32

3.7K 56 1
                                    

One month later...

PINAGMASDAN ni Lyndon ang mga halaman sa harapan ng kanyang bahay. Kung dati ay walang buhay ang mga iyon, ngayon ay hitik na hitik na iyon sa iba't-ibang makukulay na bulaklak, nang dahil sa pag-aalaga ni Joy. Napagtanto niyang kaparis ng mga ito ay dati ring malungkot at walang buhay ang kanyang mundo. Nagbago lamang iyon nang dumating ang dalaga. Kung ang mga halaman ay pinagtiyagaan nitong alagaan hanggang sa lumago, siya naman ay pinagtiyagaan nitong pasiyahin, hanggang sa muling magkaroon ng sigla at kulay ang kanyang buhay. Subalit sa pagkawala nito, pakiramdam niya'y muli na naman siyang nasadlak sa madilim niyang mundo, kung saan din siya nalugmok matapos mamatay si Irish.

Narealized niyang matagal na pala niyang nalimot si Irish, pero hindi niya agad iyon namalayan, not until Joy came. She showed him the way out of the dark place where he's been living for the past five years. Pinanumbalik nito ang ngiti sa kanyang mga labi at pinawi ang natitirang pait sa kanyang puso. She had found the key to his heart na inaakala niyang kailanman ay hindi na niya bubuksan pa sa kahit na kanino. Kaya naman hindi niya mapapayagan na kagaya ng nangyari sa unang babaeng minahal niya ay muli na naman itong mawawala sa kanya.

Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan nitong umalis gayong nakahanda naman siyang pakinggan ang paliwanag ito. Sa kabila nang mga paninirang sinabi ng Taylor na iyon dito ay wala siyang balak na pakawalan ito. Alam niyang mabuti itong tao at mahal niya ito kahit sino pa man ito. Aaminin niya, nagkaroon siya ng kaunting hinanakit matapos nitong aminin sa sulat na iniwan nito na hindi totoong nagkaamnesia ito, subalit agad niya rin iyong naintindihan matapos nitong ipaliwanag doon ang sitwasyon nito.

Nakasangla ang rancho at mansion ng pamilya nito, pinipilit itong magpakasal sa lalaking hindi naman nito mahal, at sa pagtakas nito ay ninakaw pa ang lahat nang pag-aari nito. Kaya naman naiintindihan niya kung bakit kailangan nitong magsinungaling. He could forgive her for that, pero sa patuloy na pagtatago nito sa totoong pagkatao nito, parang doon niya yata ito hindi mapapatawad. Sa sulat kasing iniwan nito ay tanging "Joy" pa rin ang ginamit na pangalan nito. She doesn't include her true name or even her address para mapuntahan niya ito. More than anything, what he wants to do is to help her, pero mas pinili nitong pasaning mag-isa ang lahat.

Napabuntong-hininga siya nang malalim. Miss na miss na niya ito subalit hindi niya alam kung saan magsisimula sa paghahanap rito. Ang tanging mayro'n lang siya nang mga sandaling iyon ang magagandang alaalang pinagsaluhan nila nito. He couldn't possibly live on just memories. Gusto niya itong makita, gusto niyang makasama, he loved her so much. Gagawin niya ang lahat magtagpo lamang ulit ang mga landas nila. Natigil ang kanyang pagbubulay-bulay nang biglang tumunog ang kanyang cell phone.

"Magandang araw po, Mr. Buenavista. Ito po si Felix Medina. Ang private investigator na in-hire ninyo." ang saad nang lalaki sa kabilang linya matapos niyang sagutin ang tawag nito. "Gusto ko lang po sana kayong i-inform na mayro'n na po akong nahanap na detalye tungkol sa babaeng pinapaimbestigahan ninyo."

Natigilan si Lyndon pagkarinig nang sinabi nito. Noon lamang ulit niya naalala na pagkagaling nga pala niya kay Doktor Palma ay tinawagan niya ang naturang lalaki para paimbestigahan si Joy. Bago umuwi ay nakipagkita siya rito at ibigay ang larawan nito at ilang hospital records. Muling nabuhay ang pag-asa sa kanyang dibdib.

"Nasaan ka, Mr. Felix?" ang direktang tanong niya rito. "Pwede ba tayong magkita ngayon?"

"Yes, sir. Nandito po ako sa isang coffee shop malapit sa village. Itetext ko nalang po sa inyo ang iba pang detalye."

"Okay, I'll see you there." pagkatapos niyon ay tinapos na niya ang tawag. Kumakabog ang kanyang dibdib sa magkahalong pananabik at kasiyahan. May pag-asa pang makita niya si Joy... may pag-asa pang makasama niya ang babaeng minamahal.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon