#HRIITLYRetroversionTwo
A/N: Continuation. Eto guys, I heard something about changing of names and surnames from my classmate kasi naranasan na rin ng family nila yun. So if ever hindi to nangyari (kung nagsearch talaga kayo lols) this would remain as a fictional happening. Pero nangyari na talaga sa family ng classmate ko to e. Hahahaha. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Hermosa. I like that word." komento nito.
Butterflies in Ogie's stomach at that young age is evident.
"Sige na, hinahanap na ako ni Mama e. San ka nga ba nakatira?" tanong ng batang babae kay Herminio Jose.
"Sa kabilang bakod?" pagpapatawa nito, at natawa ang batang babae. "Biro lang, pero totoo talaga yung sa kabilang bakod. Sa'amin ang haciendang iyan."
"Ganun ba." pahayag ng babae. "Sige, magkita nalang tayo kung tayo'y pagtatagpuin ng tadhana." matalinghagang sabi nito. Tumalikod na si Chona at naglakad papasok ng bahay nila.
"Do you have plans on seeing me again?" pasigaw na sabi ni Ogie.
Naestatwa si Chona sa kinatatayuan niya.
At palihim na ngumiti.
Hinarap niya si Ogie at ngumiti. "We will be. Maybe. Hindi natin alam ang dadalhin ng bukas para sa'ting dalawa."
"Edi tayo ang gagawa ng paraan para paglapitin tayo ng tadhana." nakangiting tugon ni Ogie.
"Tignan nalang natin." at yun ang hudyat ng pagtalikod nito sa kanya at tuluyang pumasok sa bahay.
Nakatulala lang siya sa sobrang kagandahan ng bata. Para siyang binatang nahumaling sa isang dalagang tulad niya. Sa isip isip niya, she's like an angel fell down from heaven to save him from all distress and fears in his life. One thing for sure, he wants her to be his one long lasting love.
"Huy!" pukaw sa kanya ni Ariel na sinundan pala siya. "Kanina pa kita hinahanap. Hinahanap ka na ng tatay mo, hinahanap na rin ako ng nanay. Halika na dali!" hinila niya ang bata at bumalik na sa kanilang dinaanan.
"Ba't ka ba napadpad dun?"
"E dun naman lumanding tong eroplano ko."
"Sila pala yung nakabili ng bahay...sana di ka nalang napunta dun." saad ni Ariel.
"Bakit naman?"
"Basta. Sa susunod wag na wag kang lalapit sa kanila ha, kahit sino sa kanila. Delikado sila." paalala ni Ariel.
Naalala niya si Chona.
Pati ba siya...iiwasan niya?
Napasinghal nalang siya. "Sige. Pakatatandaan ko iyan."
Naglakad sila pauwi ng bahay. Mga ilang minuto rin ang naging lakaran bago sila makarating sa kinatatayuan nila kanina habang nagpapalipad ng eroplanong papel. Imbes na maglaro, tumuloy nalang sila sa bahay kasi lumulubog na rin ang sikat ng araw. Tinago nila ang kanilang mga laruan sa bodega at pumasok na sa bahay nito. Maagang nagsipaghugas ang dalawang batang lalake at sa mga oras na iyon ay nagkahiwalay na sila ng landas. Pumikit na ang kanilang mga mata alas sais im-punto, gaya ng bilin ng kanilang mga magulang.
BINABASA MO ANG
[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)
Romance"Tell me Regine, ano bang kinakatakutan mo? Ang mawala siya sa'yo, o ang malaman mong hanggang saan magiging tama ang mali niyong pagmamahalan?" Dra. Regine Velasquez-Alcasid's journey has been tough-pains had been paid off-obtained acceptance and a...
![[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/200492252-64-k95380.jpg)