Chapter 44

355 20 1
                                    

#HRIITLYRetroversionFour

A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

"Magpapakasal ka kay Regine Velasquez."

Gumuho ang mundo ni Ogie nang marinig niya ang mga katagang iyon mula sa kanyang tatay. Hindi niya akalaing sa ganun kabatang edad ay napagpasyahan na siyang ikasal sa iba sa kanyang paglaki. Ni hindi niya kilala ang babae at hindi niya pa narinig ang pangalan nito sa kahit na anong radyong napakinggan niya. Nainis siya sa pangitaing iyon kaya nagawa niyang sumagot.

"Pa, I don't even know who that person is and now you're setting her as my bride?" inis na sabi niya.

Isa lang naman ang gusto niyang makasama habangbuhay.

Si Chona.

"Knowing her is not important anymore," giit ng tatay nito. "Ikaw lang ang inaasahan ng pamilya natin Herminio Jose. Kailangan mong gawin ito para isalba ang angkan sa kapalpakan ng Tito mo. Kailangan mong magpakasal sa kanya."

"At bakit ko naman gagawin iyon, Pa? Aside from not knowing her I don't even love her! Her name doesn't sound like magic to me, wala siyang epekto sa'kin Pa. Matibay ang paniniwala ko sa pag-ibig dahil sa tingin ko yun ang nararapat."

Binigyan lang ng tatay niya ng isang nakakalokong ngiti ang kanyang anak. "Sobrang sarap sa tainga marinig ang mga salitang iyon...totoong pagmamahal." tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Tama na ang pagpapantasya, iho. Nasa realidad tayo ngayon at dapat mo iyong harapin. Nagmana ka talaga sa nanay mong illusyonada."

"Pa, alisin mo si Mama sa usapan."

"Oh? Hindi mo ba alam?" pagak itong tumawa. "Nang dahil sa paniniwala niya sa totoo at wagas na pag-ibig, siya ay nabigo. Ayun, naging biyuda. Kung hindi lang naman nagmakaawa ang nanay niya na pakasalan ko siya alang-alang sa kapakanan niya sapagkat ito ay nasa kanyang tagubilin nang mamatay ito, nako, hindi ko alam kung saang lupalop na yan pupulutin ng mundo. Mahina ang nanay mo, at naamoy ng mundo ang masangsang na amoy ng mga mahihina."

Nabigla si Ogie sa kanyang nalaman. Hindi siya makapaniwalang ganun ang pinagdaanan ng kanyang ina. Ang akala niyang perpekto at masayang pamilya ay may bahid pala ng awa lamang at pansariling interes. Akala niya ay perpekto ang kanyang ina, maganda, maalaga, mabait at bukal ang pusong tumulong sa kapwa, na sa kabila noon ay may matindi pala itong pinagdaanan.

"Kaya kita pinangalanang bata-bataan ko ay dahil gusto kong sundin mo ang utos ko. Gusto kong sundan mo ang mga yapak ko. Gusto kong makinig ka sa lahat ng mga sasabihin ko." dagdag pa ng tatay ni Ogie.

Nakayukom lamang ang kamay nito. "Pa, kailangan mong tanggapin na hindi ako kailanman magiging kayo. Hindi ako kailanman tutulad sa'yo. Hindi ako kailanman mabubulag sa lahat ng mga ipapagawa mo sa'kin."

Namumula at umuusok ang butas ng ilong nito, namumungay na ang mga mata dahil sa tindi ng pagkapikon sa mga sagot ng anak niya. "Pwes, tignan natin kung hanggang saan aabutin ang pagtatapang-tapangan mong bata ka."

"Si Chona lang ang gusto kong pakasalan, Pa." pasinghal niyang sabi at nanatiling nakayuko ang ulo.

"Si Chona? Sino siya?"

"At bakit ko sasabihin sayo?" may halong inis ang tono ng pananalita ng bata. "Sinira mo na ang tiwala ko Pa nang binunyag mo ang plano mo sa'kin na ipakasal ako sa iba. Para sa'kin ay sapat na yun para kamuhian ka at magalit ako sa'yo. Kung ibubunyag ko sa'yo si Chona ay maaring may masamang mangyari sa kanya, hinding-hindi ko iyon hahayaang mangyari."

"Sampung taon ka pa lang, Herminio Jose at natututo ka nang maging suwail sa pamilya!" hinampas niya ang lamesa nang buong puwersa. "Sinasabi mo bang mas pipiliin mo ang babaeng iyon kaysa sa sarili mong angkan? Nahihibang ka na!"

"Dahil ito sa kagagagawan mo!" sabat niya pabalik. "Kung hinahayaan mo ako ngayon na magdesisyon para sa sarili ko, edi sana hindi ako magiging ganito Pa. Edi sana, ka-respe-respeto ka pa rin sa pananaw ko. Pero ngayon? Hindi na."

Pinilit ng tatay niyang maging kalmado. "Maiintindihan mo rin kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito...para rin ito sa kinabukasan mo anak. Kailangan mong isalba ang pamilya natin. Ikaw lang ang pag-asa ng ating angkan."

"Pa...bigyan mo ako ng isang magandang rason kung bakit ko siya pakakasalan at bakit karapat-dapat ko siyang piliin kaysa sa minamahal ko ngayon." pikit-matang sabi ni Ogie na handang makinig sa maaring sabihin ng tatay niya.

"Dahil sa pera. Magpapakasal ka sa kanya para maisalba ang kompanyang itinayo ng Tito mo. Dahil kung hindi, tapos tayong lahat Herminio. Madali tayong makokontrol ng mga Hapon pag nagkataon. Bilin rin sakin ng Lola mong ibigay ka sa taong...pakikinabangan mo sa kasalukuyan."

Napaawang ang bibig ni Ogie.

Sa kabila ng bata niyang isipan, napagtanto niyang sinisiguro ng tatay niyang panatilihin ang magandang imahe ng kanilang pamilya. Sinisiguro nito na hindi sila magkawatak-watak at aabot sa puntong itatakwil na nila ang isa't isa. Sinisiguro niyang kailanman ay hindi sila mabubuwag. Sinisiguro niyang malakas ang kapit nila sa kung kaninong gobyerno sila napapasailalim ngayon para na rin sa kanilang seguridad at alang-alang sa kanilang buhay.

"Pag-isipan mo ng mabuti, iho. Mahaba pa ang oras mo. Isipin mo kami. Isipin mo ang kapakanan naming lahat. Maaring nababalot ka pa ng galit ngayon, ngunit nananalig akong maiintindihan mong para rin sa'yo tong ginagawa namin." mahinang saad ng tatay niya.

Iniwan niya ang tatay niya sa loob ng kuwartong iyon at tumakbo siya papalayo. Lumabas siya ng bahay nila at pumunta sa dati nilang pinagliliparan ng eroplanong papel ni Ariel. Hinanap rin niya ang kaibigan pero mukhang sumama ata sa nanay niya na mamalengke. Hindi na niya ginambala at hinanap pa dahil naramdaman niyang gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang makapag-isip isip kung anong susundin niya...ang kanyang puso o ang kanyang tungkulin?

May narinig siyang mga yapak galing sa kanan niya. Nilingon niya ito kaagad at nakita niya ang maaring makapagpasigla ng nararamdaman niya ngayon. Si Chona ay tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa malaking batong iyon at dinamayan si Ogie sa kanyang pag-iisa. Sa mga oras na iyon, kahit na hindi sila nagsasalita, ay naramdaman ng dalawa na nasa tamang kalagayan sila...at wala na silang mahihiling pa. 

"Salamat."

"Bakit?"

"Kasi dumating ka para isalba ako."

"Ano bang nangyari?" 

"Mabigat."

"Baka pwede kitang tulungang magbuhat sa problemang iyan." tinignan niya ako sa mga mata, pilit bang naghahanap ng mga sagot sa katanungang ano ang nangyari sa'kanya. 

"Pamilya."

Tumawa siya ng pagak. "Parehas pala tayo."

Lumulubog na ang araw at naalala ni Chona ang lagiang bilin ng kanyang ina na dapat ay nasa bahay na siya bago lumubog ang araw. "Kailangan ko nang umalis. Magkita tayo bukas ng hapon dito sa batong to. Aasahan ko ang iyong pagdating." bilin niya sa kanyang iniirog at dali-daling tumakbo pabalik ng kanilang bahay. 

Tinignan niya lang si Chona na tumatakbo palayo. Nang hindi na niya ito tanaw ay tumayo na rin siya sa pagkakaupo at umalis na rin doon. Kahit man lang sa maikling pagkikitang iyon ay naging maginhawa ang nararamdaman niya tungkol sa mga nangyaring pagtatalo ng tatay niya kanina. 























































Mahusay siyang naglakad nang nakarinig siya ng isang sigaw mula sa kagubatan.




















































Tinig iyon ng minamahal niyang si Chona.

[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon