29

3.5K 60 1
                                    

NAKATALUNGKO sa may pool side si Queenie habang nakatingin sa malayong dako. Pagkatapos nang nangyari kagabi ay hindi na siya magtataka kung maghinala sa kanya si Lyndon. She was thinking of telling him the truth tutal ay wala naman na talaga siyang dahilan para manatili pa doon. Kung totoong nakuha na ng mga Jacobs ang rancho at ang mansion ay wala naman na sigurong dahilan pa si Taylor para habulin siya. She could go and leave para hanapin ang kanyang ama. Kung saan siya magsisimula sa paghahanap dito ay hindi niya pa alam. Maaari siguro siyang bumalik sa Batanggas para puntahan ang ilang trabahador nila at ipagtanong ito sa mga ito. Naisip niyang ibenta ang mga damit na ipinamili sa kanya ni Lyndon. Ang mapagbibilhan ay siyang gagamitin niya panluwas. Pero naisip niya, hindi pala magiging gano'n kadali ang lahat, lalo pa't natutunan na niyang mahalin ang lalaki. Iniisip niya palang na iiwan at lalayo na siya dito ay parang naninikip na ang kanyang dibdib. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin ngayon.

Naputol ang kasalukuyang diwa niya nang marinig niyang tumunog ang doorbell sa may labas. Kaagad na lumukso ang kanyang puso nang maisip na baka bumalik na ang binata. Sa kabila nang dilemma na pinagdadaanan ay hindi pa rin niya maalis ang manabik dito lalo pa ngayong alam niya na hindi magtatagal ay kailangan na niyang iwanan ito. Nagmamadaling tumindig na siya mula sa pool side at nagtungo sa may gate. Napalitan nang panghihilakbot ang pananabik na nararamdaman niya nang pagkabukas niya doon ay hindi ang binata ang bumungad sa kanya kung hindi si Taylor. Pinag-angatan siya nito ng mukha at isang malademonyong ngiti ang isinalubong sa kanya.

"Kamusta ka na, Queenie?" mataman nitong tinitigan ang kanyang mukha. "Long time no see."

Napaatras siya mula sa kinatatayuan at bago pa man tuluyang makapasok sa loob ang lalaki ay tinangka niyang isara muli ang gate. Sa kasamaang palad ay mabilis na naitulak nito iyon. She attempt to run instead pero nagawa ring maabot nito ang isa niyang braso.

"Where do you think you're going, Queenie?" mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Ang akala mo ba ay hahayaan pa kitang makatakas ngayon ha?!"

"Hayop ka, Taylor! Bitiwan mo ako!" pilit siyang nagpumiglas subalit malakas talaga ang lalaki. "Ano pa bang kailangan mo sa akin?! Hindi ba't nagtagumpay na kayong makuha ang rancho at mansion namin?!"

"Aba at nakarating na pala sa'yo ang balita. Oo tama ka, isinuko na nga sa amin nang walang isang salita mong ama ang mansion at ang rancho. Ginawa niya iyon sa mismong araw nang kasal natin kung saan bigla ka nalang nawala na parang bula." tumalim ang pagkakatitig nito sa kanya. "Alam kong pinagplanuhan n'yo iyon, Queenie! Ginawa n'yo iyon para mapahiya ako sa buong Batanggas. A Jacob like me doesn't deserved that kind of bullshit, Queenie!"

"You're being unreasonable, Taylor! Hindi ba't kayo ang siyang nanggipit sa aking ama?! Inangkin n'yo ang rancho at ang mansion na pinaghirapan namin. Pagkatapos ano? You're gonna asked my hand in payment of our own land?! I don't deserved that kind of bullshit, too!"

"Aba at marunong ka nang sumagot ngayon!" dinaklot nito ang kanyang buhok at mahigpit na hinawakan iyon dahilan para tumiklop ang kanyang batok. "Sinong ipinagmamalaki mo, Queenie Joy?! Yung lalaking nakita kong kasama mo sa kotse noong isang gabi?" malademonyong napangisi ito. "Ang akala mo siguro ay matatakasan mo ako nang gano'n-gano'n nalang. Naghanap lang ako ng tiyempo para masundan kayo, at ngayon, heto na." hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Ang tagal kitang hinanap, Queenie. Akalain mong dito pa pala sa Maynila magsasanga ang landas natin. At ngayong nakita na kita, sisigurado ko, kahit ang loverboy mo, walang magagawa!"

"H'wag mong madamay-damay si Lyndon dito Taylor! Wala siyang kasalanan dito. Kung gusto mong gumati, ako nalang ang gantihan mo, ako naman ang may atraso sa'yo di ba?!"

"Aww, sweet. Parang wala yata akong natatandaang naging ganyan ka sa akin, Queenie? Talaga bang ipinagpalit mo na ako sa lalaking iyon ha?!" pinagsisiil siya nito nang halik sa mukha at sa kanyang leeg. Pumiksi siya at pinagsusuntok ito pero wala siyang nagawa. Nang tangkain niyang sumigaw ay mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig. "Shhh, easy. H'wag kang mag-alala dahil wala naman talaga akong pakialam sa lalaki mo, eh. Nandito lang ako para kunin ang para sa akin."

Sapilitang hinila siya nito palabas ng gate. Nakita niya ang nakaparadang BMW nito sa labas. Tinangka siyang isakay nito doon subalit bago pa man ito magtagumpay sa masamang balak ay isang kamao na ang tumama sa panga nito. Nawalan ito nang balanse at napasadsad sa may kalsada. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para makawala sa pagkakahawak nito. Nang mag-angat siya nang tingin ay nakita niya si Lyndon. Nagpupuyos sa galit ang mata nito habang nakatingin kay Taylor.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon