23

3.6K 62 1
                                    

PINANOOD ni Lyndon ang dalaga habang sinisindihan nito ang kandila sa ibabaw ng cake na ginawa nito para sa kanya. Sa tagal niyang hindi nagcecelebrate ng kanyang kaarawan ay parang hindi siya makapaniwala na may isang tao pang mag-e-effort para lang kahit papaano ay iparamdam sa kanyang epesyal siya. Up to now, he was still so mesmerized by her, at hindi niya alam kung ano ang eksaktong sasabihin rito. Kinantahan siya nito nang happy birthday when the candle lits up. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang pigil-hiningang mapatitig rito.

"Blow the candle, but be sure to make a wish, okay?" ang nakangiti pang bilin nito sa kanya pagkatapos.

Pumikit siya at inilapit ang bibig sa apoy ng kandila. Sa kung anong kadahilanan ay lihim niyang nahiling na sana kailanman ay hindi na mawala pa sa kanyang tabi ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan. He knows he's been selfish dahil maaaring may pamilyang naghihintay at naghahanap dito pero anong magagawa niya. Ang alam niya'y ang bagay lang na iyon ang gusto niyang makamit nang mga sandaling iyon.

"Yey!" ang pumapalakpak na sabi nito habang maluwang na nakangiti sa kanya. Hindi niya na rin naiwasan ang hindi mapangiti. She's such a sweetheart. May kakayahan itong pagaanin ang lahat nang bagay sa pamamagitan lamang nang matamis na ngiti nito. Parang biglang nawala ang lahat nang pagod na nararamdaman niya. It's strange but it feels like he suddenly found a reason to celebrate his birthday again. "Happy birthday ulit, Lyndon."

Nagvolunteer ito na hiwain ang cake pagkatapos. Nilagyan nito ng isang slice ang kanyang platito at gayundin naman ang ginawa nito sa sariling platito. Pagkatapos ay muli na itong bumalik sa upuan at sabay nilang tinikman ang naturang cake.

"Wow, this is so good, Joy" ang di niya naiwasang maikomento pagkatapos. "You have a talent in baking."

"Sus, bola," ang nakatawang sabi nito kahit pa may pakiramdam siyang alam nitong seryoso siya sa kanyang sinabi. Napansin niya kasing namula ang magkabilang pisngi nito. Pagkuwan ay napatitig ito sa kanyang mukha. "Ay, wait, may naiwan na icing sa gilid ng labi mo."

Dinampot nito ang table napkin sa ibabaw ng mesa at walang babalang idinampi sa gilid ng kanyang labi. Nanggigilalas na napatitig siya rito, at sa hindi inaasahang pagkakataon, aksidenteng napatitig rin ito sa kanya. Napahinto ito sa ginagawa at kapwa nila napigilan ang mga hininga as they stared to each other. Ilang sandali silang nanatiling nagtititigan lamang bago bumaba ang kanilang mga paningin sa kani-kanilang mga labi. He was once again tempted to kiss her lips subalit bago pa man niya tuluyang hindi mapigilan ang sarili ay dali-dali na itong dumistansiya sa kanya. Kapwa sila nawalan nang kibo habang sinusubukan nilang kalmahin ang mga nagwawalang mga puso.

"A-Ahm, y-yung front door, n-naiwan yatang bukas," mayamaya ay pautal-utal na sabi nito. "I-Isasara ko lang,"

Pagkasabi niyon ay tumindig ito at nagmamadaling lumabas ng dining area. Natutuliro pa rin na ihinatid na lamang niya ito nang tanaw palayo. God, he couldn't possibly in love with this woman.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon