Chapter 49

429 28 17
                                    

#HRIITLYWagKangBibitaw

A/N: A chapter more to go and an epilogue tapos matatapos na po ang HRIITLY. Waaaah! Hahahaha! Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

Herminio Jose's Point of View

I never thought chasing justice would be this hard.

Alam ko kung nasaan sila Regine ngayon. Magkasama sila ni Ariel papuntang Zambales. This plan, this wholesome plan, was Fernandez's idea. I don't know why the hell she got involved but she volunteered to do so and just took that help just because she's Regine's best friend. Yun nalang ang inisip ko para wala nang gulo, at naisip ko ring kinakailangan nga namin ng tulong. Yung tulong na makakapagsalba kay Regine.

Kahit wag na ang relasyon naming dalawa.

I believe that I have put Regine into so much danger, into so much despair, and made her suffer at all costs. Sobra-sobra na ang paghihirap na dinanas niya, sobra-sobra na ang paghihirap na dinulot ko sa kanya. I used her, my whole family used her kahit wala siyang ginawang kasalanan laban sa amin. She and her family blissed gracefully and here we are...breaking her hopes and dreams. No wonder, kaya, galit na galit ang nanay niya sa'kin at gusto akong hiwalayan sa lalong madaling panahon. Pero anong ginawa ko? I became selfish. Pinaikot ko siya at pinalabas kong mahal ko siya para lang wag na niya akong iwan. I even falsified our divorce papers as what have my father said. Ako namang tatanga-tanga, hinayaan ko namang mangyari iyon.

She doesn't deserve this.

Hindi ako magagalit kung magagalit siya sa'kin dahil kagalit-galit ang ginawa ko sa kanya. It should be undone and should be erased from her history if we could only can. Sising-sisi ako sa ginawa kong kabastusan sa buhay niya. Sising-sisi akong hinayaan kong mangyari iyon sa kanya. Sising-sisi ako kung bakit ko pa siya pinatulan at minahal kahit na alam kong may tinatago kaming rason para pakasalan ko siya, alam ko ring walang sikretong hindi mabubunyag, and I guess that time has come for us to unfold everything. Wala na akong pake sa maari niyang maramdaman tungkol sa akin, ang importante ay tatapusin ko na ang lahat ng ito.

Ang tanging naiisip ko na lamang ay ang tuldukan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. I started it all, and I should be the one who's gonna end this chaos. I should put an end to my wife's sufferings and make her shine her own way. Ibibigay ko sa kanya ang hustisyang alam kong I have to save her, to that extent na mabayaran ko lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng ito, hahayaan ko nang gawin ang gusto niya. She can do whatever she wants with everything she deserves.

Even if it takes to set her free.

There were sirens with me. I came prepared with tons of policemen coming with me to Zambales. Medyo malapit-lapit na kami sa paroroonang sinabi sa'kin ni Ariel kanina bago sila umalis. Ewan ko kung bakit iyon ang napili nilang lugar e sa pagkakaalam ko ay iyon ay nasa masukal na parte ng kagubatan. Naisip ko mas mabuti na rin iyon para naman maging misteryoso ang pagsalakay namin. We are going to corner my father and end this stupid usage of him, tonight.

Little did I know that the sun is already rising up. Alam kong medyo mahihirapan kami rito, but we will do our best to manage this operation and fulfill my duty to save my wife. We are actually getting there, and parked ourselves in front of a small hut. Bumaba na kaming lahat sa kanya kanyang mga sasakyan namin. Dala dala ko ang isang envelope na may kapangyarihang magpatumba sa tatay ko. 

I walked in first, as planned. Iilang metro ang layo ng mga pulis sa akin para naman ay hindi kami mahuli ng mga tao sa paligid. I fastly walked at baka kung ano na ang nangyari sa asawa ko. My heart is beating so fast right now at natatakot rin ako sa kung ano mang pwedeng mangyari sa loob ng warehouse na iyon. Maaring katapusan ko na, and worst case scenario, maaring katapusan na rin ni Regine. Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa kanya.

[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon