naputol ang kanyang kasalukuyang diwa nang marinig ang pagtawag ni Lyndon sa kanyang pangalan. Nag-angat siya nang paningin at nakita niyang nakatayo ito sa may veranda. Sa isang iglap ay parang nawala na naman sa lugar ang kanyang puso. Naglakad ito palapit sa kanya at bahagyang nangunot ang noo nang matuon ang paningin sa hawak niyang host. Hindi niya iyon agad napansin dahil abala ang kanyang isip sa pagpapakalma sa kanyang puso. "Lunod na yung halaman, Joy."
"H-Ha?" napakurap-kurap siya na wari'y noon lamang nagawang makahuma. Pagtingin niya sa kanyang paanan ay nakita niyang nag-uumapaw na nga sa tubig ang dinidilig niyang halaman. Sa katunayan ay lumikha na iyon nang maliit na hole at nagsimula nang magputik. Dali-dali niyang inilayo doon ang hawak na host at pinatay ang gripo. Bakit ba sa tuwing mawawala siya sa kanyang sarili ay hawak niya ang naturang host na iyon. "S-Sorry, nawala kasi sa isip ko, eh."
Wala itong sinabi na anuman at sa halip ay nanatiling nakatitig lamang sa kanya. Nakaramdam siya nang pagkailang kaya naman sinadya niyang abalahin ang kanyang sarili. Pinulot niya ang mga binunot na damo at tuyong halaman, isininop niya ang host, lahat na ginawa niya pero naobserbahan niyang nakasunod pa rin ang paningin nito sa kanya. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa labis na pagkailang na nararamdman. Mayamaya, naulinigan niyang nagbuntong-hininga ito.
"Joy, wala akong trabaho ngayon," ang ipinahayag nito makalipas ang ilang sandali. "Gusto mong... gusto mong lumabas?"
Para siyang naengkanto sa narinig na sinabi nito. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Pagkuwan ay napapamaang na sinulyapan niya ito para suriin ang ekspresyon nito.
"Lumabas?" ang hindi makapaniwalang ulit niya sa sinabi nito. Sa kanyang palagay ay seryoso naman ito sa sinabi. Nakita kasi niyang seryoso rin naman ang ekspresyon nito. "Ang ibig mo bang sabihin ay date?"
Hindi kaagad nito nagawang sumagot. Wari'y inaalam din sa sarili kung date nga bang maituturing ang pagyaya nito sa kanyang lumabas. Pagkuwan ay muli itong napabuntong-hininga.
"Y-Yeah, you could say that," pagkuwan ay napapakamot sa batok na tugon nito. "Magbuhat kasi nang mamili tayo ng mga gamit mo ay hindi ka na ulit nakalabas." ang paliwanag nito bagaman iba ang sinasaad ng mga mata nito. "Ang sabi ni Doctor Palma, mas makakabuti raw na lumalabas ka, para mas mapabilis ang recovery ng memory mo."
Nag-isang guhit ang kanyang mga labi sa pinipigilang ngiti. Hindi niya alam kung bakit ang dami-dami at ang haba-haba ng paliwanag nito sa isang maikling tanong niya. She doesn't want to assume anything pero base sa nakikita niya sa mga mata nito ay mukhang taliwas sa sinasabi nito ang totoong dahilan nito sa pagyaya sa kanya. Perhaps, he really want to date her? Ang frustration na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng kilig nang dahil sa posibilidad na iyon.
"Okay," ang nakangiting tugon niya rito. Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito pagkarinig ng kanyang sinabi. Lalong tumindi ang kilig na kanyang nararamdaman. "Wait, magbibihis lang ako."
BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomanceNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...