1

11.7K 108 1
                                    

NAKANGITING pinagmasdan ni Queenie ang kabuan ng Rancho De la Vega mula sa bintana ng kanyang silid. Nakasanayan na niyang gawin iyon sa paggising niya tuwing umaga. Pakiramdam kasi niya ay nabubuo ng luntiang tanawin at sariwang hangin ang kanyang araw. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig niya ang tinig ni Manang Rosalia.

"Queenie, hija." kinatok nito ang pinto ng kanyang silid. "Bumaba ka na at nakahanda na ang breakfast."

Napalingon siya sa may pintuan. "Susunod na po ako, Manang Rosalia." aniyang isinara na muli ang bintana ng kanyang silid.

Pagkababa ay naabutan niya ang amang si Don Manolo De la Vega sa harap ng dining table. Nakatutok ang paningin nito sa hawak na broadsheet subalit mukhang wala naman doon ang isip nito. Kilalang masiyahin ang kanyang ama subalit nitong mga nakaraang linggo ay napapansin niyang parang balisa ito at may malalim na iniisip. Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala sa kalagayan ng ama.

"Good morning, papa." humalik siya sa pisngi nito bago humila ng upuan sa tabi nito.

Ibinaba nito ang hawak na broadsheet. "Good morning, hija." Pinilit nito ang ngumiti sa kanya.

Bumakas lalo ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Pa, okay ka lang ba?" ang hindi na niya naiwasang itanong rito.

"H-ha?" napalunok ito na halatang nabigla sa kanyang tinuran. "O-Oo naman, hija, okay lang ako."

"Sigurado po ba kayo?" ang hindi pa rin kumbinsidong tanong niya muli rito. "Napapansin ko po kasing parang may malalim kayong iniisip nitong mga nakaraang linggo."

"A-Ano, hija, kasi..." parang may kung ano itong gustong sabihin sa kanya ngunit sa huli ay napabuntong-hininga na lamang. "Nevermind. Ganito lang siguro talaga kapag tumatanda. Nagiging palaisip." pinilit nitong pasiglahin ang ekspresyon. "Siya nga pala, pupunta ka ba sa orchid garden ngayon?" di kalaunan ay pagbabago na nito ng usapan.

"Opo, papa." gumuhit ang excitement sa kanyang mukha nang mabanggit nito ang tungkol sa orchid garden. "Isasama ko po si Verna." pagtukoy niya sa dalagitang anak ni Manang Rosalia.

"Pasensya na kung hindi ako makakasama. Marami pa kasi akong kailangang asikasuhin dito sa rancho. Mag-enjoy nalang kayo ni Verna."

Hindi matukoy ni Queenie kung bakit kakaiba ang lambong sa mata ng ama. Kahit na sinabi nitong okay lang ito ay parang may kung ano talaga itong iniinda. Pinili na lamang niyang huwag magkomento kahit na ang totoo ay mas lalo lamang lumawig ang pag-alala niya para rito.

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon