10

4.2K 62 1
                                    

SINULYAPAN ni Queenie si Lyndon habang nagmamaneho ito sa kanyang tabi. Kanina pa ito walang kibo at kahit nasa daan ang paningin ay mukhang malalim ang iniisip. Gusto niya sanang magtanong rito subalit hindi niya magawa dahil nahihiya siya. Sinubukan nalang niyang pag-aralan ang ekpresyon nito subalit nabigo rin siyang mabasa sa pamamagitan niyon ang sinasaloob nito. Sa huli ay napapabuntong-hiningang nagbawi na lamang siya ng paningin at muling ibinaling ang mga mata sa daan. Mistulang naulinigan naman iyon ni Lyndon at ito naman ang sumulyap sa kanya.

"Hey, are you okay?" ang tanong nito sa kanya. "Pasensya na kung hindi na ko nakapagpaliwanag sa'yo kanina sa hospital." napabuntong-hininga ito. "Sa bahay ka na muna tutuloy habang hindi pa bumabalik ang memorya mo."

Gulat na napasulyap siya dito dahilan para magtagpo ang kanilang mga paningin. Natigilan siya nang makita ang lungkot na nakapaloob doon. Hindi niya agad napansin iyon nang una niya itong makita dahil masyado siyang namezmerized sa kagwapuhang taglay nito.

"G-Ganun ba," kusa na siyang nagbawi nang paningin nang makaramdaman ng awkwardness. Nakagat niya ang kanyang lower-lip. Bigla siyang nakonsensya sa mga pagsisinungaling. "Pasensya na rin kasi alam kong malaking abala sa'yo ito."

Alam ni Queenie na dapat siyang marelieved na mayro'n siyang mauuwian, but the fact na mayro'n siyang naababalang tao ngayon, iyon ang labis na nakakaapekto sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng lungkot na bumabalot sa mga mata nito. Nag-aalala siya na baka siya ang may kagagawan niyon. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Huwag mo nang isipin iyon," ang ipinahayag nito. "Responsibilidad ko ang nangyari sa'yo at hindi naman kita basta pwedeng pabayaan nalang."

Lalo siyang nakonsensya sa narinig na sinabi nito. Pakiramdam niya ay napakaselfish niya nang mga sandaling iyon. She coyly smiled at him bago niya ipinaling ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. Wala siyang ideya kung hanggang kailan niya papanindigan ang kasinungalingan. Ang tanging sigurado niya lang nang mga oras na iyon ay ligtas siya sa puder ng lalaki. He gives her a feeling of security na kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa tanang buhay niya.

"Nandito na tayo," mayamaya ay anunsyo nito pagtapat nila sa isang malaki at eleganteng bahay. It was a high-set Victorian era Queenslander house with a short-ridged roof, large wraparound veranda, double hung windows and doors, and decorative features. Nakatayo iyon sa isang malawak na grass lawn. Nanggigilalas na pinagmasdan niya iyon mula sa salaming bintana ng kotse. Di nga siya nagkamali sa unang sapantaha na isa itong elitista. Pagkuwan ay naramdaman niyang bumaba ito mula sa driver's side. "Dito ka muna."

Lumapit ito sa mataas na steel gate saka binuksan iyon gamit ang hawak na susi. Nagtaka siya kung bakit wala man lang maid na sumalubong dito o guard na nagbukas ng gate para dito. Sa kanyang palagay ay mukhang nag-iisa lamang itong namumuhay sa malaking bahay na iyon. Bumalik ito sa kotse at ipinasok iyon sa loob ng garahe.

Pinagbuksan siya nito ng pinto. "Let's go inside," ang ipinahayag nito saka inabot ang kanyang kamay.

Nanggilalas siyang lalo sa labis na pagkamaginoo nito. Kahit kailan ay hindi siya iginalang nang ganito ni Taylor. Madalas na walang modo ang naturang lalaki sa kanyang harap. Kaya naman hindi tuloy niya maiwasang humanga kay Lyndon ngayon. Hindi mauubusan nang dahilan ang sino mang babae na mahulog dito. Stop right there, Queenie! kastigo niya sa sarili nang matanto ang tinatakbo ng isip.

"Thank you," kiming wika niya nang makababa na ng sasakyan. Nagpalinga-linga siya nang makapasok sa loob ng bahay nito. Ang mga paintings sa wall at sculptures na nakapalibot sa iba't-ibang bahagi nang bahay ang una niyang napansin. Nagkaroon na agad siya nang hint na mahilig ang lalaki sa arts dahil sa mga iyon. Naghanap siya nang bakas nang ibang tao sa bahay ngunit mukhang tama ang unang hinala niya na nag-iisa lamang itong naninirahan sa bahay na iyon. "Wala kang kasama rito?"

"No, I leave alone here." pagkukumpirma nito sa kanyang hinala. "Thrice a week ay may nagpupunta ritong tatlong maids para linisin ang bahay at dalin sa laundry shop ang mga damit." paliwanag nito. "Wala rin akong cook. I shopped the food supplies every weekends. Ako din ang nagluluto."

Napanganga siya sa narinig na sinabi nito. She didn't expect that he's living like a hermit. Gusto niya sana itong tanungin tungkol sa pamilya nito pero nakahiyaan na niya. Inabot nito ang kanyang kamay at nagsimulang humakbang patungong hagdan. Nagulat siya ngunit wala siyang nagawa kundi nag mapasunod dito. Huminto ito sa tapat ng isang pinto.

"This will be your room," binuksan nito ang naturang pinto. Namangha siya sa luwang at ganda ng ayos ng naturang kwarto. Wala iyong pinagkalayo sa kanyang kwarto noong nasa rancho pa siya. "I hope you like it."

Namamangha pa ring napasulyap siya rito. "I do. Ang ganda niya. Salamat, Lyndon." she smiled at him.

"No problem," pinilit nitong ngumiti sa kanya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. Parang may kung ano talagang lungkot itong iniinda. Di gaya nang unang hinala ay mukhang may ibang pinanggagalingan ang lungkot na nababanaag niya sa paningin nito. "By the way, anong gusto mong itawag natin sa'yo habang hindi pa bumabalik ang memory mo?"

Natigilan siya at sandaling nag-isip. Hindi safe kung sasabihin niya rito ang kanyang first name pero maari niya sigurong ibigay dito ang kanyang second name. Naisip niya kasi na sa kabila nang pagpapanggap ay gusto niya pa ring may manatiling totoong parte ng kanyang pagkatao.

"Joy," mistulang bulong lamang iyon sa hangin. "Joy nalang ang itawag mo sa akin, Lyndon."

"It's Joy then," wika nito saka matipid na muling ngumiti sa kanya. "Magpahinga ka na, Joy. Maghahanda lang ako ng dinner natin."

Tumango siya at sinundan na lamang ito ng paningin habang naglalakad ito palayo. Marahil ay hindi niya pa ito lubusang kilala ngunit sigurado siya sa lungkot nakikita sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit o anong dahilan at nag-aalala siya para dito. Napapabuntong-hiningang ipinilig-pilig niya ang kanyang ulo. Masyado na siyang nagiging curious sa lalaki at nakakalimutan na niya kung ano ang kasalukuyang sitwasyon niya at nang ama sa rancho. You should focus on that, Queenie, ano ba! kastigo niya sa sarili bago siya pumasok ng kwarto at isara ang pinto.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon