NAKAPANGALUMBABA si Queenie habang nakamasid sa salaming bintana nang sinasakyang bus. Napakaganda nang mga tanawing kanyang nadaraanan pero hindi niya iyon magawang maappreciate. Marahil nga ay nakalayo na siya ng Rancho De la Vega subalit naiwan naman doon ang kanyang isip. Nang mga sandaling iyon ay nakakasiguro siyang nagkakagulo na ang lahat doon nang dahil sa bigla niyang pagkawala. Natatakot siya at nag-aalala para sa kalagayan nang ama. Gusto niyang magsisi na iniwan niya ito pero hindi niya naman maitatanggi sa sarili na relieved din siya na nakalayo na siya sa presensya ni Taylor.
Napukaw ang kanyang atensyon nang sumigaw ang konduktor ng bus. Ang sabi'y nasa huling istasyon na daw sila sa Maynila. Kaagad na nagpulasan pababa ang mga natitirang pasahero nang huminto ang naturang bus. Napipilitang bumaba na rin siya kahit na hindi niya pa rin alam kung saan siya pupunta. Pagbaba ay ang food stall kaagad mula sa di kalayuan ang nabungaran niya. Kaagad na kumalam ang kanyang sikmura. Sumulyap siya sa kanyang relo at nakita niyang pasado alas-siyete na nang umaga. Ang huling kain niya ay kagabi pang alas-sais. Nagdesisyon siyang kumain muna bago mag-ikot-ikot at maghanap nang maari niyang tuluyan.
Lumapit siya sa naturang food stall para tingnan ang mga pagkaing naroroon. Dahil sa iyon ang unang pagkakataon na kakain siya sa gayong lugar ay naengganyo siya at wala sa loob na nailapag ang hawak na travelling bag sa isang tabi. Nang mag-oorder na siya ay gayon na lamang ang kanyang pagkagulat nang madiskubreng wala na iyon sa kung saan iniwan. Nang magpalinga-linga siya ay nakita niyang bitbit na iyon nang isang batang kalye. Natatarantang sinigawan niya ito subalit hindi siya nito pinansin. Sa halip ay mabilis na nagtatakbo ito palayo.
Hindi na niya hinintay na may sumaklolo pa sa kanya at lakas-loob na dali-dali na niya itong hinabol. Hindi maaaring mawala sa kanya ang naturang bag. Naroroon ang perang iniwan sa kanya nang ama pati na rin ang kanyang cell phone na siyang natatanging instrumentong magagamit niya para patuloy na magkaroon ng komunikasyon sa kanyang ama. Nakita niyang tumawid ang bata sa kabilang panig nang kalsada. Sa kagustuhang maabutan ito ay hindi na niya tiningnan ang daan at basta-basta na lamang tumawid. Huli na nang mamalayan niyang isang kotse pala ang parating. Sa labis na pagkagulat ay hindi na niya nagawa pang kumilos mula sa kinatatayuan. Napatili na lamang siya nang salubungin siya niyon. Natumba siya at sa isang iglap ay nawalan nang malay-tao.

BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomanceNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...