34

4.1K 57 1
                                    

NAPANGITI si Lyndon nang makitang lumabas ng bahay si Queenie. Nang mga sandaling iyon ay nakatayo siya sa kabilang dulo nang daan malapit sa rest house kung saan ito tumutuloy. Kanina niya pa ito pinagmamasdan noong nasa bintana ito gamit ang binoculars. Parang gusto niya itong lapitan at salubungin nang mahigpit na yakap at masuyong halik sa labi subalit pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay ibinaba niya nalang ang hawak na instrumento at masusing pinagmasdan ang reaksyon nito habang tiningnan ang laman ng iniwanan niyang envelope sa harap ng bahay nito. Laman nang envelope na iyon ang titulo at iba pang kasulatan ng rancho at mansion ng pamilya nito.

Pagkatapos makipagkita sa private investigator na in-hire niya at makuha rito ang mga nakalap nitong information tungkol sa dalaga ay dali-dali na siyang nagtungo ng Batanggas. Natuklasan niyang totoo nga palang wala na sa pangalan ng mga ito ang rancho at mansion ng mga ito. Alam niyang mahalaga dito ang dalawang properties na iyon kaya nagdesisyon siyang bilihin ang mga iyon. Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang mga Jacobs na ibenta sa kanya ang mga iyon dahil na rin sa current financial status ng mga ito. Nabalitaan niyang karamihan sa negosyo nang mga ito ay nalulugi na matapos masangkot ang mga ito sa ilang illegal na gawain. Sa halip na sa kanya ipangalan ay hiniling niya na ipangalan iyon sa mga De la Vega. Noong umpisa ay nagkaroon nang pag-aalinlangan sa parte ng mga ito subalit nang sabihin niyang dodoblehin niya ang presyo ay mabilis pa sa alas-kwatrong isinarado ng mga ito ang deal.

Nakita niyang muling ipinasok ng dalaga sa envelope ang naturang mga papeles at saka muling nagpalinga-linga. Nang dumako sa kanyang direksyon ang paningin nito ay natigilan ito. Gumuhit sa mukha nito ang magkakahalong pagkamangha, pagkagulat, at kagalakan. He stared back at her at ilang sandaling nagtitigan lamang sila bago magsimulang gumalaw ang kanyang mga paa. Parang may sarili iyong buhay na humakbang palapit sa kinaroroonan nito. Samantala, nanatili naman itong hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya, wari'y nakatingin ito sa isang aparisyon.

"Queenie Joy," ang kanyang nasambit nang sa wakas ay makalapit na sa kinaroroonan nito. "Kamusta ka na?"

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon