7

4K 64 1
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Lyndon habang pinagmamasdan ang babaeng aksidente niyang nabangga. Sa hindi kasi malamang dahilan ay bigla-bigla na lamang itong tumawid nang kalsada. Sinubukan niya itong iwasan subalit huli na ang lahat. Nadaplisan niya ito sa tagiliran at tumama ang ulo sa bumper ng kanyang kotse. Nagtamo ito ng head injury na ayon sa doktor ay hindi naman daw masyadong malala. Nagpapasalamat siya na bukod doon at sa ilang galos ay wala naman na itong ibang injury na tinamo. Sa kasalukuyan ay wala na raw sa peligro at nasa maayos na ang kalagayan nito.

The girl is petite with a slim body type and white caucasian skin. Mahaba ang itim na itim na buhok nito pati na rin ang pilik mata nito na pinaresan pa nang mapupungay na mga mata. Matangos ang ilong nito na wari'y may lahing espanyol at makikipot ang mapupulang labi. She has a small oval-shaped face which makes her both cute and beautiful. Sa kanyang palagay nasa mid-twenties pa lamang ito. He was already stunned sa unang pagsulyap pa lamang dito.

Nagtataka siya pagkat hindi naman siya karaniwang namemesmerized sa isang babae. Sa katunayan nga ay iisang babae pa lamang ang bumihag kanyang paningin sa buong buhay niya. Ang babaeng ito ang maituturing niyang pangalawa. Napakurap siya sa pagkakatitig dito nang makarinig nang ilang mararahang katok mula sa pintuan. Nang lumingon siya ay nakita niya si Doktor Palma. Ang middle-aged na doktor na siyang tumingin sa dalaga. Dali-dali naman siyang tumindig at lumapit dito.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon