5

4.3K 69 2
                                        

NAKATULALA sa kawalan si Queenie habang nakahiga sa kanyang kama. Pasado alas-dos na nang madaling araw pero hindi pa rin siya dinadapuan nang antok. Ang pakiramdam niya ay bibitayin siya kapag sumapit na ang umaga. Kung pwede lang sana niyang pigilin ang pagtakbo nang oras para hindi na sumapit pa ang bukas. Ang araw na pang-habang-buhay na siyang matatali sa halimaw na si Taylor. She can't imagine kung anong magiging buhay niya kasama ito. Ngayon pa nga lang na hindi pa siya nakikakasal dito ay miserable na siya sa piling nito paano pa kaya pag dumating na ang bukas? Nakakasisiguro siyang gagawin lang siya nitong pampalipas oras at display sa mga tao. Parang gusto na lamang niyang uminom nang lason para hindi na mangyari pa ang bagay na iyon. Natigil ang kasalukuyan niyang diwa nang maramdaman niyang bumukas ang pinto nang kanyang silid. Sinindihan niya ang lampshade at nakita niya ang ama mula sa doorway.

"Queenie, hija, magmadali ka!" lumapit ito sa kanya at inilapag sa kama ang isang travelling bag. "Kunin mo ito at pagkatapos ay magbihis ka na."

"P-Po?" Naguguluhan na tanging naibulalas niya. "A-Ano po bang nangyayari, papa?"

Napabuntong-hininga ito nang malalim. Naupo ito sa kanyang tabi. Hinawakan ang magkabila niyang balikat at mataman siyang tinitigan.

"Makinig ka sa akin, Hija. Aaminin kong hindi ko kayang mawala sa akin ang mansion at ang rancho pero mas hindi ko kayang makitang makasal ka sa bastos at walang modong lalaking iyon." Nangilid ang luha sa mga mata nito. "Ikaw ang nag-iisang anak namin nang mama mo at mahal na mahal ka namin. We even named you Queenie dahil para sa amin ay isa kang reyna. Hinding-hindi ko mapapayagan na sasamatalahin ka lang nang lalaking iyon." Hinaplos nito ang kanyang pisngi at saka ngumiti sa kanya. "Tumakas ka na habang may oras pa. Naibilin na kita kay Mang Celso. Siya na ang bahalang maghatid sa'yo sa istasyon nang bus papuntang Maynila."

"P-Papa naman! Ano bang sinasabi ninyo?! Hindi ko kayo kayang iwan mag-isa." Hindi niya na rin napigilan ang hindi maging emosyonal. "Pwede naman po akong hindi umalis, eh. Kausapin nalang natin sila. Sabihin natin na umuurong na tayo sa kasunduan."

"Hindi mo kilala ang mga Jacobs, anak. Nakakasisiguro akong kahit na ibigay ko pa sa kanila ang rancho at ang mansion ay hindi ka pa rin lulubayan nang Taylor na iyon. Mas makabubuti kung lalayo ka na muna."

"P-Pero papa..." kahihimigan nang pagtutol ang kanyang garalgal na tinig. "P-Paano ka?"

"Huwag mo akong intindihin, anak. Kaya ko ang sarili. Ang mahalaga ay ang kaligtasan mo." Hindi na nito napigilan ang hindi mapaluha. "Hindi ka na dapat nadamay dito, anak. Hayaan mong ako ang lumutas sa problemang ako ang lumikha."

"Oh, papa!" Hindi na niya napigilan ang sariling yumakap dito at umiyak sa mga balikat nito. "I'll miss you..."

"I'll miss you too, anak. Don't worry, you'll be just fine. Nag-iwan ako diyan sa travelling bag mo nang sapat na halagang magagamit mo sa pagluwas mo sa Maynila." wika nito na niyakap siya nang mahigpit. "Mag-iingat ka sana, anak. Tandaan mong kahit sa Maynila ay may mata ang mga Jacobs. Hangga't maaari ay itago mo ang pagkakakilanlan mo at huwag na huwag kang babalik ng rancho hanggang walang abiso mula sa akin."

"Opo, gagawin ko po ang bilin ninyo, papa." ang umiiyak pa ring tugon niya rito. "Mag-iingat rin po sana kayo."

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon