#HRIITLYParenthood
A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Regine, nag-aaya sila Pops at Lei ng kainan sa baba. Tara." Aya sa'kin ni Robin. He's actually under me now, resident nga lang siya.
It has been what...three days after that shocking phone call. Buti naman at wala nang naging ganung tawag after that. All came back to normal but my mind is still looking for answers. What the hell is that scary monster up to? Anong kailangan niya sa'kin? Anong kinalaman niya sa relasyon namin ng asawa ko? Why did he have to throw questions like that recklessly? Isn't it absurd, or what? Hindi ko naman siya maaring kasuhan dahil hindi niya naman ako pinagbantaan pero...damn. It gave me a whole bucket load of sweating, anxiety and panic attacks at that moment.
"Reg." he snapped at me.
"Oo na nga." inis kong sabi.
Niligpit ko lahat ng gamit ko sa lamesa, making sure nothing's spilled and might get lost on those files. Wala pa rin akong admitted patient sa ngayon kaya tambay muna ako sa opisina. Nakakabagot minsan pero okay na rin kaysa magrounds dati na sobrang nakakastress, tsaka I'm pregnant, I should take care of myself and be careful as always.
The past few days have been tough for an individual like me. I may have been here in this platform for long, nakakapagod pa rin lalo na't bago lang ako na re-appoint. Since the first day, hindi pa ako umuuwi ng bahay. Yes, dalawang araw akong walang tulog at sa awa ng Diyos kumakain naman ako sa tamang oras for me and my baby inside. Today marks its second month inside me. Medyo may contractions na nga ng baby bump e, nakakatuwa lang himas-himasin hahaha. Well back to the topic, sleepless nights and early morning sickness always draws me a lot, and I think it's normal since shuntisan naman ang lola niyo.
"Kanina ka pa tahimik, Reg. Looks like something's bothering you." komentaryo ng kasama ko ngayon sa paglalakad. "Care to share?"
I immediately turned my head at him para hindi niya mahalatang tulala ako. "Mmm. Wala wala. I'm fine. No need to worry."
"Ang lutang lutang mo lang ngayon. Nag-aalala ako sa'yo e." he sounded so worried.
"I'm thinking about random things. That's it." Sagot ko nalang para mapanatag ang loob niya at wag na akong kulitin, pero parang nahuli pa ata ako sa akto.
"Is it about the incident two days ago?" pag-uulit niya. I heaved a sigh when I hear those words. Bumabalik na naman yung takot ko. He held my hand in comfort. "Pinaimbestigahan na yun, tina-track na kung kaninong boses at saang lugar nanggaling yung tawag. Hindi na mauulit yun, not on our watch again. I promise. We promise. Kaya please, tama na kaka-overthink, nakakasama yan kay baby. We're going to overcome this, we're gonna be safe again."
Maybe he's right. I need to calm down. Hindi yung napa-praning at napaparanoid ako kada galaw na ginagawa ko. I have to be strong. "Thank you. I will."
We both opened the gates to the canteen and yes, unang titig ko pa lang sa mga lamesa ay kitang-kita ko na ang dalawang impaktita. They both waved at me. Nakita naman ni Robin ang ginawa nila kaya he let me go to them at siya na daw ang kukuha ng pagkain naming dalawa. I first insisted dahil baka may taste akong di magugustuhan sa kakainin namin pero siya na daw bahala. Ayoko namang magkavaricose kakalinya kaya I eventually gave in to what he wants.
"Hi sis! Kamusta first three days?" Pambungad na tanong ni Pops when I sat down beside her.
"Pagod. Drained. Nalulula sa paperworks." Tipid kong sagot.
"You have a patient with me, tama? I'll let you handle her this time." Pops said that made my eyes twinkle. Yes naman, finally, may excuse na akong gumala sa wards!
BINABASA MO ANG
[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)
Romantik"Tell me Regine, ano bang kinakatakutan mo? Ang mawala siya sa'yo, o ang malaman mong hanggang saan magiging tama ang mali niyong pagmamahalan?" Dra. Regine Velasquez-Alcasid's journey has been tough-pains had been paid off-obtained acceptance and a...