20

3.6K 52 1
                                    

NAKAPASKIL pa rin sa mga labi ni Queenie ang matamis na ngiting naiwan doon bago niya makatulugan ang pelikulang pinapanood kagabi. Never in her entire life that she felt so happy and delighted at the same time. Nararamdaman niya lamang iyon kapag kasama niya ang binata. Kahit hindi pa man lubusang natutukoy kung ano ang eksaktong damdamin para dito ay parang hindi na niya maiwasang mag-alala. Alam niyang pansamantala lamang ang lahat nang iyon at darating ang panahon na kailangan niyang ipaalam dito kung anong totoo. Natatakot siyang dumating ang araw na iyon dahil alam niyang kakamuhian siya nang binata. Iniisip niya palang ang posibilidad na iyon ay parang naninikip na ang kanyang dibdib.

"Joy, gising ka na pala," ang bati sa kanya ni Lyndon nang makita siyang nakatayo sa bukana ng dining area. "Halika na, magbreakfast na tayo."

Gumuhit sa kanyang mukha ang pagkagulat but she managed to regain her composure quickly. Naglakad siya palapit rito. Napansin niyang nakabihis ito nang coat and tie. Nagkaroon na agad siya nang hinala na papasok ito ng firm nang araw na iyon ngunit minabuti pa rin niyang magtanong dito.

"Lyndon, papasok kang trabaho ngayon?" para siyang napaso nang salubungin nito ang kanyang paningin. Naisip niya na baka mabigyan nito nang ibang kahulugan ang kanyang tanong. Nag-alis siya nang bara sa lalamunan at kaagad na nagpaliwanag dito. "A-Ano, napansin ko kasi, nakabihis ka ngayon, eh."

"Oh, yeah. Sorry. Hindi ko nabanggit kagabi." wika nito na nag-alis din nang bara sa lalamunan na mistulang nakaramdam din nang pagkailang. "Mayro'n kasi kaming meeting with a client." may pag-aalalang muling sinulyapan siya nito. "Okay lang ba kung iwan muna kita rito?"

"H-Ha? O-Oo naman. Walang problema do'n." tugon niya kahit pa ang totoo ay nakaramdam talaga siya nang panghihinayang na hindi niya ito makakasama sa bahay nang araw na iyon. "Mga anong oras ka pala uuwi para naman ako nalang ang maghanda ng dinner natin."

"Naku, hindi na. Dadaan nalang ako ng restaurant mamaya." ang sabi nito. "Huwag kang mag-alala, ibinilin naman kita sa neighbor natin." he smiled at her pero halatang ilang pa rin. Hindi niya alam kung bakit. "Kung may kailangan ka, magsabi ka lang sa kanila, o kaya naman tumawag ka sa akin."

Isang simpleng "okay" lamang ang itinugon niya rito bago niya itinuon ang atensyon sa kinakain. Nalulungkot talaga siya sa ideyang hindi niya ito makakama nang araw na iyon. Kung pwede lang sana siyang sumama sa firm nito. Damn, ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba bigla nalang siyang naging clingy? Wala siyang karapatan na maghangad nang sobra-sobrang atensyon at oras mula sa lalaki dahil wala naman talaga itong responsibilidad sa kanya. Sa halip ay dapat ipagpasalamat nalang niya ang mga pagkakataon na mas pinili nitong manatili sa kanyang tabi niya para pagsilbihan siya.

Inihatid niya ito sa labas nang bahay pagkatapos nilang kumain. Binilinan siya nito na isara ang gate at hangga't maaari ay huwag na munang lumabas ng bahay. Nang makuha nito ang assurance niya ay binuhay na nito ang makina nang sasakyan. Wala na siyang nagawa kung hindi ang ihatid na lamang ito nang tanaw habang palayo. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay pumasok na ulit siya ng bahay. Napabuntong-hininga siya. Parang wala iyong sigla kapag wala doon ang binata. Napukaw ang atensyon niya nang biglang tumunog ang telepono. Nag-aalangang lumapit siya sa receiver. Ibubuka pa lamang sana niya ang bibig para sagutin iyon ay bigla na kaagad nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Hi, Lyndon! Mom's here. I just wanna greet you a happy happy birthday, anak. Sana naman ay hindi puro trabaho na naman ang aasikasuhin mo. Go out and have fun. Kami rin ng papa at mga kapatid mo ay may konting celebration dito. I love you, anak. All we wish for you is that you finally found the girl na papalit kay Irish sa puso mo. Sana bumalik na ang dating sigla mo, anak." may narinig siyang tinig ng bata mula sa background. "Anak, tatawag nalang ulit ako ha? Yung ate mo kasi lumabas para mamili nang ihahanda namin dito. Ako muna ang naiwang bantay sa twin nieces mo. Sige na, anak. Have a great day ahead!"

Napanganga siya nang tuluyan nang matapos ang naturang tawag. She just talked with Lyndon's mom. Okay, she didn't talked with her dahil ito lang naman ang nagsalita, but at least nalaman niya naman dito na birthday pala nang binata nang araw na iyon. Nakaramdam siya nang tampo na hindi man lang nito sinabi sa kanya ang tungkol sa napakaimportanteng bagay na iyon, but then again, naisip niya na wala siya sa posisyon para magtampo. Sino nga ba naman kasi siya sa buhay nito para ipaalam pa ang bagay na iyon di ba? Awts.

Sa kabila niyon ay hindi pa rin niya naiwasang isipin ang mga sinabi ng mama nito. Sa tono ng pananalita nito ay halatang matagal nang hindi sinecelebrate ni Lyndon ang birthday nito. Parang maski ang pagpapahalaga nito sa sariling kaarawan ay nawala na rin magbuhat nang mamatay ang bride to be nito. Parang hindi naman yata katanggap-tanggap ang bagay na iyon. Ngayong nandirito na siya sa tabi nito, sisiguraduhin niyang hindi na ulit mararanasan nang binata ang lungkot na naramdaman nito noong mga nakalipas na kaarawan nito. Napangiti siya sa sarili. She has a plan.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon