26

3.5K 51 1
                                    

NAKAPASKIL pa rin sa mga labi ni Queenie ang isang matamis na ngiti hanggang sa pag-uwi. Lyndon and her doesn't talk much magmula nang lisanin nila ang Antipolo but they seemed to understand each other kahit na sa mga simpleng tinginan lang. Parang pagkatapos nang nangyari kanina ay kapwa sila nagkaroon ng assurance sa isa't-isa. Ang kulang na nga lang ay aminin nila sa bawat isa ang nararamdaman.

"Joy, may bibilin lang ako," ihininto nito sa tapat ng isang convenience store ang minamanehong sasakyan. "Dito ka lang muna, okay?"

Tumango siya. Bumaba na ito ng kotse pagkatapos. Ihinatid niya ito nang tanaw habang naglalakad papasok ng convenience store. Ilang sandali pa at napukaw ang kanyang atensyon nang may pumaradang sasakyan sa kabilang lane ng daan. Huminto iyon sa mismong tapat nang sasakyan ni Lyndon. Wala sa loob na napalingon siya at gayon na lamang ang panghihilakbot na naramdaman niya nang makita mula sa bintana ng sasakyan kung sinong nagmamaneho niyon. Si Taylor! Hinding-hindi niya maaaring ipagkamali ang mukha ng hayop na iyon.

Nang maramdaman niyang dadako sa kanyang direksyon ang paningin nito ay dali-dali niyang ipinaling muli ang ulo sa direksyon nang convenience store. Lyndon, nasaan ka na ba? She could feel him staring at her from the window of his own car. Parang sa kabila nang kanyang pag-iwas dito ay nagawa pa rin nitong mahubugan ang kanyang mukha. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na binuksan nito ang pinto ng sariling sasakyan at akmang bababa. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. This man can't be hitting on her again. Alam niyang kapag nakuha siya nito ay hindi na nito hahayaang hindi makuha ang gusto sa kanya.

Sa pagkakataong iyon lumabas ng convenience store si Lyndon. May bitbit itong isang malaking plastic na may pangalan ng naturang convenience store sa harap. Nakaramdam siya nang relief nang maglakad ito palapit sa sasakyan. Nabawasan ang takot na namamayani sa kanyang puso ngayong alam niyang nasa tabi niya na ito.

"I'm sorry natagalan ako. Ang dami kasing nakapila sa cashier." Napansin nito ang kanyang pamumutla. "Hey, okay ka lang ba?"

"L-Lyndon, pwede bang umuwi na tayo, sige na please." Nakita niya sa gilid ng paningin na napigilan ang akmang pagbaba ni Taylor nang makitang sumakay si Lyndon doon. "Paandarin mo na ang sasakyan, bilisan mo, please."

"O-O sige," ang wika nito sa kabila nang pagtataka. Binuhay na nito ang makina at pinaharurot na palayo nang convenience store ang sasakyan. Nakita niya sa side mirror na kahit nakalayo na sila ay nakasunod pa rin ang paningin sa kanila ni Taylor. Bumadha ang pag-aalala sa kanyang mukha. Napansin naman iyon ni Lyndon kaya dali-dali rin itong tumanaw sa side mirror. "Anong problema, Joy? Pamilyar ka ba sa lalaking iyon? Mayro'n ka bang kahit na anong naaalala sa kanya?"

"H-Ha? Ah, hindi. Wala, wala naman. A-Ano, nakakatakot lang kasi siya tumingin, eh." Sinadya niyang huwag salubungin ang paningin nito sa takot na mahalata nitong nagsisinungaling siya. "A-Ang mabuti pa, huwag nalang natin siya pag-usapan, Lyndon."

"Sige," tumango ito subalit halatang hindi kumbinsido sa kanyang sinabi. "Pero sigurado ka bang okay ka lang talaga?"

"O-Oo... oo naman." natetensyong ngumiti siya rito. "Nahilo lang ako pero okay na ako ngayon, promise."

Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana nang sasakyan. Pagkatapos niyang makita si Taylor ay mas lalong lumawig ang takot sa kanyang dibdib. Takot para sa ama, kay Lyndon, at sa sarili. Nakasisigurado siyang namukhaan siya ni Taylor. Ngayong alam na nitong nasa Maynila siya ay natatakot siya sa maaring gawin nito. Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para magkaroon ng komunikasyon sa rancho. Kailangan niyang tawagan ang kanyang ama at alamin dito kung ano nang sitwasyon doon. Kapag nalaman niyang maayos na doon, masakit man sa loob ay mukhang kailangan na niyang itigil ang pagpapanggap niya, at iwanan si Lyndon. Hindi niya maaaaring isaalang-alang ang kaligtasan nito.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon