27

3.4K 54 1
                                    

PABALIKWAS na napabangon si Queenie mula sa kamang hinihigan. Habol ang kanyang hininga na napatitig siya sa isang sulok nang kanyang kwarto. Nanginginig ang kanyang mga kamay at pawis na pawis ang kanyang mukha. Dala na rin marahil nang labis na pag-iisip ay napanaginipan niya ang kanyang ama. She saw that he was being tortured by Taylor and his gang. Kung ilang beses niya itong nakitang nilatigo, pinaso ng sigarilyo sa katawan, habang nakatali ang kapwa mga paa at kamay. Pinipilit daw paaminin ng mga ito ang kanyang ama kung nasaan na siya.

Nang dahil doon ay mas lalo tuloy lumawig ang pag-aalalang nararamdaman niya para sa ama. She close her eyes and pray so hard na sana ay nasa ligtas itong kalagayan. Pagkatapos ay sinubukan niya ulit bumalik sa pagtulog subalit hindi na ulit siya dinapuan nang antok. Ilang oras siyang nagbiling-baliktad sa kanyang kama bago niya naisipang bumangon nang tuluyan at lumabas ng kanyang kwarto. Hindi siya mapapakali hangga't hindi nalalaman ang kalagayan ng ama sa rancho. Pilit niyang inalala ang telephone number sa mansyon at nang magtagumpay ay dali-dali siyang bumaba. Tinungo niya ang telephone stand at idinayal ang naturang numero.

Pigil ang hiningang hinintay niya iyong magring. Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay magring iyon makalipas ang ilang sandali. Nakaramdam siya nang relief nang matuklasan na active pa rin ang telephone services sa kanilang mansion. Hindi nga lang siya sigurado kung si Manang Rosalia pa rin ang sasagot sa kanyang tawag. Kung nagtagumpay kasi ang mga Jacobs na makuha ang rancho at ang mansion ay malamang na pinalayas na ng mga ito ang matanda pati na rin ang iba pang mga trabahador nila.

"Hello," mayamaya ay bungad nang isang tinig. Bagaman babae at halatang matanda na rin ang sumagot sa kanyang tawag ay nakakasisiguro siyang hindi iyon si Manang Rosalia. Para siyang pinagbagsakan nang langit at lupa sa realization na iyon. "Hello, sino ito?"

Hindi na niya nagawa pang tugunin ito dahil parang bigla nang nanlambot ang kanyang mga tuhod. Sa halip ay nanghihinang ibinalik na niya ang telepono sa receiver. Hindi si Manang Rosalia ang sumagot sa kanyang tawag. Ang ibig sabihin lang ay maaaring tama ang kanyang hinalang nakuha na nga ng mga Jacobs ang rancho at ang mansion. Nangilid ang kanyang mga luha at ilang sandali pa ay tuluyan nang bumagsak ang mga iyon mula sa kanyang mata. Nanininikip ang kanyang dibdib sa labis na pagkamuhing nararamdaman para sa mga Jacobs. She covered her mouth with her hand sa pag-aalalang baka maulinigan ni Lyndon ang kanyang mga hikbi subalit huli na pala siya. Nakita niya itong nakatayo sa may punong hagdan.

"Joy?" itinapat nito sa kanyang direksyon ang hawak na flashlight. Nang masiguradong siya nga ang nakatayo malapit sa telephone stand ay dali-dali itong humakbang palapit sa kanya. Gumuhit ang labis na pag-aalala sa mukha nito nang maaninag ang luha sa kanyang mga mata. "Hey, bakit?"

Ilang sandaling nanatiling nakatitig lamang siya dito bago pagkuwan ay umiiling na yumakap siya rito. Sumandal siya sa balikat nito at doon umiyak nang umiyak. She felt so lost at alam niyang wala siyang ibang maaaring takbuhan nang mga sandaling iyon kung hindi ito lang. When he returned her embrace, pakiramdam ni Queenie, she's very much safe. Ang lahat nang takot, pag-aalinlangan, at pangambang nararamdaman niya ay parang sandali niyang nalimutan.

"Sshh, tahan na, okay?" marahan nitong tinapik-tapik ang kanyang likod at naghatid iyon nang isang hindi maipaliwanag na comfort sa kanya. "Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, kung natatakot ka man, be still kasi nandito lang ako." kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kamay. "Hindi kita iiwan, okay?"

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon