#HRIITLYPagbabanta
A/N: Hiii, eto naaaa! Nasulat ko na to kagabi so onting dagdag nalang yung ginawa ko. Medyo ayos na naman reqs namin so I made time to write hehehe. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Hala baba, magkakilala pala kayo?" Regine asked me. I was still stunned and my eyes are still left widened by what Rivera said to me. Putangina siya.
"Yes, we had a perfect relationship...actually." dagdag pa nito as he let out a laugh and his mood switched when his eyes met mine.
"Sino ka?" tanong ni Ogie sa isang lalakeng nag-iisa lamang sa isang sulok ng kuwarto. Bagong lipat pa lamang sila sa kanilang tinitirahang bahay kaya't hindi pa niya nakikilala ang iilan sa mga bago nilang katuwang sa pamamahay na iyon.
Imbes na sagutin ang tanong nito, tumakbo ang bata ng mabilis na mabilis. At dahil bata at naisip niyang nakikipaghabulan sa kanya ang kapwa-bata, hinabol naman niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Nakarating sila sa labas ng bahay at paikot ikot lang, hanggang sa nadapa si Ogie kakahabol sa kanya. Nakatikim siya ng sigaw mula sa mga magulang nito.
"Herminio Jose!" isa itong malalim na tinig. "Anong dinadapa-dapa mo dyang bata ka, ha? Diba sinabi kong mag-ayos ka ng mga gamit mo sa pinili mong kuwarto? Anong inaatungal mo dyan? Kilos!"
Walang nagawa ang bata kundi sumunod sa inutos ng kanyang ama.
Tahimik siyang pumasok sa kanyang kuwarto habang medyo mamula-mula ang naging daplis ng sugat sa tuhod niya. Medyo masakit pero kakayanin, sabi niya sa sarili. Lingid sa kaalaman niyang sinusundan pala siya ng bata na kanina'y hinahabol-habol niya pa. Nahuli niya itong sumisilip sa gilid ng pintuan habang nag-aayos siya ng gamit. Nabatid ng bata na nahuli na naman siya ni Ogie kaya napili na lamang niya na tumulong sa pag-aayos. Hinay-hinay siyang kumilos na para bang nahihiya pa sa kapwa niya bata.
"You didn't answer my question earlier." halos tumilapon sa gulat ang bata nang marinig niyang nagsalita si Ogie. Mapayapa naman kasi silang nag-aayos e nagsalita siyang bigla. "What's your name? Who are you?"
"A-ariel..."
"Ariel? That freaking soap powder shit?"
Naging seryoso ang bata at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Ariel Rivera. Isa sa mga boy niyo po dito Senorito. Maligayang pagdating sa inyong bagong tahanan."
"Sorry if I got you offended." sambit ni Ogie na halatang nagsisisi sa binulalas niya.
"Ayos lang. Sanay na akong makutya."
Nabigla si Ariel nang biglang inilahad ni Ogie ang kanyang kamay. "Friends?"
Nagdalawang isip pa ito pero marahan niyang tinanggap ang kanyang kamay. "Friends.
"Ah, so you were childhood friends? Why did you two broke up?" curious na tanong ni Regine. "Ang sama mo namang kaibigan, sinabihan mo pa akong-"
Hindi ko siya pinatapos dahil sinadya kong ihulog ang kutsara para hindi niya ituloy kung ano man ang dapat niyang sabihin. Goddamnit, how can I keep this secret I've been keeping all my life? I just can't mess up everything tonight! And not now na pinapadama ko kay Regine na buong-buo siya sa loob. No, I could not bear to give the answer to the question that would shut the hell out of me.
How right it is to love you, Ogie?
Fuck. No, please. Not now. Not ever.
Si Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para pigilan ang kung ano mang pangungulit nila sa pagiging magkaibigan namin dati ni Ariel. They served us what they ordered, and made silence as we munched over the classy food served in front of us. To the point na nakakahiya na magsalita dahil busy ang lahat sa pagkain, sobrang sarap nito, and of course may isyung ayaw mahalungkat. Every member of the family has secrets.
BINABASA MO ANG
[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)
Romance"Tell me Regine, ano bang kinakatakutan mo? Ang mawala siya sa'yo, o ang malaman mong hanggang saan magiging tama ang mali niyong pagmamahalan?" Dra. Regine Velasquez-Alcasid's journey has been tough-pains had been paid off-obtained acceptance and a...
![[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/200492252-64-k95380.jpg)