NAKATAYO sa harapan nang bintanang kahoy si Queenie kung saan tanaw ang lupaing kinatitirikan ng kanilang mansion at nang rancho. Nang makabalik sa Batanggas ay nagtungo kaagad siya sa isang dati nilang trabahador at nakumpirma niya rito na hindi na nga sila ang nagmamay-ari ng mga ito. Ipinagtanong niya ang kanyang ama at itinuro siya nito sa isang rest house malapit lamang din sa naturang lupain. Ang sabi nito'y doon daw nag-alsa-balutan ang ama matapos ipagtabuyan nang mga Jacobs. Naging madamdamin ang muli nilang pagkikita ng ama. Nag-alala ito nang labis sa kanya nang hindi siya magparamdam magmula nang lumuwas siya nang Maynila. Ipinaliwanag niya rito ang lahat nang nangyari, magmula sa pagkakanakaw ng kanyang bag, hanggang sa pagpapanggap na may amnesia para lamang may kumupkop sa kanya doon. Paulit-ulit itong nanghingi nang tawad sa kanya na kailangan niyang danasin ang bagay na iyon. Nanghingi rin ito nang tawad sa kanya dahil wala itong nagawa para maisalba ang rancho pati na rin ang kanilang mansion.
Nagawa na niyang mapatawad ang ama sa mga pagkakamaling nagawa nito. Wala na rin namang mangyayari kung patuloy siyang magmamatigas. Ang mahalaga ngayon para sa kanya ay magkasama sila nito. Mayro'n pa naman silang natirang pera sa bangko. Nagpaplano siyang magtayo nang isang panibagong negosyo. Ang kikitain niyon ay kanyang iipunin para makuha ulit sa mga Jacobs ang kanilang rancho at ang mansion. Alam niyang hindi na iyon magiging mahirap sa ngayon dahil nabalitaan niyang unti-unti nang bumabagsak ang mga Jacobs. Isa kasing dating empleyado nang mga ito ang lakas-loob na nagtip sa hepe ng PNP sa Maynila tungkol sa mga illegal na casino at pasugalan nang mga ito. Nagsagawa ng raid ang mga ito sa naturang mga pasugalan at sa pagkakataong iyon ay wala nang nagawa ang pera nang mga ito dahil tuluyan na iyong napasara. Pati ang ibang negosyo nang mga ito ay naapektuhan din nang dahil sa sunod-sunod na balitang lumabas ukol sa mga illegal na gawain ng pamilya nito.
Samantala, ang kinamumuhian naman niyang si Taylor ay nabalitaan niyang nasangkot sa isang riot. Inaresto ito at ang mga kasama at ayon sa isang masusing imbestigasyon ay nagpositibo ang mga ito sa paggamit ng marijuana. Sinampahan ito nang patong-patong na kaso at mukhang malabo nang makalabas ng kulungan. Maski kasi ang korte suprema ay ibinasura ang bail request ng ama nito. Nagpapasalamat siya na kahit hindi ito naparusahan sa ginawa nitong pananakit kay Lyndon ay ang Diyos na rin ang gumawa ng paraan para mabulok ito sa bilangguan. Sa wakas ay mapapanatag na rin ang kanyang kalooban na hindi na sila kakantiin nito. Pakiramdam ni Queenie ay umaayon na sa kanila ang kapalaran ngayon at ang dating maiitim na ulap na nagdala ng bagyo sa kanilang buhay ay unti-unti nang nahahawi ngayon. Iisa na nga lang gumugulo sa kanyang isipan sa kasalukuyan, at iyon ay walang iba kundi si Lyndon, ang lalaking minamahal.
Magmula nang iwanan niya ito habang nakaratay ito sa hospital ay hindi na ito nawala sa kanyang isip. Sa paggising sa umaga at pagtulog sa gabi ay ito lamang ang laman ng kanyang isip. Gusto niya itong makita, makasama, at makausap. Kung pwede lang ay liliparin niya ang Maynila para mangyari lamang ang mga bagay na iyon. Ang tanging pumipigil lamang sa kanya ay ang posibilidad na maaring hindi na siya nito tanggapin. Alam niyang maaring nagtanim ito ng galit sa kanya nang dahil sa panlolokong nagawa niya rito. Natatakot siyang nang dahil doon ay baka tuluyan nang isara nang lalaki ang puso para sa kanya. Kung magkagayon man, mahirap man, pipilitin niya iyong lunukin nang buong-buo. Nakagawa siya nang isang malaking kasalanan dito, at marahil, iyon na ang kanyang kaparusahan.
Naputol ang kanyang diwa nang biglang tumunog ang door bell sa labas ng rest house. Napatingin siya sa orasang nakasabit sa kahoy na dingding nang bahay. Kakaalis lamang ng kanyang ama para makipag-usap sa mga posibleng investors sa pinaplano nilang negosyo kaya imposibleng nakabalik na ito agad. Nagmamadaling bumaba siya nang hagdan at lumabas ng bahay. Wala siyang naabutang tao doon pero may nakita siyang isang brown envelope na nakalapag sa may bukana ng gate. Nakakunot ang noong nilapitan niya iyon at saka dinampot. Nagpalinga-linga siya nang kaliwa't-kanan subalit wala talaga siyang nakitang tao. Nag-aalangang binuksan niya iyon at gayon na lamang ang panggigilalas niya nang matuklasang titulo ng rancho at mansion at iba pang kasulatan ng mga nabanggit ang laman niyon. Natutop niya ang sariling bibig sa pagkabigla. Sino ang maaaring mag-iwan niyon doon?

BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomanceNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...