#HRIITLYRetroversionThree
A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Hay nako."
Namumungay ang mga mata ni Ogie kakahintay kay Chona. Andito na naman siya sa harap ng sarado nilang bahay, nakatunganga sa harap ng pintuan nila. May isa rin naman siyang rason kung bakit siya andito, ang maglaro. Maganda kasi ang lupa nila, hindi madulas, hindi maputik, hindi katulad ng sa hacienda e kumpol-kumpol ang lupa at bato. Maganda makipaghabulan dito.
Suot suot kaya niya yung ipit na bigay ko sa kanya? Isip isip ng batang lalake.
Ilang buwan na ang nakalipas mula nung makita niyang muli si Chona na nagpapatuyo ng mga dahon ng saging sa gubat. Akala niya hindi siya magtatagal doon at araw lamang ang pagitan ng kanilang hindi pagkikita, subalit nabigo siya ng kanyang sariling ekspektasyon. Ang sinabi lang naman ni Chona ay hindi siya lalagay sa tahimik doon. Pinagsisihan ni Ogie na umasa sa sarili niyang paniniwalang hindi naman binigay sa kanya.
"Ogie, eto na o." binigay ni Ariel sa kanya ang eroplanong papel na kanilang nilaro noong nagkita sila ni Chona. Medyo madumi at nalulupi na ang mga dulo nito, halatang gamit na gamit na. Imbes na kunin ito ay umiling nalang siya. "Oh, bakit ayaw mo? Akala ko ba gustong-gusto mo to?"
"I am not in the mood." tipid niyang sabi.
"Ayaw mong maglaro? Anong gusto mo, mag-isa? Mag-mukmok? May pinagdadaanan ka ba sa buhay, ha? Sampung taong gulang ka lang Ogie, wag mong sabihin sakin na umiibig ka na." sabi namang ng walong-taong gulang na si Ariel sa kanyang nakakatanda.
Umiibig nga ba ako? Patuloy na pagiisip ni Ogie.
"Am I really...falling in love..." wala sa wisyong naibulalas niya.
"Bahala ka na nga dyan." nakasimangot na umalis si Ariel sa lugar na iyon. Napagdesisyonan ni Ariel na bumalik nalang sa hacienda at tulungan ang ina sa mga gawaing bahay kaysa magaksaya ng oras sa isang taong ayaw naman maglaro. Si Ogie ay naiwan doon at matiyagang naghintay.
Dininig ang kanyang dasal at nang palubog na ang araw ay dumating ang kotse nila Chona. Bumaba ang nanay nito at nabigla siya sa kanyang nakita. Hindi na ito ang simpleng babaeng nakita niya, para na itong isang Donya. Sunod na bumaba ang kanyang itay na sobrang matikas at...may malaking pagkakaiba kaysa noong una nila itong makita. At ang huli ay si Chona na nakalugay ang buhok at may pulang lasong nakatali sa ulo nito. Nakasuot ito ng pulang damit na ternong-terno sa suot niyang sapatos.
Hindi siya nagbago.
Maganda pa rin siya.
Hindi niya maiwasang magtaka kung anong ginawa ng pamilya nila sa Maynila at grabe ang kanilang pagbabago. Nanalo ba sila sa sweepstakes? Binenta ba nila ang kanilang mga ari-arian at pinang-shopping ang komisyon? Umuwi ba ang kamag-anak nila galing Pranses at nilibre sila? Ang daming tumatakbo sa isip ni Ogie kung paano nangyari ang ganitong malaking pagsasaayos.
BINABASA MO ANG
[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)
Romance"Tell me Regine, ano bang kinakatakutan mo? Ang mawala siya sa'yo, o ang malaman mong hanggang saan magiging tama ang mali niyong pagmamahalan?" Dra. Regine Velasquez-Alcasid's journey has been tough-pains had been paid off-obtained acceptance and a...
![[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/200492252-64-k95380.jpg)