25

3.5K 50 1
                                        

NAGTUNGO sina Queenie at Lyndon sa isang lugar sa Antipolo. There is an elevated place there kung saan maraming puno at tanaw mo ang mga building. May ilang benches na maari kang upuan, food stalls, pero ang pinakagusto niya sa lahat ay kakaunti pa lamang ang taong dumadayo doon. It was such an escape to the heavy traffic and polluted air of Manila. Parang hindi siya makapaniwala na may nag-e-exist pa palang gano'ng lugar sa siyudad. Bumili sila ni Lyndon ng barbeque, soda, at ilan pang street foods bago sila naglatag ng kumot sa damuhan. Papalubog na noon ang araw kaya naman hindi na masyadong mainit at presko na ang simoy ng hangin.

"I couldn't believe there's a place like this in the middle of the city," ang napapabuntong-hiningang ipinahayag niya habang nakaupo sila sa kumot na inilatag nila. Nakaupo sila paharap sa direksyon kung saan palubog ang araw. "Ang ganda rito, Lyndon."

"Yeah, I know," ang sabi nito bago pagkuwan ay nakangiting sumulyap sa kanyang mukha. "But I have a better view here."

Nakita niya sa kanyang peripheral sight na nakatingin ito sa kanya. Alam niyang siya ang tinutukoy nitong "better view" nito. Kinilig siya subalit ginawa niya ang lahat para hindi iyon ipahalata sa binata.

"Sus, sa pagkain ka siguro nakatingin," ang biro niya rito. Natawa ito sa kanyang tinuran. Natawa na rin tuloy siya. Hay, ang sarap lang sa pandinig ng mga halakhak nito. Para iyong magandang musika sa kanyang tenga. "Speaking of pagkain, hindi ko akalain na kumakain ka pala ng street foods?"

"Ha? Oo naman. Bakit hindi?" kumagat ito sa hawak na barbeque. "I would waste a huge percentage of my life kung hindi ko titikman ang mga ito."

"Wow, that's something, Lyndon." ang namamanghang sabi niya rito. "Hindi lahat nang kagaya mong may sinabi sa buhay ay nakakaappreciate nang mga ganitong pagkain."

Nagkibit-balikat lamang ito. Pagkuwan ay muli na nilang itinuon ang kanilang mga paningin sa kalangitan. They both fell silent nang makita nilang nagsisimula nang lumubog ang araw. Napigil niya ang kanyang hininga hindi dahil sa magandang scenario kung hindi dahil sa naramdaman niya ang paglandas ng kamay ni Lyndon sa kanyang kamay. Napangiti siya as she laced her fingers with his. Magkahawak-kamay nilang pinanood ang paglubog ng araw. Ang kaligayahang hindi masabi nang bibig ay masasalamin sa matamis na ngiting nakasilay sa kanilang mga labi. Hindi na kailangan pa nang anumang paliwanag dahil alam nila sa mga sarili nila na iisa ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon