15

3.8K 57 1
                                    

PANGALAWANG gabi na ni Queenie sa bahay ni Lyndon. Kung ikukumpara kagabi ay mas komportable na siya at hindi na gaanong namamahay. Kaya nga hindi niya matukoy kung bakit mailap pa rin sa kanya ang antok. Siguro ay talagang naapektuhan lang siya nang mga rebelasyon tungkol sa babaeng dapat ay papakasalan ng binata. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing maiisip niya ang tungkol dito ay parang may maliliit na karayom na tumutusok sa kanyang dibdib. Parang naninikip rin iyon sa tuwing maalala kung paano itong ikwento ni Lyndon. Halatang hindi pa rin nito lubusang nakakalimutan ang babae. Pabalikwas na bumangon siya at ipinilig-pilig ang kanyang ulo. Bakit ba siya nagkakagayon? Napabuga siya nang hangin. Minabuti niyang lumabas at magpahangin.

Tinahak niya ang daan papunta sa may pool side. Bukod sa mga paintings at sculptures ay isa iyon sa mga nakapukaw ng atensyon niya pagdating niya kahapon sa naturang bahay. She always love the view of water at nakakasisigurado siyang marerelax siya kapag nagpunta siya doon. Nilakihan niyang lalo ang mga hakbang para agad na makarating doon subalit agad rin siyang napahinto nang mamataan na may nauna na pala sa kanya sa naturang pwesto.

It was Lyndon. Nakaupo ito malapit sa may railings at nakalublob ang mga paa sa tubig. Sa tabi nito ay isang baso na nakasisiguro siyang naglalaman na naman ng scotch. Nakatingin ito sa malayong dako at mukhang malalim ang iniisip. Sa isang iglap ay nagdalawang isip siya kung tutuloy pa ba o hindi. Naisip niya kasi na baka gusto nitong mapag-isa. Babalik na lamang sana ulit siya kanyang kwarto ngunit agad din siyang natigilan nang umalingawngaw ang tinig nito.

"Joy?" Wala siyang nagawa kung hindi ang lingunin ito. Nakita niyang mataman itong nakatitig sa kanya. "A-Anong ginagawa mo diyan?"

Naglakad siya patungo sa tabi nito. "Sorry, hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin muna." Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Kung naistorbo kita, babalik na lang ako sa – "

"No, no, dumito ka nalang muna." pamumutol nito sa kanyang sasabihin. Tinapik nito ang tabi. "Maupo ka."

Nag-aalangang napatango siya. "O-Okay, sige," gaya nang sabi nito ay naupo siya sa tabi nito ngunit nag-iwan siya nang distansya sa pagitan nila.

Isang nakabibinging katahimikan ang sunod na namagitan sa kanila pagkatapos niyon. Nang hindi makatiis ay pasimpleng sinulyapan niya ito. Nakita niyang nakatingin ito sa langit na hitik nang bituin. Napigilan na naman niya ang hininga habang nakatitig sa gwapong mukha nito.

"Alam mo, Joy, I was living my life alone for five years." out of nowhere ay biglang ipinahayag nito. "There must be a reason why you came into my life."

Napalunok siya. Magmula nang umeksena siya sa buhay nito ay hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataon upang matukoy ang sinasaloob nito ukol sa kanyang pagdating. Ngayon lang ito nag-open up sa kanya.

"Why are you living your life alone, Lyndon?" ang hindi na niya napigilang itanong rito. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha nang lakas ng loob para itanong ang bagay na iyon. Kusa na lamang iyong lumabas sa kanyang bibig. "Is it because of Irish?"

Hindi kaagad nito nagawang sumagot sa kanyang tanong. Binalot muli sila nang isang nakabibinging katahimikan. Pagkuwan ay naramdaman niya itong nagbuntong-hininga nang malalim.

"Si Irish ang buhay ko gaya nang nasabi ko sa'yo kanina. Nang mamatay siya, pakiramdam ko ay isang bahagi na rin ng pagkatao ko ang namatay. Hindi ko na alam kung ilang araw, buwan, o taon akong nagluksa sa pagkawala niya." muli itong nagbuga ng hangin saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. "This house, ako ang mismong nagplano nito, I built this for her. Gusto ko sanang dito namin bubuuin ang aming pamilya pagkatapos ng aming kasal, but unfortunately, hindi na nangyari iyon dahil kinuha na siya sa akin." he looked at her, pained. "I have the choice to go to States, live with my family, and start a new life there, pero hindi ko ginawa. I don't think magagawa kong takasan sa pamamagitan ng pangingibang-bansa ang mga alaala ni Irish. Isa pa'y ayoko nang madamay pa ang pamilya ko sa pagiging miserable ko." nagbawi ito nang paningin at muli iyong ibinaling sa langit. "Instead, I stay here, at sinubukan kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit wala na siya. But after all these years, narealized ko, hindi na pala gaya nang dati ang lahat. My life's never been the same again."

Pakiramdam ni Queenie ay mayro'ng isang matalim na sibat na gumagalos sa kanyang dibdib habang pinapakinggan niya ito. Ang lahat nang sakit, pait, at kalungkutan na dinanas nito sa loob ng limang taon ay tila naramdaman niya rin. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit para iparamdam dito na hindi na ito nag-iisa ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Naisip niyang wala siyang karapatan para gawin iyon.

"Oh, Lyndon, I wish there's something I could say to you para mapagaan ang loob mo ngayon, pero kahit ako ay devastated din pagkatapos kong marinig ang mga sinabi mo."

"It's okay, Joy," nakakaunawang ngumiti ito sa kanya. "The fact that you're here to listen ay malaking bagay na sa akin." nagbuga ito ng hangin at pagkuwa'y kinuha ang baso ng scotch at tumindig. "Mauuna na akong pumasok sa loob, Joy." ang paalam nito. "Sumunod ka na rin, okay?"

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito at naglakad na patungo sa loob ng bahay. Napapabuntong-hininga namang ihinatid na lamang niya ito nang tanaw. Pagkatapos niyang marinig ang tungkol sa nakaraan nito ay natuklasan niyang iisa lamang ang kailangan nito at iyon ay walang iba kung hindi ang company nang isang taong makakaunawa rito. Matagal itong nakulong sa kalungkutan nang dahil sa pag-iisa at alam niyang wala itong kailangan ngayon kung hindi isang taong nakahandang magpasaya rito. She knows she's the only capable person to do that dahil siya lamang ang pinakamalapit na tao rito ngayon. Kaya naman nakapagdesisyon na siya. She'll try to make him happy in any possible way that she can. Kahit man lang sa pamamagitan niyon ay magawa niyang makabawi sa lahat nang kabutihang ipinagkakaloob nito sa kanya.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon