9

3.9K 61 1
                                    

NAPATINDIG si Lyndon nang makitang lumabas nang clinic nito ang naturang doktor. Nakita niyang hawak na nito sa isang kamay ang mga x-rays na ginawa sa ulo ng babaeng nabangga niya. Naglakad ito palapit sa kanya at dali-dali namang sinalubong niya ito.

"Dok, ano pong balita?" ang agad na salubong niya rito. "Natukoy n'yo na po ba ang dahilan kung bakit wala siyang maalala."

"Post-traumatic amnesia, Mr. Buenavista." ang napapabuntong-hiningang ipinahayag nito.

"Amnesia?!" ang gulantang na naibulalas niya. "Pero, dok, ang sabi n'yo sa akin kanina ay hindi naman malala ang head injury na tinamo niya?"

"Oo, sinabi ko nga iyon, pero hindi naman ibig sabihin niyon ay wala na iyong maaring maging epekto sa kanya." ang paliwanag nito. "Patients with mild head injury like her can also experience post-traumatic amnesia." dagdag pa nito. "Sa kanyang case, we can considered it to be a retrograde amnesia, dahil wala siyang maalalang kahit na ano pagkatapos ng insidente."

Lyndon was distraught pagkatapos marinig ang paliwanag nito. "So, dok, ano pa kaya ang pwedeng gawin natin?" ang mayamaya ay ipinahayag niya nang makahuma.

"It may be a mild head injury pero hindi pa rin natin masasabi kung kailan ang magiging recovery niya." he told him. "I suggest inuwi mo muna siya sa inyo dahil hindi makakatulong na mastuck siya rito sa hospital." dagdag pa nito. "Makabubuting maexpose siya outside para mafamiliarize siya sa mga bagay-bagay na hindi niya maalala."

"Oh, God." napabuga nang hangin si Lyndon at ilang sandaling natigilan. "Wala na po ba talaga tayong ibang magagawa?"

"That's the least thing we can do as of now, Mr. Buenavista." tinapik-tapik siya nito sa balikat. "I better go now."

Nanghihinang sinundan na lamang ng tingin ni Lyndon ang naturang doktor. Parang hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga sinabi nito sa kanya. Nagka-amnesia ang babaeng nabangga niya at kailangan niya ngayong iuwi sa kanyang bahay. Hindi niya alam kung bakit hindi niya gusto ang ideyang makakasama niya ito sa iisang bubong. Pero ano pa nga bang magagawa niya gayong pananagutan niya ang nangyari dito?

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon