PINALIS ni Queenie ang luha sa magkabilang mata gamit ang likod ng kanyang mga kamay. Kahit na sinabi nang doktor na wala na siyang dapat ipag-alala dahil nasa mabuting kalagayan na si Lyndon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi maiyak. Kasalanan niya kung bakit nalagay sa alanganin ang buhay nito. Dapat sa umpisa pa lamang ay inamin na niya rito ang totoo at hindi na siya nagpanggap na may amnesia. Hindi niya dapat ginulo ang tahimik nitong buhay. Hindi niya dapat ito dinamay sa gulong kinasasangkutan niya. Ang dami-dami niyang pagkakamaling nagawa at hindi niya alam kung paano itatama ang lahat nang iyon. But perhaps, she could start with the thing na matagal na dapat niyang ginawa, ang tuluyan nang lumayo rito.
Kanina habang inooperahan ito ay nagpunta siya sa Chapel. Hiniling niya sa Diyos na iligtas ang buhay ng binata sa kapahamakan. Kapalit niyon ay nangako siya na magpapakalayo-layo na nang tuluyan. Mahal niya ang binata at nararamdaman niyang mahal din siya nito but she can't be selfish this time. Alam niyang kailangan siya nang ama sa mga sandaling iyon. Nawala na rito ang rancho at ang mansion. Tanging siya na lamang ang natitirang yaman nito. Kailangan niya itong balikan at tulungang bumangon. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil dininig nito ang kanyang mga panalangin. Ngayong alam niyang nasa ligtas na kalagayan na ito ay mapapanatag na ang kanyang loob sa kanyang paglayo.
Kagaya nang naunang plano, mabigat man sa loob, ibinenta niya ang mga pinamili nitong damit sa kanya para may maipambili ng ticket papuntang Batanggas. Nag-iwan lamang siya nang isang pares ng damit na siyang suot niya ngayon. Gusto niya sanang hintayin na magising ito subalit alam niyang pipigilan lamang siya nito. Kaya naman sa halip ay naisipan niyang mag-iwan na lamang nang isang liham dito. Ipinaliwanag niya sa liham na iyon ang lahat at doon na rin siya nanghingi nang tawad dito. Iniwan niya iyon sa side table malapit sa kama nito para sa oras na magising ito ay agad nito iyong makikita.
"Oh, Lyndon. Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin ito. I wish I could stay pero kailangan ko nang bumalik. I have to find papa. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, lalo pa ngayon, nawala na sa amin ang rancho at ang mansion." nangingilid ang luhang sabi niya bago marahang haplusin ang mukha nito. "Kapag nagising ka na, at nabasa mo na ang iniwan kong sulat, sana 'y wag mo kong kamuhian. Sana maintindihan mo kung bakit ko nagawa yun. I love you so much," yumukod siya at dinampian nang masuyong halik ang mga labi nito. "Bye... Lyndon."
Pagkasabi niyon ay nagmamadaling tinalikuran na niya ito. Tinalunton niya ang daan patungo sa pinto subalit pagdating doon ay parang ayaw nang gumalaw ng kanyang mga paa. Pumikit siya nang mariin saka humugot nang isang malalim na hininga. Nang magmulat nang paningin ay lumuluhang pinagmasdan niya ito sa kahuli-hulihang pagkakataon bago malalaki ang hakbang na lumabas ng pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/200402454-288-k427831.jpg)
BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomantizmNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...