18

3.5K 54 1
                                    

NAGPATULOY ang ulan hanggang sa sumapit na ang kinagabihan. Sa kawalan nang gagawin ay naisipan ni Queenie na yayaing magmovie marathon si Lyndon pagkatapos kumain. Pumayag naman ito kaagad dahil natapos na nito kanina ang ginagawang blue print. Nagtanong ito sa kanya kung anong genre ang gusto niyang panoorin. Comedy ang kanyang pinili. Nagprisinta siyang siya na ang magluluto ng pop corn habang isinasalang nito ang mga DVD's nang mga pelikulang papanoorin nila. Binudburan niya iyon nang chese powder bago siya magtungo sa sala.

Nakita niyang nakaupo ito sa rug malapit sa harap nang malaking flat screen TV. Dali-daling lumapit siya at pumwesto sa tabi nito. Ilang sandali pa at nagsimula na ang pelikula. It's obvious na napanood na iyon ng binata pero hindi ito nagpakita nang kahit na anong bakas ng pagkayamot. Instead, as much as possible, sinusubukan nitong bigyan nang paliwanag ang mga elemento sa pelikula na marahil ay inaalala nitong hindi niya maunawaan nang lubos nang dahil sa kanyang "amnesia" kuno. How sweet of him to think of her.

Ilang sandali pa at napuno na ang buong sala ng kanyang nakakahalinang mga halakhak. She's always one of those persons na madaling patawanin. Kaunting kibot lang ay para nang kinikiliti ang kanyang kaluluwa. Sinubukan niyang pigilin ang tawa sa pag-aalalang baka madistract sa kanya si Lyndon subalit hindi niya talaga mapigilan. All the punchlines in the movie are new and easily get into her. Sa huli ay pinagbigyan niya na lamang ang sariling tumawa nang tumawa hanggang sa mangawit ang kanyang panga.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon