17

3.6K 60 1
                                    

BINALIKAN ni Queenie ang mga halaman sa harap ng bahay ni Lyndon pagkatapos nilang kumain ng agahan. Ang binata naman ay nagpaalam sa kanyang gagawa ng blue print sa kwarto nito. Nilinis niya ang mga kalat na iniwan niya doon kanina at muling ipinagpatuloy ang pagtatabas sa iba pang mga halaman. Pakanta-kanta pa siya habang ginagawa niya iyon. She always loved the plants, pero nang mga sandaling iyon, hindi niya alam kung ang mga iyon ba ang dahilan nang kasiyahang nararamdaman niya o si Lyndon. Natigilan siya at sandaling sinuri ang sarili. Iilang araw pa lamang silang nagkakasama nito pero parang agad na siyang naging emotionally attached dito. May mga damdamin siyang nararamdaman para dito na hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya nararamdaman.

Naputol ang kasalukuyang diwa niya nang biglang kumulimlim ang langit at pumatak ang ulan. Dali-dali niyang pinulot ang mga nakakalat na dahon at isininop ang mga ginamit bago siya sumilong sa may veranda. Kapagkuwan ay mayro'ng isang ideyang pumasok sa kanyang isip. Bumaba ulit siya at sinalubong ang noo'y malalaki nang patak ng ulan. Noong nasa rancho pa siya, kahit binabawalan nang ama, madalas siyang maligo sa ulan kasama ang mga ilang tauhan nilang babae na kaedaran niya. She loved the feeling of drippling rain against her skin, it soothes her inside and out, and gave her a sense of freedom. Pakiramdam niya ay parang bumabalik siya sa kanyang pagkabata where life's not complicated, wala siyang problemang kailangang isipin, basta't masaya lang siya.

Ipinikit niya ang mga mata bago siya tumingala sa langit, and as the rain lands down on her face, ibinuka niya ang mga kamay at nagpaikot-ikot. The tip of her dress is swaying gracefully against the wind. Sa gayong tagpo naman siya inabutan ni Lyndon na agad lumabas para hanapin siya nang maramdaman ang pagbagsak ng ulan. Natigilan ito nang makita siya at sandaling napigil ang hininga. Para itong namamalikmata sa pagkakatitig sa kanya na wari'y nakakita ng isang diwata sa mismong bakuran. Nang makahuma ay inilagay nito ang kamay sa tapat nang puso. Ang bilis-bilis nang tibok niyon. He never felt that way magmula nang mamatay ang kaisa-isang babaeng minahal niya. Ngayon nalang ulit.

"Lyndon!" ang naibulalas ni Queenie nang makita itong nagmamasid mula sa veranda. Napakurap-kurap ito na mistulang noon lamang natauhan. Nagmamadaling lumapit siya rito pagkatapos. "I am having the time of my life here. Ang sarap sa balat ng ulan. You wanna try it?"

Pinakawalan nito ang pinipigilang hininga. "N-Naku, Joy. Malamig ang tubig-ulan. Baka magkasakit ka niyan. Halika, pumasok ka na rito sa loob." he extend his hands, ready to pull her.

"Sus, hindi iyan, Lyndon. Minsan lang naman. Halika na," inabot niya ang kamay nito at sa halip ay siya ang humila doon. Wala itong nagawa nang tuluyan na itong maexposed sa tubig-ulan. He looked at her, shocked and amazed at the same time, ngunit ngitian niya lang ito. "We only lived once, Lyndon. Kaya dapat we should live our life to the fullest. We should not let fear or worries limit us from having little fun."

Pagkasabi niyon ay tuluyan na niya itong kinayag sa gitna nang ulan. Hinawakan niya ang kamay nito bago niya muling isara ang mga mata at tumingala sa langit. Napangiti siya while Lyndon just looked at her intently. Ilang sandali pa at tuluyan na ring sumilay sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti. Hindi alam ng huli kung ano ang kakaibang damdaming biglang bumalot sa kanyang puso habang pinagmamasdan niya ang ngiti sa mukha ng dalaga. He felt like he was seeing the sun for the first time as he stare at her. It was intense, passionate, and wonderful. Hindi niya tuloy maiwasang maitanong sa sarili kung ano ba ang ginawa nito sa kanya at nagkakagayon siya. God, ano nga ba?

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon