13

3.8K 58 1
                                        

PINAGMASDAN ni Queenie ang malaking shopping mall mula sa bintana ng kotse ni Lyndon. There are shopping malls in the province pero hindi kasinglaki at kasingluwang tulad niyon. No doubt na nasa siyudad na nga talaga siya nang Manila. Ilang sandali pa at lumapit ang binata sa kanyang tabi at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nito sa pagbaba ng kotse.

"Thank you," ang kanyang ipinahayag habang hindi pa rin mapagkit-pagkit ang tingin sa malaking establisyimento. "There's nothing like this in the province,"

"What?" gulat na napasulyap sa kanya si Lyndon. "Does this place reminds you of something, Joy?"

"H-Ha?" napalunok siya sa labis na pagkagulat. Hindi siya naging maingat sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nawala sa isip niya na na maaari niya itong mabigyan nang impresyon na may naaalala na siya. "P-Parang, hindi malinaw, Lyndon."

"You've mentioned something about province. Maybe you are living in the province. May naalala ka pa bang iba bukod doon?"

Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Nagkandaloko-loko na. Kung bakit ba naman kasi hindi niya nagawang ipreno ang bibig. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Hindi niya maaring ipakita rito na natetense siya. Baka magkahinala ito na pinepeke lamang niya ang amnesia.

"I-I'm sorry, Lyndon," ang napapabuntong-hiningang tugon niya rito makalipas ang ilang sandali. "W-Wala na talaga akong ibang maalala, eh."

"Oh," napatango-tango ito. "It's okay," matipid itong ngumiti sa kanya. "Ang mahalaga kahit papano ay may nakikita tayong recovery sa memory mo." Inilahad nito ang isang kamay. "Let's go?"

Tumango siya rito at inabot ang kamay nito. Magkahawak-kamay silang naglakad papasok nang shopping mall. Siguro para rito ay wala lang iyon pero para sa kanya ay malaking bagay iyon. The warmth of his hands gave her a feeling of security. Pakiramdam niya ay walang sino man ang maaring kumanti sa kanya habang hawak niya iyon. Ang gaan-gaan din ng kanyang pakiramdam na para bang lumulutang ang kanyang mga paa sa alapaap. Ngayon lang siya nakaramdam nang gayon para sa isang lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang kwestyunin ang sarili kung bakit niya nararamdaman iyon.

"Good morning, Ma'am, Sir," ang bati sa kanila nang isang sales representative pagpasok nila sa loob ng isang kilalang shop ng damit at sapatos. "Kailangan n'yo po nang tulong?"

"Ah, yes, please," ang tugon rito ni Lyndon. "Can you help us find clothes and footwear for her?"

"Ay, naku, walang problema, sir!" ang eksaheradang bulalas nito. "Sa ganda ng girlfriend n'yo, nakakasigurado ako na hindi tayo mahihirapang humanap ng damit at footwear na babagay sa kanya."

Sa isang iglap ay agad na nag-init ang magkabila niyang pisngi sa narinig na sinabi nito. Napatingin siya sa magkahawak nilang mga kamay ni Lyndon. Sa kabila nang pagtutol nang isang bahagi ng kanyang isip ay kusa na niya iyong binawi.

"Ahm, miss, nagkakamali ka," agad na baling niya sa naturang sales representative. "W-Wala kaming relasyon."

"Ay, sorry po," napangiti ito nang alinlangan sa kanila pagkatapos. "Bagay na bagay po kasi kayong dalawa, eh."

Sa sinabi nito ay mas lalo tuloy nadagdagan ang discomfort na nararamdaman niya. Napapakagat-labing napayuko na lamang siya. Ilang sandali pa at narinig niya ang mga pagtikhim ni Lyndon.

"Sige na, Joy, sumama ka na sa kanya," ang pag-iwas nito. "Hihintayin na lamang kita rito sa labas."

Tumango siya rito. "S-Sige, see you later," pagkasabi niyon ay dali-dali na niya itong tinalikuran.

Napabuntong-hininga siya habang naglalakad palayo rito. Pinakiramdaman niyang mabuti ang sarili. Nakalayo na siya rito pero ang lakas-lakas pa rin ng tibok ng kanyang puso. Bakit gano'n?

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon