30

3.6K 61 1
                                    

PAPALAPIT pa lamang sa kanyang bahay ay kaagad nang natanaw ni Lyndon ang isang itim na BMW na nakaparada sa harap niyon. Kaagad na binundol nang matinding kaba ang kanyang dibdib. Sa pagkakaalala kasi niya ay iyon din ang sasakyan nang lalaking nakita niyang habol ng tingin ang kanilang sasakyan noong isang gabi. Pinaibis niya ang kotse at ipinarada iyon sa opposite na direksyon para hindi nito matunugan ang kanyang pagdating. Pagkatapos ay nagmamadaling bumaba siya sa kanyang kotse. Kaagad na nagpuyos ang kanyang loob nang makitang kinakaladkad nito si Joy. Dali-dali niya itong nilapitan at inundayan nang isang malakas na suntok sa panga na naging dahilan nang pagkabagsak nito. Samantala, agad niya namang nilapitan ang nabiglang dalaga pagkatapos.

"Joy, okay ka lang?" sinapo niya ito sa mukha at pinalis ang namuong luha sa gilid nang mata nito. Naramdaman niya ang malakas na panginginig nang kamay nito. Dali-dali niya itong kinabig at niyakap. "Huwag kang mag-alala, nandito na ako, okay?"

Sa pagkakataong iyon naman bumangon ang lalaki mula sa pagkakalansag sa kalsada. Pinahid nito ang namuong dugo sa gilid nang bibig at saka nakangising pinagmasdan sila. Kumalas siya sa pagkakayakap sa dalaga at itinago ito sa kanyang likuran.

"Who the hell are you?!" nagngangalit ang bagang na sabi niya rito. "Bakit nanggugulo ka rito?"

Humalakhak ito na parang demonyo. Parang gusto niya ulit itong undayan nang malalakas na suntok. Pagkuwan ay muling sumeryoso ang mukha nito nang muling humarap sa kanya.

"Pare, mag-iingat ka sa mga lumalabas diyan sa bibig mo. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin. Saka, teka nga, di yata't ikaw ang dapat kung tanungin kong sino ka?"

"Stop the crap. Wala akong pakialam kung saang impiyermo ka man nanggaling. Kapag kinanti mo ulit si Joy, hindi ako mangingiming basagin ulit ang panga mo."

"Woah, woah, woah, easy. Sino bang Joy ang sinasabi mo? Wag mong sabihing pati ang ulo mo ay nabilog din nang babaeng iyan?!"

Natigilan siya sa narinig na sinabi nito. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa isa niyang braso. Nang sandaling iyon ay nagkaroon na siya nang hinala na kakilala ito ng dalaga.

"Pare, kung hindi mo pa alam, may malaking atraso sa pamilya namin ang babaeng iyan. Ang papa niya, isinangla sa amin ang rancho at mansion nila, nang dahil sa casino. Nangako siya na magpapakasal sa akin pero kita mo kung anong ginawa, tinakasan ako, pinahiya ako. Kaya kung ako sa'yo, pakawalan mo na yan, bago ka pa niya tuluyang manipulahin!"

"Shut up, Taylor! Wag mong baliktarin ang kwento! Kayo ang siyang nagmanipula sa papa ko!"

Natigilan siya sa narinig na ipinahayag nang dalaga. Nang sandaling iyon ay nakumpirma na niya ang hinala. Totoo ngang wala itong amnesia at may koneksyon ito sa lalaki sa kanyang harapan.

"Oh, kita mo na, pre?" ang sabi nito nito sa kanya. "You see how guilty she is? Alam kasi niyang malaki ang atraso nila sa pamilya ko kaya sinusubukang humanap ng kakampi. Ang mabuti pa, ibigay mo nalang siya sa akin para matapos na ito."

Nang tangkain nitong lapitan si Queenie ay agad niya itong hinarangan. Sa kabila nang mga natuklasan ay wala siyang kabalak-balak na ibigay dito ang dalaga. He already admit to himself na mahal niya ito at gusto niyang sa bibig nito mismo niya marinig kung ano man ang totoo.

"Kung mayro'n mang dapat magpaliwanag sa akin nang lahat ay hindi ikaw iyon. Si Joy iyon. Kaya ang mabuti pa ay umalis ka na dahil wala akong balak na ibigay siya sa'yo."

Nalukot ang mukha nito sa narinig na sinabi niya. Matalim ang titig na ipinukol nito sa kanya bago pagkuwan ay magbuntong-hininga. Nakataas ang dalawang kamay na humakbang ito paatras sa BMW nito.

"O, edi sige, ikaw ang bahala," ang kibit-balikat na sabi nito. Ang akala niya ay talagang aalis na ito. Nagulat siya nang bigla itong pumihit paharap at undayan siya ng suntok sa tiyan. "Itong bagay sa'yo, gago!"

Napaluhod siya sa kalsada. Napasigaw ang dalaga bago nagmamadaling sumaklolo sa kanya. Marahas na sinulyapan nito ang lalaki.

"Taylor, tama na! Itigil mo na ito!" ang galit na galit na sigaw nito sa lalaki. "Umalis ka na!"

Isang matigas na iling ang itinugon nito sa dalaga bago pagkuwan ay muli siyang lapitan at suntukin sa mukha. Hindi siya nagpadaig at kaagad na gumanti rito nang makarecover. Nagpambuno sila at wala namang magawa ang dalaga para maawat sila. Sinuntok niya ito sa tagiliran, sa tiyan, at nang makatiyempo ay muli niyang pinuruhan sa panga. Lumabas ang dugo sa ilong nito at muli itong napasadsad sa may kalsada. Ang akala niya ay hindi na ito makakabangon pa kaya tinalikuran na niya ito. Nagkamali pala siya dahil sa isang iglap ay bigla itong naglabas ng patalim. Bago pa man niya iyon tuluyang mamalayan ay nagawa na nito iyong maitarak sa kanyang likuran. Narinig niya ang sigaw ni Joy bago siya tuluyang matumba.

"Lyndon!" umiiyak na lumapit ito sa kanya. Inangat nito ang kanyang ulo at ipinatong sa mga hita nito. Pagkuwan ay galit na binalingan nito ang lalaki. "Ano, Taylor? Masaya ka na ba ha?! Tandaan mo, kapag may nangyaring masama sa kanya, isinusumpa ko, hindi ako titigil hangga't hindi ka nabubulok sa kulungan!"

Mistulang natigatig naman ang lalaki sa sinabi ng dalaga. Gumuhit ang pangamba sa mukha nito. Kakaba-kabang napaatras ito bago pagkuwan ay mabitawan ang hawak na duguang patalim. Nagmamadali itong sumakay nang BMW nito at pinaharurot iyon palayo.

"Oh, Lyndon," ang lumuluhang sabi sa kanya ng dalaga nang makaalis na ito. Hinaplos nito ang kanyang mukha. "I'm sorry... I'm really sorry." iyon ang huli niyang narinig na sinabi nito bago tuluyang sumara ang kanyang mga mata at dumilim ang buong paligid.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon