#HRIITLYRetroversionFive
A/N: Shifting to Ariel's POV ahead. Yes, may point of view ang bebeboi nateeen. Last part of the flashback na itey, pero incomplete pa ehehe. I dunno, maybe hanggang chap 55 or chap 60 depende sa magiging takbo sksksk. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
Patak ng tubig.
Iyon ang unang narinig ni Chona pagkagising ng diwa nito. Naramdaman niya ang lupa sa kanyang mga braso—nakahilata pala siya at may kung anong nakatali sa kamay nito. Sinubukan niyang ipaghiwalay ang mga binti niya pero gayon rin ang sitwasyon nito. Idinilat niya ang kanyang mga mata, wala siyang makita kundi kadiliman lamang.
Sinubukan niyang tumayo, at umupo sa sahig. Luminga-linga siya, sakaling may taong nasa labas. Pakiramdam niya ay nasa gitna sila ng kagubatan na ni kung magsisisigaw siya ay walang makakarinig sa kanya. Hindi niya pinagaksayahan ang natitira niyang lakas para humingi ng tulong—hinang-hina si Chona sa hindi malamang rason.
"Gising ka na pala."
Narinig niya ang isang pamilyar na boses.
Tama. Naalala na niya.
Siya ang kausap ng tatay niya na pilit silang pinapaalis sa lugar na kanilang tinitirhan na iyon.
"Kilala mo ba ako, hija?" Sobrang dilim ng paligid at ni anino nito'y hindi niya maaninag.
"H-hindi po." nangangatog na sabi ng bata.
Isang ilaw ang lumiwanag. Kumunot ang noo ni Chona, bago niya makita ang pagmumukha ng kausap niya kanina. Halos mamatay si Chona sa sobrang takot nang makita niya kung sino iyon. Gulat na gulat siya dahil hindi niya inaasahang siya pala ang nagtangkang kunin siya mula sa kanyang mga magulang.
Ang tatay ni Ogie.
Hindi naman talaga niya kilala ang taong iyon. Nakikita lang niya ito kapag aalis na si Ogie sa tabi niya, kapag tinatawag siya ng lalake. Akala niya mabait siya, dahil sa maamo nitong mukha, akala niya isa siyang huwarang ama. Pero sa ginagawa niyang 'to, bumaliktad ang lahat ng naging akala niya. Hindi pala.
"Chona. Ikaw pala ang kinababaliwan ng anak ko." komento niya. "Sinasabi ko sa'yo, layuan mo siya. Hindi siya nakalaan para sa'yo."
"Pero mahal niya ako."
"Hindi niyo alam ang depenisyon ng pagmamahal."
"Totoo ang nararamdaman namin para sa isa't isa."
"Hindi tama ang pagmamahalan ninyong dalawa."
"Paano ka nakakasiguro?"
BINABASA MO ANG
[ITNOL #2] How Right It Is To Love You? (COMPLETED)
Romance"Tell me Regine, ano bang kinakatakutan mo? Ang mawala siya sa'yo, o ang malaman mong hanggang saan magiging tama ang mali niyong pagmamahalan?" Dra. Regine Velasquez-Alcasid's journey has been tough-pains had been paid off-obtained acceptance and a...