NAPABUGA ng hangin si Lyndon pagkalabas ng conference room. Katatapos lamang ng meeting at sa awa ng Diyos ay matagumpay naman nilang naisara ang deal sa kanilang kliyente. Alam niyang doon dapat niya ituon ang kanyang atensyon subalit hindi maiwasang lumipad ng kanyang isip kay Joy. Magmula nang maging aware siya sa kakaibang damdamin na bumabalot sa kanyang dibdib sa tuwing kasama niya ito ay palaging ito na lamang ang laman ng kanyang isip. Natutuliro na tuloy siya at hindi niya magawang magconcentrate sa kanyang trabaho. Sinusubukan niyang iwaksi ang naturang damdamin ngunit habang iniiwasan niya ay tila lalo pang lumalawig iyon.
"Hi, Sir Lyndon!" Naputol ang kanyang diwa nang marinig ang bati na iyon nang isang staff ng kanilang firm. "Happy birthday po!"
Isang ngiti lamang ang nagawa niyang itugon rito. Matagal na siyang hindi nagcecelebrate ng kanyang kaarawan. Magmula kasi nang mamatay si Irish ay parang nawalan na siya nang gana. He felt like he doesn't have a reason to celebrate anymore dahil wala na ang kaisa-isang babaeng minahal. Kaya naman, sa tuwing sasapit ang araw na iyon, iuugali na lamang niyang isubsob ang sarili sa trabaho. Actually, kung hindi pa dahil sa greetings ng mga ito ay hindi niya iyon maaalala. Marahil ay nakita iyon nang mga ito sa organizational chart kung saan nilalagyan nang greetings ang ilalim ng pangalan ng empleyado sa tuwing magbibirthday ito. Binalewala na lamang niya iyon at nagtuloy na sa parking area kung saan niya ihinimpil ang sasakyan. Kailangan na niyang umuwi dahil hindi siya mapakali na si Joy lang ang naiwang mag-isa sa bahay.
Dumaan muna siya sa isang restaurant para bumili ng dinner nila bago niya tuluyang bagtasin ang daan pauwi. Pagdating sa bahay ay nagtaka siya nang maabutang nakapatay ang mga ilaw. Si Joy agad ang unang pumasok sa kanyang isip. Baka may kung ano nang masamang nangyari dito. Kakaba-kabang dali-dali siyang bumaba ng kanyang sasakyan at binuksan ang gate gamit ang spare key. Sa sobrang pag-aalala ay hindi na niya napagkaabalahang ipasok ang kotse sa loob ng garahe. Sa halip ay dali-dali na kaagad siyang pumasok sa loob ng bahay. Kaagad niyang tinawag ang pangalan nang dalaga. Nang walang tumugon sa kanya ay dali-dali niyang kinapa ang switch nang ilaw at sinindihan iyon.
"Surprise!" ang nakangiting bulalas ng dalaga nang sumambulat ang liwanag. May hawak itong cake na may kandila sa ibabaw. Napamaang siya at hindi niya nagawang magsalita. Lumapit ito sa kanya at ginawaran siya nang isang magaang halik sa pisngi. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at lalong hindi niya nagawang magsalita. "Happy birthday, Lyndon!"
BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomanceNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...