16

3.8K 53 1
                                    

KATAKA-TAKANG kahit gabi na nakatulog si Queenie ay maaga pa rin siyang nagising kinabukasan. Nagbanyo siya, nanubig, nagtoothbrush, at nagpalit ng damit bago lumabas ng kanyang kwarto. Si Lyndon kaagad ang unang hinanap ng kanyang paningin ngunit natuklasan niyang maaga pala itong lumabas para magjogging. Iyon ang nakalagay sa note na iniwan nito sa may refrigerator. Nakita niyang may nakahanda nang pagkain sa may dining table. Hindi niya iyon ginalaw pagkat ang gusto niya ay sabay silang kakain pagdating nito. Sa halip ay lumabas muna siya nang bahay at lumanghap nang sariwang hangin.

Napansin niya ang mga halaman sa harap ng bahay na halatang hindi naaalagaan dahil halos lanta na ang karamihan sa mga dahon niyon. Sa isang iglap ay biglang umiral ang kanyang pagiging landscaper. Pumasok siya sa loob ng bahay at naghanap ng gunting. Tinabasan niya ang mga iyon at binunutan ng damo. Pagkatapos ay isinaksak niya ang host sa gripo at diniligan iyon. Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya naiwasang maalala ang orchid garden ng Rancho De la Vega. Namiss niyang bigla ang naturang lugar. Naisip niya kung naaalagan o may nag-aalaga pa kaya rito. How she wants to go there that moment.

Naputol ang kasalukuyang diwa niya nang makarinig siya nang ingay mula sa gate. Nang sulyapan niya iyon ay nakita niya ang lalaking kanina pa hinanahap ng paningin. Nakasuot ito ng isang abuhing sando na may hood, jogging shorts, at rubber shoes. His hair was tousled nang dahil sa pawis. Pati ang suot nitong damit ay pawisan din kaya nakabakat sa bandang tiyan nito ang abs nito. Napanganga siya at sa isang iglap ay parang biglang uminit ang kanina'y preskong paligid. Pakiramdam niya ay biglang nagslow motion ang lahat habang pinagmamasdan niya ito.

"Oh, hi, Joy. Ang aga mo naman yata nagising. I thought tatanghaliin ka dahil nagkwentuhan pa tayo kagabi. Good thing, nakapaghanda na ako nang breakfast. Kumain ka na?" Napansin nito na parang wala siya sa sarili at nangunot ang noo nito. "Joy, okay ka lang?" he snapped.

Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa mukha. Napakurap-kurap siya at wala sa loob naitapat dito ang hawak na host. Nagdire-diretso sa katawan nito ang tubig niyon.

"Oh, Goodness," ang naibulalas niya nang matanto ang nangyari. Sa sobrang pagkataranta ay kung saan-saang direksyon niya naipaling ang hawak na host. Nagtalsikan ang tubig hanggang sa pati siya ay mabasa na rin. "Ay, shocks! Oh my gosh! Oh my gosh!"

Lumapit sa kanya si Lyndon at kinuha sa kanya ang host. Pagkatapos ay ito na ang nagkusang pumatay ng gripo. Para siyang nauupos na kandila nang muling humarap ito sa kanya.

"S-Sorry, ano kasi eh, ahm..." nakita niya ang perwisyong dinulot niya rito. Basang-basa na ngayon nang tubig ang buong katawan nito. Wala sa loob na lumapit siya rito at sinimulang palisin ang tubig sa katawan nito gamit ang sariling mga kamay. "Hala, nabasa ka tuloy. Kakagaling mo pa naman magjogging. Baka mapasma ka niyan. Naku, sorry talaga," Natigilan siya sa walang kawawaang pagsasalita nang dumako ang kanyang kamay sa matitigas na pandesal sa tiyan nito. Oh, God.

Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Para siyang napaso nang masalubong ng kanyang paningin ang mga titig nito. Dali-dali siyang dumistansiya rito.

Nakagat niya ang kanyang lower lip. "S-Sorry talaga," napayuko siya sa sobrang kahihiyan na nararamdaman.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Lalong dumiin ang pagkakakagat ng kanyang ngipin sa kanyang labi. Pagkuwa'y naramdaman niyang humahakbang ito palapit sa kanya.

"It was an accident, Joy, hayaan mo na." itinaas nito ang kanyang baba at muling nagsalubong ang kanilang paningin. Pinalis nito ang mga butil ng tubig na naiwan sa kanyang mukha. Awtomatikong nagwala ang kanyang puso nang dahil doon. "Maski ikaw ay nabasa din naman. Halika na sa loob nang makapagpalit ka. Baka magkasakit ka pa niyan."

Pagkasabi niyon ay lumayo na ulit ito sa kanya at nagpatiunang humakbang. Subalit nanatiling kukurap-kurap na nakatayo siya sa kanyang kinaroroonan. She was so damn mesmerized na pakiramdam niya ay mahihigit niya ang binata kung hindi pa ito ang unang dumistansiya sa kanya. Napapabuntong-hiningang muli itong lumapit sa kanya nang hindi pa siya kumilos. Kahit halatang naaalangan ay kinuha nito ang kanyang kamay at inakay siya papasok sa loob ng bahay. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapasunod dito. Oh, God, dammit. Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Baka pag nagpatuloy iyon ay mabaliw na siya nang tuluyan.

Ihinatid siya nito sa kanyang kwarto bago ito tumuloy sa sariling silid para magpalit na rin ng damit. Pagkapasok sa loob ay nasabunutan niya ang sarili sa labis na kawindangang nararamdaman. Nakalayo na siya at lahat lahat dito pero ang lakas pa rin nang tibok ng kanyang puso. Ilang sandali siyang nagpalakad-lakad bago niya nakumbinsi ang sariling tuluyan nang magbihis. Pagkatapos ay naupo siya sa harap nang salamin, sinuklay ang buhok, at pinilit kalmahin ang sarili. Nang magtagumpay ay nagdesisyon siyang lumabas na ng kwarto. Nagulat pa siya nang maabutan ang binata sa labas niyon. Bumalik ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"L-Lyndon," ang halos magkandautal-utal niyang mabulalas nang makita ito. "A-Anong ginagawa mo diyan?"

"Hinihintay kita," walang-anuman na tugon nito. "I checked the breakfast and saw that you haven't eaten anything." ngumiti ito sa kanya. "Sabay na tayong magbreakfast."

Parang nakarinig na naman ng nag-aawitang anghel si Queenie. Sandaling napigil niya ang hininga sa mga ipinahayag nito at ngiting ipinagkaloob nito sa kanya.

Pinakawalan niya ang pinigilang hininga. "Ow-kay," ang sa huli ay tangi niyang nasabi rito.

Nagtungo sila sa may dining area. Pagdating doon ay humila ito ng upuan para sa kanya. Sa tapat naman niya ito pumwesto pagkatapos. Nilagyan nito ng fried rice, bacon, at hotdog ang kanyang plato. Dammit talaga! Wala yatang tatalo sa pagkamaginoo ng lalaking ito. Nang magsimula silang kumain ay walang sinuman ang nagtangkang magsalita sa kanila. Parang kapwa nila pinapakiramdaman ang isa't-isa. Hindi tuloy siya makapagconcentrate sa kanyang kinakain. Pagkuwa'y narinig niyang napasinghap ito. Sinulyapan nito ang kape sa pantry.

"Coffee?" tanong niya rito. Napakamot ito sa batok at saka alanganing napangiti at tumango sa kanya. Napangiti na rin siya saka tumindig. "Wait, ipagtitimpla kita."

Nakangiti pa rin siya nang magtungo sa pantry. Hindi niya alam kung bakit nagagalak ang kanyang pusong pagsilbihan ang binata. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito at hindi nito nakikita ang kanyang anyo. Kung hindi ay baka akalain nitong nababaliw na nga talaga siya.

"Here's your coffee," inilapag niya ang kape nito sa ibabaw ng table. Hindi niya inalis ang paningin dito habang hinihigop nito iyon. Pigil hiningang hinintay niya ang magiging reaksyon nito. Nagliwanag ang kanyang mukha nang makitang napangiti ito.

"Wow, this coffee tastes so good," ang komento nito bago sumulyap sa kanya. "Masarap ka palang magtimpla ng kape, Joy." napangiti na naman ito sa kanya. "Thank you,"

Naalala niya ang kanyang ama. Palagi din nitong pinupuri ang kapeng ginagawa niya para rito. She always felt so good everytime, ang kaibahan nga lang ngayon, may hatid na kilig para sa kanya ang papuring iyon ng binata.

"You're welcome," she smiled back at him. "Don't you worry, palagi mo nang matitikman ang kape na iyan mula ngayon. You know why?" tanong niya rito. "Because I'm now assigning myself as your personal coffee maker."

"Goodness, lady." Natawa ito nang pagak sa huling tinuran niya. Natigilan siya. Parang magmula nang unang makita niya ito ay ngayon niya lang ito nakitang tumawa. "Thank you, really."

Lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti. She felt glad that he made him laugh. Mukhang kahit pulos kapalpakan ang nagagawa niya ay naisakatutuparan naman niya ang goal na mapasaya ito in her little own way. Ganadong kumain na siya pagkatapos. Ano pa bang hihilingin niya? Kinumpleto na nito ang kanyang araw.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon