12

3.8K 59 1
                                    

NAKATAYO sa veranda si Lyndon at may hawak na baso ng scotch. Umiinom siya sa tuwing may bumagabag sa kanyang isipan. Sa pagkakataong iyon ay ang presensya ni "Joy" ang hindi makapagpatahimik sa kanya. Ilang taon na siyang naninirahang mag-isa sa bahay na iyon. Nasanay na siyang walang kasama at natatakot siyang sa pagdating nito ay malimutan na naman niya kung paanong mag-isa. Kaparis nang mga unang taon na mawala sa kanya ang kaisa-isang babaeng minahal niya.

Naglakad siya patungo sa loob nang sala at nahiga sa isa sa mga couch na naroroon. Kinuha niya ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa at dinukot doon ang isang larawan. It was a picture of a beautiful young woman in white dress. Sariwa pa sa kanyang alaala ang mga ngiti nito while he captured that photo. Kung maaari lang sana siyang bumalik sa mga sandaling iyon ay gagawin niya. Napabuntong-hininga siya at pagkuwa'y naramdaman niyang bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Unti-unti niya iyong ipinikit hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Samantala, sa kanyang kwarto ay biling-baliktad naman si Queenie. Kahit anong pilit niyang matulog ay hindi talaga siya dinadapuan nang antok. Kung ano-anong bagay ang tumatakbo sa kanyang isip. Ang rancho, ang mansion, ang kanyang ama, at siyempre, si Lyndon. Involved na rin ito ngayon sa kanyang mga issues. Napagdesisyunan niyang bumaba muna at lumanghap nang sariwang hangin nang sa gayon ay makalmante kahit papaano ang kanyang isipan. Naglakad siya pababa nang hagdan ngunit hindi pa man tuluyang nakabababa ay namataan na niya si Lyndon sa may couch.

Hindi niya napigilan ang sariling lumapit dito at pagmasdan ang tulog nitong kaanyuan. Ilang sandali niyang napigil ang kanyang hininga habang ginagawa niya iyon. Kahit saang anggulo talaga ay napakabreath-taking nito. Napansin niya ang baso ng scotch sa tabi nito at nagkaroon na agad siya nang hinala na nakainom ito. Alam niyang mahihirapan siyang gisingin ito kaya ikinuha na lamang niya ito nang unan para mas maging komportable ito.

Papanhik na sana siyang muli sa taas kung hindi lamang napukaw nang isang larawan sa sahig ang kanyang paningin. Pinulot niya iyon at matamang pinagmasdan. Larawan iyon nang isang napakagandang babae. Natitigilang ibinaling niyang muli ang paningin sa binata pagkatapos. Nakasisiguro siyang ito ang may-ari ng naturang larawan. Posible kayang ang babae doon ang dahilan nang lungkot na nababanaag niya sa mga mata nito sa tuwing mag-uusap sila? Hindi alam ni Queenie kung bakit may kung anong pait siyang naramdaman sa ideyang iyon. Inilapag niya ang larawan sa ibabaw ng center table at iniwan na ang binata.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon