19

3.5K 64 1
                                    

NAAALIW na pinagmasdan ni Lyndon si Joy habang panay ang tawa nito sa pinapanood nilang pelikula. He's always fascinated sa mga babaeng malakas tumawa. Para sa kanya, girls like her, they are the ones who show the real sense of themselves. It cuddles her heart just by hearing her laugh. Sa totoo lang ay iyon ang higit na nakapagpapasaya sa kanya higit sa pinapanood nila. God, it was priceless.

He was observing himself lately and he can't help but notice the changes that occurred to him. Parang naging madali at magaan ang lahat nang bagay sa kanya magmula nang dumating ito. Napansin niya rin na parang may isang bahagi ng kanyang pagkatao na matagal nang nawala ang biglang lumalabas kapag kasama niya ito. He made him laugh, amused, at iba pang kakatwang damdamin na parang nalimutan na niyang i-entertain sa loob nang mahabang panahon. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung bakit siya nakakadama nang gayon para sa dalaga.

Napapabuntong-hiningang ipinaling niya ang paningin sa screen ng TV. Parang hindi maganda ang kanyang kutob sa nararamdaman niya para dito. Sinubukan niyang ipokus ang paningin sa pinapanood nila pero hindi niya magawa dahil lahat ng senses niya ay nakatuon na lamang dito. Ilang sandali pa at nakaramdam siya nang magaang dantay sa kanyang balikat. Paglingon niya ay nakita niyang nakapatong ang ulo doon nang dalaga. Nakapikit ito at mukhang nakatulugan na ang pelikulang pinapanood nila. Pigil-hiningang pinagmasdan niya ang magandang mukha nito. He was suddenly tempted to plant a kiss on her lips ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay pinangko niya ang dalaga para dalhin sa kwarto nito.

Pagdating doon ay maingat na ibinaba niya ito sa kama para hindi ito magising. Inayos niya ang unan nito at hinawi ang ilang hibla nang buhok na tumatakip sa mukha nito. Nakita niyang may mugmog nang cheese powder sa ilalim ng labi nito at pinalis niya iyon gamit ang hinlalaki. Nang masiguradong komportable na itong natutulog ay lumabas na siya ng kwarto. Isinara niya ang pinto at inilagay ang isang kamay sa tapat nang dibdib. Kung bakit ang lakas-lakas pa rin nang tibok niyon ay hindi niya alam.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon