8

4.2K 60 1
                                    

SINALUBONG nang nakasisilaw na liwanag mula sa puting kisame si Queenie matapos magmulat nang paningin. Napakurap-kurap siya habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari at kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Ang huling natatandaan niya ay hinahabol niya ang batang kumuha nang kanyang bag nang may isang kotse ang aksidenteng bumangga sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Kaya naman pala masakit pa ang ilang parte ng kanyang katawan partikular na ang isang bahagi sa kanyang ulo. Babangon sana siya nang makarinig siya nang tinig mula sa bukana ng pintuan. Dali-dali niya iyong nilinga. Napigil niya ang hininga nang matagpuan ang isang lalaking nakatayo mula doon.

Nakaharap ang naturang lalaki sa labas ng pintuan at wari'y may kinakausap doon. Kahit na kalahati lamang ng mukha ang nasisilayan niya dahil nakatagilid ito sa kanya ay hindi pa rin niya maitatanggi ang kakisigang taglay nito. He's tall and lean, maganda ang built ng pangangatawan na parang sa isang atleta, at kayumanggi ang kulay. Mayro'ng glasses ang bahagyang singkit na mga mata nito, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, may manipis na bigote at stubble, at clean cut ang buhok. Sa kanyang palagay ay nasa mid-thirties na ito pero higit na mas bata tingnan ang gwapong mukha nito. Sa tindig at tayo pa lamang nito ay hindi maikakailang isa itong elitista.

Bukod sa nahihirapan siyang huminga habang pinagmamasdan ito, she also felt a sudden tension in her chest, na para bang nagwawala ang kanyang puso palabas ng kanyang rib cage. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya nang gayon para sa isang lalaking noon niya lang nakita sa tanang buhay niya. Sinubukan niyang ipaling sa ibang direksyon ang paningin subalit kahit anong gawin niya ay tila permanente na iyong nakaplaster sa gwapong mukha nang lalaki. Nagulat na lamang siya nang sa isang iglap ay bigla itong lumingon sa kanyang direksyon. Nagtama ang kanilang mga paningin sa kauna-unahang pagkakataon, and suddenly, pakiramdam niya ay biglang huminto ang ikot ng mundo.

"She's awake," anito saka binalingan ang kausap sa harap ng pintuan. "Doctor, she's awake."

Pagkasabi niyon ay sumungaw ang ulo nang isang lalaking doktor mula sa pintuan. Lumapit ito sa kanya kasunod nang naturang lalaki. She felt a twitching feeling in her stomach nang masilayan na niya nang tuluyan ang buong mukha nito.

"Hija, how do you feel?" tanong sa kanya ng doktor. "Mayro'n pa bang masakit sa iyo?"

Ang nananakit na parte ng katawan ay hindi na halos niya maramdaman dahil sa kabang pumupuno sa kanyang dibdib ngayong iilang sentimetro lamang ang layo nila ng lalaki. Nakita niyang nag-aalalang nakatitig ito sa kanya. Gumapang ang kilig sa kanyang sistema dahil doon.

"A-Ayos lang ako," ang wika niya sa mahinang tinig. "G-Gusto ko lang malaman ang detalye nang mga nangyari."

Magsasalita pa sana ang doktor subalit pinigil na ito ng lalaki. Nakakaunawa namang tumango ito at saka lumayo na sa kanya para bigyan ng space ang lalaki. Lumukso ang kanyang puso nang magkalapit sila nito.

"Miss, I'm Lyndon Buenavista. I accidentally bumped you with my car earlier. I'm so sorry for what happened. Huwag kang mag-alala. Nakahanda akong sagutin ang lahat ng gastusin dito sa hospital para lang masigurado na maayos na talaga ang kalagayan mo."

Nakaramdam na naman siya ng kilig sa narinig na tinuran nito. Ang huling naaalala niya ay siya itong basta-basta na lamang tumawid kaya siya nabangga nito. How gentleman and kind of him para akuin ang lahat nang sisi at responsibilidad sa nangyari.

Sa ikalawang pagkakataon ay napigil na naman niya ang hininga. "Ow-kay," tanging nasabi niya rito.

"Sigurado ka bang okay ka na talaga?" Tanong muli nito na tinanguan niya naman. "Kung gayon, baka pwede ko nalang makuha ang pangalan at address mo?" ang sunod na ipinahayag nito. "Ako na ang bahalang maghatid sa'yo at magpaliwanag sa pamilya mo nang tungkol sa nangyari."

Para siyang naengkanto sa narinig na ipinahayag nito. Sunod-sunod ang pagdating nang realizations sa kanya. Hindi niya maaaring sabihin dito kung sino siya at kung taga-saan siya kung hindi ay baka ibalik siya nito ng rancho. Naisip niyang tanggihan nalang ang alok nito at ituloy nalang ang naunang planong humanap nang matutuluyan ngunit naaalala niyang nanakaw nga pala sa kanya ang kanyang bag kung saan nakalagay lahat ng pera niya pati ang cell phone niya. Pag nagkataon ay paniguradong magugutom siya at magpapalaboy-laboy. Wala pa naman siyang kakilalang kamag-anak nila doon sa Maynila. She was suddenly torn. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin dito at kung ano ang gagawin.

"Miss?" pukaw ni Lyndon na kanina pa pala naghihintay ng kanyang tugon. "Pwede ko bang malaman ang pangalan at address mo?" ulit nito.

"A-Ano eh, ahm, kasi..." nakagat niya ang kanyang lower lip sa sobrang tensyon. "W-Wala kasi akong maalala,"

Napamaang ito sa labis na pagkagulat matapos marinig ang kanyang sinabi. Kahit siya ay nagulat din sa sarili kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. She was too desperate at wala na siyang maisip na ibang idadahilan pa rito.

"W-Wala kang maalala?" Nang tumango siya ay dali-dali nitong binalingan ang doktor. "Dok, paano po nangyaring wala siyang maalala?"

Nakamaang din na sinalubong ng doktor ang paningin ni Lyndon. Kahit ito ay mukhang hindi din makapaniwala sa kanyang sinabi. Natatarantang lumapit ito sa kanyang kinaroroonan.

"Hija," wika nito na hinawakan pa siya sa isang balikat at sinubukang salubungin ang kanyang paningin. "Sigurado ka ba na wala kang maalala?"

"W-Wala po, eh." Alam niyang nagkaroon siya nang head injury. Naisip niyang gagamitin niya iyong dahilan para magpanggap na nagkaroon ng amnesia. Patawarin siya nang Diyos pero wala na talaga siyang ibang maisip na paraan para hindi siya pulutin sa kangkungan. "W-Wala po talaga akong maalala."

Napabuntong-hininga ang doktor. Ilang sandaling natigilan na wari'y nag-iisip nang posibleng dahilan kung bakit wala siyang maalala. Pagkuway sumulyap ito kay Lyndon na puno rin ng katanungan ang paningin.

"Sandali," mayamaya ay ipinahayag nito. "Mabuti pang icheck ko ulit ang mga x-rays mo sa ulo." binalingan nito si Lyndon. "Mr. Buenavista, sumama ka sa akin."

Wala namang pag-aatubiling sumama rito si Lyndon. Ihinatid niya ng paningin ang mga ito bago pagkuwan ay muling mapayuko. Patawarin talaga siya nang Diyos sa kanyang mga pagsisinungaling. 

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon