Chapter 48

376 25 11
                                    

#HRIITLYRetroversionExtended

A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

"Maria Cielito," malalim na sambit ng kanyang tiyuhin.

"Po?" 

"Pumunta ka sa taas, sa maliit na korte ng bahay. May bisita tayo."  sabi niya habang inaayos ang kanyang mesa. "Tsaka magbihis rin kayo ng tiyahin mo, dapat presentable kayo pagdating nila. Maghanda rin kayo ng meryenda. Ayaw na ayaw kong napaphiya ang angkan natin."

Mabilis na pumunta si Maria sa kusina. Nakita niya ang nanay niyang nagluluto na ng empanada. Sinabihan na lang niya ito na damihan ang pagluto dahil may bisitang darating maya-maya. Tumango naman ang nanay niya at dumiretso na siya sa taas. Binuksan niya ang pintuan ng maliit na korte ng bahay at nilinis ito dahil medyo maalikabok na. Ginamit lang nila to nung isang araw pero parang may kung anong humahatak sa mga alikabok para dumikit dito. 

Ang tiyuhin nito ay isang husgado at isang mahistrado na nagtatrabaho sa ilalim ng gobyerno. Syempre, hindi naman lahat ng abogadong tulad niya ay banal. Minsan, sinusuhulan siya ng mga Hapon para manalo sa kaso, mga Amerikanong sakim sa pera para lamang maabot ang inaasam niyang lugar ngayon. Medyo hindi man mabuti ang kanyang propaganda pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang manalig sa Diyos. Marahil parurusahan siya sa lahat ng kasamaan at kadayaan niyang ginawa, at tanggap na niya iyon.

"Velasquetros," narinig niyang sabi ng tiyuhin niya habang siya ang nagwawalis ng sahig. "May kaklase ka bang ganoon ang pangalan, hija?"

Napaangat ito ng tingin. "Wala po. Velasquez, marami. Balwarte ng mga Espanyol ang institusyong pinapasukan ko." Buti nalang at nasa puder siya ng tiyuhin niya at madali siyang nakapasok at mananatiling hindi gagalawin ng mga sakim na mga Espanyol.

"Ah, ganun ba." saad nito at ininom ang dinalang tsaa. "Pwede ka nang umalis hija. Salamat. Pwede mo nang gawin ang gusto mo ngayon." 

"Salamat rin po." 

Niligpit ni Cielito lahat ng gamit niya at nilagay ang walis at dustpan sa bodega. Dumiretso siya sa kusina para kahit papano ay matulungan niya ang kanyang tiyahin para maghanda ng meryenda. Hinugasan niya muna ang kamay bago humawak ng mga rekados para sa empanada. Nakatitig lang sa kanya ang kanyang tiyahin at napangiti sa ginagawa niyang tulong.

"Ke bata bata mo pa, ang sipag mo na." sabi nito. "Sige na, kaya ko na dito. Maglaro ka na sa labas."

"Ay hindi, okay lang po Tiya. Tutulong nalang po ako. Tirik na tirik rin naman ang araw e, wala akong magiging kalaro sa labas." pagdadahilan ni Cielito.

[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon