11

3.9K 64 2
                                        

NAPAMAANG si Queenie habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan. There is roasted chicken, a bowl of broccoli slaw, and strawberry mille feuille. Parang hindi siya makapaniwala na si Lyndon ang lahat nang nagprepare niyon. Nang sabihin nito sa kanya kanina na ito ang nagluluto para sa sarili ay iba ang kanyang inaasahan. Ang akala niya ay pulos canned goods at preserved foods lamang ang ibig sabihin nito. Hindi niya akalain na kaya pala nitong magluto nang totoong pagkain. Wala kasi sa hitsura nito ang mahilig magluto o kumain dahil napakafit nito.

"Wow, Lyndon," ang hindi niya napigilang maibulalas sa labis na pagkamangha. "Ikaw ang naghanda nang lahat nang ito?"

Tumango ito sa kanya. "Yeah, I do," ang walang anuman na tugon nito sa kanya pagkatapos.

"Gosh, ang galing." hindi niya naiwasang maikomento. Parang ngayon lang yata siya nakakita nang lalaking magaling magluto gaya nito. Kahit ang kanyang amang si Don Manolo ay hindi niya nakita ni minsan na humawak ng sandok. "Are you a cheft or something?"

"No, but I learned it in cooking school." hindi niya alam kung guni-guni lamang ba niya na nakita niyang lalong lumawig ang lungkot sa mga mata nito na wari ba'y may kaakibat na masakit na alaala ang ipinahayag nito. "But that was a long time ago."

Napatango-tango siya at sinubukan na lamang balewalain ang nabanaag na lungkot sa mga mata nito kahit pa ang totoo ay labis siyang nakaramdam ng concern para dito. He sliced a piece of roasted chicken and put it in her plate. Ilang sandali pa at tahimik na silang kumakain.

"Lyndon, anong pinagkakaabalahan mo?" mayamaya ay tanong niya rito. Masyado na kasing nakabibingi ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. Sa pakiwari nga niya ay parang naririnig na niya ang tibok ng kanyang puso. "Napansin ko kasi na maraming paintings at sculptures dito sa bahay mo, so I assumed, you must be an artist."

"I'm not an artist. I co-owned an architectural and engineering firm here in Manila. I graduated with both degrees in College. Bukod doon, I also invest on some businesses, so you could say that I'm a bit of a businessman, too." walang anuman na muling tugon nito.

Namangha na naman siyang muli rito. Ngayon lang din yata siya nakakita ng lalaking engineer, architect, at businessman pa. Nakakaintimidate ang achievements nang lalaking ito.

"By the way, bukas ay mamimili tayo nang mga damit mo." he told her. "Sa ngayon ay gamitin mo muna ang mga shirts ko."

"O-Okay, sige," tumatangong ipinahayag niya. "Pero wala ka bang trabaho bukas?"

"Pwede naman akong hindi na magpunta ng firm bukas." ang sabi nito sa kanya. "I can just finish my work here in the house." paliwanag nito sa kanya. "At yung tungkol naman sa ibang businesses, may mga tauhan naman ako, they'll just going to update me." ngumiti ito sa kanya. "I can't risk leaving you in your condition."

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Nakaramdam na naman siya nang guilt. Pati ang trabaho nito ay naisasakripisyo nang dahil sa kanya. Hindi niya yata kaya na tumunganga lang habang patuloy na nakikinabang sa lalaki. Nakapagdesisyon na siya. She will find a way to return his kindness. Kailangan niyang masuklian iyon in any possible way.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon