14

3.9K 62 1
                                    

NAPAGPASYAHAN ni Queenie na isuot na ang isang pares ng damit na pinamili niya para naman hindi alangan ang kanyang porma. Sa kawalan kasi nang maisusuot ay ang maluwang na T-shirt ni Lyndon ang ginamit niya. Bukod sa mga damit at footwear ay bumili na rin siya nang underwears na magagamit niya. Paglabas niya ng fitting room ay lumapit sa kanya ang sales representative at inabot sa kanya ang mga pinamili. Nabayaran na raw iyong lahat ni Lyndon. Nagpasalamat siya rito at lumabas na nang naturang shop. Ang binata kaagad ang unang hinanap ng kanyang paningin.

"Lyndon!" ang nakangiting tawag niya rito nang mamataan ito mula sa di kalayuan. Napatingin ito sa kanya at natigilan nang makita ang kanyang anyo. Nag-init na naman ang kanyang mga pisngi ngunit sinubukan niyang balewalain iyon. Nagmamadaling lumapit na siya rito. "Ang akala ko ay iniwan mo na ako."

"Oh, I'm sorry, may tiningnan lang ako." wika nito saka muli siyang pinagmasdan. "You look beautiful in that dress."

Gumapang ang kilig sa kanyang sistema nang dahil sa papuring iyon. Parang gusto niyang tumili ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Sa huli ay kiming ngumiti na lamang siya rito.

"Salamat," ang nagawa niyang itugon rito sa kabila nang pinipigilang kilig. "Ahm, uuwi na ba tayo?"

"Nope, dito na tayo maglunch." ang sabi nito sa kanya. "Halika, may alam akong Japanese restaurant."

Nakaramdam siya nang panghihinayang nang magpatiuna itong maglakad sa kanya. Marahil ay nailang na rin itong hawakan ang kanyang kamay pagkatapos silang punain ng sales representative kanina. Nacarried-away lang din siguro ito kaya nanatili itong nakahawak sa kanyang kamay habang naglalakad sila. Napalabi siya. Hindi niya alam kung bakit nabibitter siya sa ideya na iyon. Mabibigat ang mga hakbang na sumunod siya rito.

"The food here is really good," wika nito pagkarating nila sa sinasabi nitong Japanese restaurant. "Regular customers kami dito ni – "

Nangunot ang kanyang noo nang matigilan ito sa dapat sana'y sasabihin. Nakita niyang biglang naging seryoso ang mukha nito. Muling nanumbalik ang lungkot sa mga mata nito.

"Ahm, Lyndon, okay ka lang ba?" ang hindi na niya napigilang itanong sa binata.

"Y-Yeah, sorry," ang mukhang distracted pa rin na tugon nito sa kanya. "I was going to say, regular customers kami dito ng fiancé ko,"

Para siyang pinagbagsakan nang langit at lupa sa narinig. Ang unang pumasok kaagad sa kanyang isip ay ang babaeng nakita niya sa larawan kagabi. Nakasisiguro siyang ito ang tinutukoy na fiancé nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya nang kirot sa kanyang dibdib. Parang may maliliit na karayom na tumutusok doon.

"F-Fiance," halos hindi lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. "M-May fiance ka na pala,"

"I do," napabuntong-hininga ito. "But she was dead," Lalong lumawig ang lungkot at hinanakit sa mga mata nito. "She got involved in a car accident five years ago."

Nagulantang siya sa mga naging revelation nito. Nang sandali lamang na iyon niya napagtagni-tagni ang mga pangyayari. Kaya naman pala gano'n nalang kalawig ang lungkot na bumabalot sa mga mata nito. He's still thinking of her after all those years. Marahil ay mahal pa rin niya ito. Bumalik ang paninikip ng kanyang dibdib.

"I'm sorry," hinging-paumanhin niya rito nang makahuma. "I shouldn't asked you about her."

"No, it's okay." pinilit nitong ngumiti sa kanya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. "It's been five years, anyway."

Napalitan nang lambong ang kanyang mga paningin. "You sound like you really loved her," ang hindi niya naiwasang maikomento rito.

"I do. Irish is my life. I don't believe in love at first sight, pero nang unang beses ko siyang makita sa cooking school kung saan siya nagtuturo, napatunayan kong totoo pala ang kasabihan na iyon." Napangiti ito na wari'y muling binabalikan ang masasayang sandali nito kasama ang naturang babae. "So, to be close with her, I immediately enrolled to the cooking school where she's working. Sobrang saya ko nang siya ang maging personal instructor ko. Doon na kami tuluyang nagkapalagyan nang loob."

Damang-dama niya ang pagmamahal nito sa naturang babae. Naalala niya bigla ang mga sinabi nito sa kanya noong nakaraang gabi na sa cooking school ito natutong magluto. Ang babae pala ang dahilan kaya ito nagsumikap matutong magluto.

"Sa kanya umikot ang mundo ko sa loob nang tatlong taon. Ang sabi nga nang mga close friends namin ay kasal nalang daw ang kulang sa amin. So, to make it all official, nagpropose ako ng kasal sa kanya, which she accepted immediately. I was the happiest man that time. Kaagad naming pinlano ang aming kasal." natigilan ito at kapagkuwa'y isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi. "Our wedding date came. Everyone was so excited. All our friends and family are there in the church to witness the wedding. But she was delayed. One, two, three hours, hindi ko na alam. Despite that, naghintay pa rin ako, at hindi ako nawalan nang pag-asa. Then, there came the news, nabangga daw yung wedding car na sinasakyan niya." parang may kung anong bagay ang bumikig sa lalamunan nito. "Nadala pa siya sa hospital, pero huli na ang lahat, she was dead on arrival."

Natigilan siya at hindi nagawang magsalita. Napakatraumatic naman pala nang naranasan nito. No one deserved that kind of pain he experienced when he lost the girl he loved so much.

"Goodness, I'm sorry," sinubukan nitong muling ibalik ang composure. "Hindi ko na napigilan ang sarili kong ikwento ang tungkol kay Irish."

"No, it's okay," she assured him. "Sometimes you just have to share your thoughts with someone." anya. "Nakakagaan kasi ng pakiramdam yung alam mong may nakikinig sa'yo." ngumiti siya rito. "Me, I'm always willing to listen to you, Lyndon."

Natigilan ito at ilang sandaling nanatiling nakatitig lamang sa kanya. Pagkuway tumaas ang sulok ng mga labi nito. Pakiramdam niya ay nagsiawitan ang mga anghel sa langit nang mga sandaling iyon.

"Thank you, Joy." ang nakangiting ipinahayag nito. "I indeed felt great when I shared that to you."

FORGET ME NOT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon